ILY-35: Happy

14.7K 398 26
                                    

Itinext ko na si Mommy at Tita Yolly tungkol sa plano kong huwag muna sabihin kay Warren ang katotohanan. Agad naman akong tinawagan ni Tita Yolly dahil sa planong iyon. Sana raw ay huwag kaming magtagal at bumalik agad. Marami pa kasi kaming pag-uusapan. Siguro sa ngayon ay sila na muna ni Mommy ang mag-uusap lalo na sa kung matutuloy pa ba kami papuntang Korea.

Sa naging resulta, malabong paalisin kami ng Mama ni Miyo. I should call her Mama pero nahihiya ako. Sinabi ko na rin kay Miyo sa text ang plano ko. Nag freak out talaga siya at ilang beses akong tinawagan pero pinatay ko na ang cellphone ko. I know he understands... he is just worried.

Pumunta muna kami ni Warren sa maliit na ATM machine kung saan doon siya nag withdraw ng pera para sa aming matutuluyan. Natatawa ako nang sinabi niyang titira kami sa malayong-malayo. Nag-suggest pa siya na sa ibang bansa kami tumira para siguradong walang makakahadlang sa amin. Gusto kong humalakhak sa harapan niya pero ginagawa ko ang lahat para itago iyon. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin yung mga sinasabi niya. Magalit kaya siya sa akin kapag nalaman niya ang totoo?

"I'm sorry sir pero isang Deluxe room na lang ang natitira. May nakapag check-in na po kasi 10 minutes ago," sabi ng babaeng nasa front desk. Nagkagat labi pa ito habang tinitingnan niya si Warren. Alam kong sa ginawa niyang iyon ay nagbibigay siya nang motibo kay Warren pero parang hindi iyon napapansin ng lalaking katabing katabi ko dahil sa akin lang nakatuon ang buong atensyon niya.

"Paano na 'yan? Isang room lang daw."

"May magagawa pa ba ako? Ayos lang sa akin basta makapagpahinga na tayo." Ngumisi siya at saka kinumpirma sa nasa front desk na kukunin na namin ang kwarto. Isinulat namin ang mga pangalan namin at ano pa man na impormasyon na hinihingi sa ibinigay nilang papel. Nang ibalik namin ay ibinalik na namin sa babae iyon at binasa para i-register sa nasa harap nyang screen.

"Magkapatid po pala kayo." Patuloy lang yung babae sa ginagawa niya. "Kaya pala magkamukha." Nainis ako sa sinabi niya. At naiinis din ako sa pmumula ng mukha niya. Tiningnan ko si Warren pero sa akin pa rin nakatuon ang buong atensyon niya. Para bang ako lang ang nakikita niya at wala ng iba.

"No... mag-asawa kami." Nasamid ang babaeng nasa front desk sa sinabi ko. Ngumisi ako. "May problema ba?"

"W-wala po."

"Kung nagtataka ka kung bakit dalawang kwarto ang hinahanap namin kanina, well magkaaway kami. Pero hindi na ngayon." Natatawa naman sa tabi ko si Warren. Ibinigay na sa amin ng babae ang susi at hotel room namin.

Nang makasakay na kami sa loob ng elevator ay inakbayan ako.

"I like you being like that. Masaya akong ipinagdadamot mo ako, Sai. Every night I pray na sana dumating yung pagkakataon na ito." Tumingin ako sa kanya. Nakamarka ang buong kasayahan sa mukha niya. 

"Ipinagdadamot kaya kita. Tuwing may nagtatanong sa akin sa school kung may girlfriend ka na... sinasabi kong meron. I want them to leave you alone." Naaalala ko na naman ang mga panahon na iyon. Nagngingitngit ako sa galit dahil pwedeng-pwede sila ni Warren samantalang kapatid lang ako. Sorry ladies, pero hindi na ngayon.

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon