Chapter 1: Love at First Sight

395K 6.3K 272
                                    

Chapter 1: Love at First Sight

"AREN'T you happy to see me, Kuya Eugene?" maarteng tanong ni Eunice habang posturang nakaupo sa isang couch sa loob ng opisina ng kapatid.

            Nang mag-angat ng tingin ang kapatid mula sa harap ng laptop, halata ang galit sa mga mata nito.

            "You dropped all your subjects, left Paris, and went here in the Philippines just to shop to your card's limit for the whole month! Tapos pupunta ka rito para sabihing titigil ka muna sa pag-aaral ng isang taon just because... just because you don't feel like going to college anymore?" iritadong wika nito.

            She rolled her eyes. Eh, sa tinatamad na siyang mag-aral ng Fasion Designing sa Paris, ano pa bang gagawin niya? "Kuya, maganda nga na nag-drop na 'ko agad ng subjects ko. Kaysa naman bumagsak pa 'ko at uulitin ko lang iyon by the next sem. Eh di ganun din, sinayang ko lang ang effort at time ko." Tumayo siya at humalukipkip. "Besides, it's been five years. I miss Philippines."

            She was seventeen when she graduated from high school in Saint Paul Pasig. Her Aunt Nicola, her late mother's sister, offered her to study college in Paris. Doon kasi nakatira ang buong pamilya nito. At that time, ang legal guardian niya ay ang kanyang kuya Eugene. Pumayag ito kaya naman napunta siya ng Paris. Or should she say "napatapon" siya sa Paris. Her brother was twenty-seven, then. Ite-take over na nito ang kompanya ng kanilang pamilya and she's sure na ayaw na nito ng alalahanin katulad niya kapag ito na ang namuno.

            Since her brother left for college when she was six years old, hindi na nabalik ang dating closeness nila. Buong college years ng kuya Eugene niya ay wala silang naging komunikasyon. Kaya naman nang bumalik ito ng Pilipinas, they were like strangers to each other. Teenager na rin siya noon kaya naman laging mga kaibigan ang kasama niya.

            "You know Eunice, go back to Paris and enroll next semester. Sasayangin mo ang isang taon ng buhay mo dahil lang tinatamad kang mag-aral? You want to take a rest? Well, Eunice, after college, you can take a rest for as long as you want!" he strongly said. "And have you forgotten that you'll be graduating next year if you didn't drop all your subjects this sem?"

            "I know," balewalang sabi niya. She looked at her newly polished nails. It's color gold with glitters.

            "Alam mo naman pala. Ayaw mo bang grumaduate?"

         She threw him a bored look. "I want to graduate, Kuya. But, I want to take a rest for a while. Isa pa, hindi ako magiging istorbo sa'yo habang nandito ako sa Pilipinas. Don't you worry, kina Uncle Johnny ako tumira for the last month at doon lang ako. I won't invade your quiet life in our house."

            Kumunot ang noo nito. "You're not a bother to me, Eunice. I'm your brother."

            Tumaas ang kilay niya. "Not a bother?" she sarcastically said. "I felt otherwise."

            Nakita niya ang paglungkot sa mga mata nito. Tinalikuran niya lang ito at kinuha ang kanyang Chanel pouch.

            "Au revoir, big brother!" paalam niya bago tuluyang lumabas ng malaking opisina.

            Pagdating niya sa parking space ay agad siyang sumakay sa Ferrari na pansamantalang pinapagamit sa kanya ng kanyang uncle Johnny para sa paglabas-labas niya. Agad siyang dumiretso sa isang sikat at sosyal na coffee shop kung saan magkikita sila ng mga malalapit niyang kaibigan.

            After parking her car, agad siyang pumasok sa loob ng coffee shop at madaling nakita ang mga kaibigan.

            "Hi, girls!" nakangiting bati niya sa tatlong babaeng kaibigan na sina Syrel, Lorraine, at Rizza.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon