Part 7

1.3K 67 1
                                    

Pagkababa ni Hesu sa jeep na sinakyan ay nagmamadali ang lakad niya papasok sa main entrance ng Sanchi College. Late na kasi siya sa first subject niya. Pangalawang araw pa lang pero magkaka-record na 'ata siya ng late. Tsk.

"Excuse me! Excuse me!" paulit-ulit niyang excuse upang makadaan siya sa mga estudyanteng kasabayan niya sa paglakad. Ang babagal kasi, eh, kaya inu-over-take-an na niya. Buti sila, hindi pa late.

"Ano ba?!" ngunit angil ng isang babae na tinulak siya sa isang braso.

"Sorry," paghingi niya ng paumanhin na hindi na tumingin. Yumukod siya at nagtatakbo ulit.

Hanggang sa parang may mainit na hangin na dumaan sa tainga niya at bumulong ng, "Oras mo na!"

"Huh?!" Natigilan siya at kinilabutan. Ano 'yon?

Nagpalinga-linga si Hesu sa paligid. At nang tumingala siya sa taas ay isang bakal ang pabulusok na nahuhulog.

"Aaaahhhhhhh!" hiyaw niya bago pa man siya nahulugan ng bakal na iyon. At kasabay niyon ang kanyang pabalikwas na pagbangon. Hingal na hingal siya at butlig butlig ang pawis niya sa noo.

Thank, God! Panaginip lang pala. Akala niya ay totoo na.

"Hesu, alas nuebe na!" sigaw ng kanyang Mama na nagpaalarma sa kanya. 9:30 lang naman kasi ang unang subject niya.

"Woaahhhhh!" hiyaw niya na agad-agad nagmadali ng kilos. Subalit late pa rin siya na nakarating sa school nila.

9:15 AM na nang makababa siya sa jeep na sinakyan niya.

"Excuse me! excuse me!" paulit-ulit niyang excuse para makadaan sa mga estudyanteng kasabayan niya sa paglakad. Ang babagal kasi, eh, kaya ino-over-take-an na niya. Buti sila, hindi pa late.

"Ano ba?!" ngunit angil ng isang babae na tinulak siya sa braso.

"Sorry," paghingi niya ng paumanhin kahit na muntik na siyang matumba. Aarangkada ulit sana siya ng lakad. Nang bigla-bigla ay natigilan siya at napalingon sa pinanggalingan. Naisip niya kasi na hindi ba't nangyari na ito. Deja vu?

Kinilabutan siya't kinabahan na hindi niya mawari. Pagkatapos ay tumingala siya taas nang maalala niya ang mahuhulog na bakal. Nakita niya roon ang mga dalawang lalaking may inaayos sa bintana ng school building na kinatatapatan niya. Hanggang sa may mahuhulog na ngang bakal.

Lumuwa ang mga mata ni Hesu. Mangyayari nga ang napanaginip niya at hindi lang déjà vu.

"Look out!" Ang hindi niya inasahan ay ang malakas na pagtulak sa kanya ng madaming kamay.

"Eiiihhhhhh!" tili niya dahil napalipad siya at ang seste tumilapon siya sa pader. Tumama ang likod niya sa pader at sa lakas niyon ay muntik na siyang mawalan ng ulirat. Agad siyang pinagkaguluhan ng mga estudyante para tulungan.

At nang tingnan niya kung sino ang may mga kagagawan, ang dalawa sa mga apat na multo na naman.

"Pa-patayin k-ko kayo!" mahina niyang turo sa dalawang sa kanila.

"What the hell did you do?!" singhal naman ni Jaem kina Saimo at Lius.

Sina Saimo at Lius ang tumulak kay Hesusa para ilayo ang dalaga sa kapahamakan sana pero parang sila ang nagpahamak pa sa dalaga. Yay!

"Napalakas yata," nakangiwing sagot ni Saimo. Nakatingin pa ito sa kamay na pinantulak kay Hesusa.

Kamot naman sa ulo si Lius. Nakangiwi rin.

Pabugang natawa naman si Jelad sa dalawa. Mga nagmamagaling kasi. Nag-unahan pa talaga sa pag-rescue kay Hesusa, mga palpak naman. Pfft!

"Hindi yata, malakas talaga! Kayo ang papatay kay Hesusa niyan, eh!" galit na turan ni Jaem.

"At least natulungan namin siya. Hindi siya nabagsakan ng bakal," parang batang pagtatanggol ni Saimo sa sarili. Nakanguso pa itong tinuro ang bakal na dapat ay kikitil sa buhay ni Hesusa.

Nagulo-gulo ni Jaem ang kanyang buhok, napatingala at naiiling. Napapraning na talaga siya sa mga kasama. Kahit kailan talaga walang mga ginawang matino ang mga ito.

Saglit ay sang lalaki ang nagpatanga kay Jaem. Lalaking nakaitim ang buong kasuotan at naroon sa taas ng building. Pero biglang alis nang makitang nakita niya ito. Susundan sana niya.

"Jaem, are you okay?" pero untag ni Lius sa kanya nang mapansin sigurong natigilan siya sa pagtingala.

"Y-yeah," sagot niya ng mahina habang patingin-tingin pa rin siya sa taas. Hinayaan na niya iyon.

Hanggang sa magsulputan na ang mga estudyanteng nakikiusyuso. May naawa kay Hesusa, pero mas madami ang natawa kaya naman nagtatakbo na ang dalaga paalis kahit na iika-ika.

Nailing na lamang ang mga 'The Badboys'. Naawa na sila kay Hesusa.

"Let's follow and see if she's okay," tapos ay malamig ang tinig na saad ni Jaem. Kumalma na ito.

Sabay-sabay na silang naglaho. Sa clinic ng school sila lumitaw. Saglit silang nagtaka pero naisip nila na baka doon nagpunta si Hesusa.

"Aaaahhhh!" Ngunit anong gulat nila nang bigla-bigla ay may sumigaw. Muntik pa silang maglaho ulit. Napamaang silang apat pero nang nakita nilang si Hesusa ang sumigaw dahil takot ito sa kanila ay napangiwi na sila.

"Lumayo kayo sa akin, mga demonyong multo kayo? Alis!" pagwawala ni Hesusa.

"I think she's fine naman," maasim ang mukhang ani Saimo.

"In the name of the father and of the son..." at dinasalan pa sila ni Hesusa.

Tumaas ang tig-isang kilay nila. Seriously?

"Lord, huwag ka pong papayag na muli akong masaktan ng mga multong ito. Please po? Please po? Masakit pa po ang likod ko. Pakikuha na lang po sila diyan sa langit, please po. Amen," dasal pa ni Hesusa.

Halos malaglag na ang mga panga ng apat na binata. Ngunit napamulagat sila nang muli ay makita nila ang itim na usok. Ang grim reaper! Naroon ulit para kunin ang buhay ni Hesusa! Sh*t!

"Harangan niyo siya!" mando agad ni Jaem kina Lius, Saimo at Jelad. Saka mabilis niyang binuhat si Hesusa.

"Eiiiiihhhh! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" pagwawala ni Hesusa. Pagkatapos ay kinagat nito ang balikat ni Jaem.

Ang lakas ng naging, "Aaahhh!" ni Jaem. Masakit talaga ang kagat ni Hesusa kaya wala na sarili ay binitawan na niya lamang ang dalaga kaysa matapyasan siya ng balat sa balikat.

Lumagapok ang puwetan ni Hesu sa sahig. "Aray ko poooo!" Naluha na talaga ang dalaga sa nangyayari sa kanya na kamalasan.

Natampal nina Saimo at Lius ang mga noo nila nang makita iyon. Napatakip sa bunganga na pigil-tawa naman si Jelad.

"Sorry, sorry. Bakit ka kasi nangangagat." Aakayin pa dapat ulit ni Jaem ang dalaga ngunit nagbukas na ang pinto ng clinic.

"Hesu!!" Agad na saklolo si Cloria sa kaibigan na siyang pumasok. Kasama nito ang school nurse na pumasok.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ng nurse. Nagtulungan sila ni Cloria na ibangon siya. Ngunit anong gulat nila nang bigla ay nahulog ang ceiling fan sa kama na kanina ay kinahihigaan ni Hesusa. Nahintakutan sila dahil nag-i-spark pa ang kuryente.

Namilog naman ang mga mata nina Saimo, Jaem, Jelad at Lius. Ayon, gets na nila. Dapat ay matatamaan pala ng ceiling fan si Hesusa at malamang napugutan ito ng ulo o kaya makukuryente na siyang ikamamatay dapat nito.

Mukhang hindi talaga yata makakatakas ang dalaga sa kanyang kamatayan.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Where stories live. Discover now