Part 10

66 2 0
                                    

"Welcome sa group, Cloria Salazar at Hesusa Arcilla!" Pumalakpak ang tatlo na babaeng nag-assist sa magkaibigan pagkatapos nilang ipasa ang form na finil-up-an nila.

Nagtatakang nagkatinginan sina Hesu at Cloria. Parang ang dali lang kasi na nakapasa sila sa club. Hindi nila inasahan. Ngunit saglit lang ay masigla nang nakipagkamay si Cloria sa tatlong member palang ng club.

"Thank you," ani Cloria.

Ngumiti lang naman si Hesu sa tatlong babae. Nakisama na lamang siya para kay Cloria. Sa isip-isip niya'y, akala ko ba ay maraming member sa club na ito? Konti lang pala.

"We are delighted that you've chosen our club, Hesu and Cloria. So, there are six of us now na member, kasama ang president na si Hardy Evete," pahayag ng kaunting impormasyon ng chubby na si Chalita. Ito ang unang nag-approach sa kanila kanina. At masasabi nilang parang ang bait-bait nito.

Nagningning ang mga mata ni Cloria. "Kung gano'n totoo na si Hardy ang president ng club na ito?"

Nagkatinginan at nagkangitian ang tatlong babae.

"Oo, Cloria. Totoo ang tsismis na iyon, pero sana 'wag nating patotohanan iyon. Sana kahit magtanong sila sa 'yo ay 'wag mong sasagutin. Malupit na sekreto iyon kasi ng club natin." Ang payat na babae ang sumagot. Mashella naman raw pangalan nito.

"Kasi Hesusa, Cloria..." dagdag sana ni Yllay na nerd. Ngunit dahil nagtaas kasi ng kamay niya si Hesu ay natigil ito.

"Koreksyon po. Hesu na lang ang itawag niyo sa akin hindi Hesusa," pagtatama ni Hesu sa kanyang pangalan tapos ay binaba rin niya agad ang kamay.

Ngumiti ang lahat kay Hesu.

"Kasi, Cloria, Hesu, kapag nalaman nilang si Hardy nga ang president ng club natin ay siguradong dudumugin ang club. I mean marami na ang magmi-member para lang mapalapit kay Hardy. Which is ayaw sana naming mangyari dahil ginawa ang club na ito for paranormal purposes hindi para maglandian lamang," patuloy na paliwanag ni Yllay.

Naubo si Cloria. Natamaan ang dalaga.

Gustong pagtawanan ito ni Hesu. Pigil na pigil niya ang kanyang sarili.

"So, sila ba ang bagong member na tinext niyo sa akin?" tinig na ni Hardy na nagpatuwid sa pagkakaupo nina Hesu at Cloria.

"Ay oo, Hardy. Sila si Hesu at Cloria," ngiting-ngiti na imenwestra ni Chalita silang magkaibigan sa binatang nasa likuran nila.

Napangiwi si Hesu. Ayan na ang mayabang.

"Magpakilala kayo sa kanya," bulong ni Yllay sa kanila.

Doon nataranta sina Hesu at Cloria na tumayo at lumingon sa kanilang president 'raw'.

"Good morning, Hardy," ngiting-ngiti na bati ni Cloria sa binata. Kinikilig na naman ito.

Nagyukod lang naman ng ulo si Hesu. May konting hiya siya, eh.

Tumango si Hardy.

Ipinagtaka iyon ni Hesu. Bahagyang nakusot ang noo niya dahil bakit parang napakaseryoso ng mukha ni Hardy ngayon. Blangko kasi ang mukha nitong palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Cloria. Walang mababakas na kahit ano na kayabangan. Parang... parang ibang tao ito ngayon.

Napansin niya na rin ang apat na multo na nakasilip sa all-glass window. Kumakatok ba ang mga ito? Sinesenyasan ba siyang lumabas?

Lalo siyang napakunot-noo. Ano na naman kaya ang problema nila?

"Mashella, can you please close the window?" utos ni Hardy.

"Sige." Simunod naman agad si Mashella.

Lalong halos magdugtong ang dalawang kilay ni Hesu sa pinagawang iyon ni Hardy. Napatitig siya sa binata at gayundin ito sa kanya.

"Si Hesu muna ang kakausapin ko kaya lumabas muna kayo. Isama niyo si Cloria," mayamaya ay sabi nito. Ang seryoso talaga.

"Sige, Hardy," ani Yllay. "Sa labas muna tayo, Cloria. Magmeryenda muna tayo."

"Pero..." Gustong umalma si Cloria, pero wala itong nagawa nang yakagin na ito nina Chalita, Mashella at Yllay palabas.

Nakaramdam man ng takot si Hesu ay hinayaan na nga lang niyang maiwan kasama si Hardy. Isa pa ay dapat hindi na siya magtaka sa kilos ng mga taong narito sa paranormal club. Mga weird naman talaga ang mga taong myembro ng mga ganitong club, eh. Saka baka interview muna ito.

Pagkalapat ng pinto ng office pasara ay kumilos si Hardy. Prenteng umupo ito sa pinaka-kabesera ng medyo mahabang lamesa. Pagkatapos ay sinenyasan siyang umupo rin.

Takang-taka siya na umupo nga. Hindi niya maialis ang tingin sa binata. Sapagkat para itong ibang tao talaga.

Si Hardy Evete ba talaga ito? Ito ba 'yung mayabang? Ito ba 'yung sobrang hangin at hambog? Parang hindi, eh!

"I know what you're thinking. And yes, ako 'yon, Hesu. Ako 'iyong mayabang at hambog na Hardy Evete na kilala rito sa school," nakangising basag ng binata sa katahimikan nilang dalawa. "I'm so glad dahil itong club ko ang napili mong pasukin, Hesu," anito pa na wala nang mababakas na kahambugan sa sarili. Para na itong napakaseryosong tao. Para na itong isang leading man sa binabasa niyang mga story sa mga libro na guwapong suplado, seryoso at.... at nakakatakot!

"Ehem..." Iwinala niya muna ang bumara sa lalamunan niya bago nagsalita. "P-pinilit lang ako ni Cloria."

" Thanks to her then, because you were able to join the club that is truly deserving of someone like you," subalit makahulugang ani Hardy. Sumandal ito sa kinauupuan at pinadikuwatro ang pagkakaupo habang ang dalawang kamay ay pinatong nito sa tiyan na magkatanikala.

"What do you mean?" Lalo siyang naguluhan.

Tipid na tipid ang naging ngiti ni Hardy pagkuwa'y tinapunan nito ng tingin ang nakasaradong bintana. "Nakikita ko rin sila."

Tumahip ang matinding kaba sa dibdib ni Hesu. Ibig bang sabihin nito ay katulad niya ang binata na may third eye?! Oh, ehm, geh!

"Yeah. I, too, see ghosts, much like you do, Hesu," sagot sa kanya ng binata nang ibalik nito ang tingin sa kanya.

Napaurong sa kanyang kinauupuan si Hesu. Hindi niya alam pero kinilabutan siya ng matindi sa sinabing iyon ni Hardy, lalo't parang nadikit na ang tingin niya rito.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Where stories live. Discover now