Chapter 11: Is not Puffed Up

205K 4.3K 342
                                    

Chapter 11: Is not Puffed Up

"Arrogance disrespects others and carries a distain for others." –Keith Krell

"But love isn't trying to build up "me"; love is trying to build up the other person. Love is humble. The humble and loving person is aware that everything he has is an undeserved gift from God..." –Steven Cole

***

"I'LL CALL you kapag malapit nang matapos ang concert," sabi ni Eunice bago siya lumabas ng kotse ni Terrence. Nagpumilit kasi ito na ihatid siya nang magpaalam siya rito kahapon tungkol sa pagpunta niya roon.

            "Okay. Sorry I can't come. Marami talaga akong tinatapos ngayong trabaho," hingi ng paumanhin nito.

            "It's fine, Terrence. Maybe, girl bonding na lang namin 'to ni Syrel. Matagal din kaming hindi nagkita," sabi naman niya.

            Tumango ito. "Okay ka na talaga?"

            She smiled at him. "I will be." She kissed his right cheek. "Bye. See you later."

            "Take care, baby."

            Pagbaba niya ng kotse ay kumaway pa siya rito bago ito tuluyang umalis. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. No! This day, she'll have to enjoy! Dapat din na masaya siya dahil makikipagbati na siya sa isa niya pang kaibigan.

            Mabilis niyang nahanap ang entrance at dahil VIP ticket ang binigay sa kanya ni Rizza ay mabilis siyang nakapasok sa loob at hindi na niya kailangang pumila pa.

            Pagpasok sa loob ay nagulat siya nang may biglang humablot sa kanya.

            "Eunice!"

            "Syrel!" masayang untag niya nang makita ito.

            Niyakap siya nito nang mahigpit. "Totoo nga ang sabi ni Rizza! Pupunta ka rito ngayon! I'm so happy to see you!" she beamed.

            "Hindi ka na galit sa'kin?"

            Umiling ito. "Kalimutan mo na iyon. You were forgiven a long time ago. Ikaw lang naman ang hindi namin ma-contact for the past year." Hinila siya nito papunta sa isang hallway.

            "S-Sorry... Ahm, I guess, natakot lang ako na hindi niyo 'ko pansinin, if I tried to contact you." Naging ma-pride siguro siya dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang sinapit niya sa pagkakamali niya noon. "Si Lorraine ba nandito?" marahang tanong niya. Sa tatlong kaibigan niya ay alam niyang si Lorraine ang pinakanasaktan niya. Ito kasi ang una talagang nagalit sa kanya.

            Umiling si Syrel. "She can't make it. Ang alam ko sa makalawa pa ang uwi niya rito sa Manila. May malaking project kasi siya sa Cebu. Alam mo naman, she's a licensed engineer na kaya marami ng projects all over the Philippines."

            "Wow. I'm proud of her."

            "We all are."

            "Isn't she mad at me anymore?"

            "Hindi na rin. Hindi ka naman matitiis niyon," nakangiting sabi nito. "Ay, oo nga pala..." Mas binilisan nito ang paglalakad at dahil hila siya nito ay napabilis na rin ang lakad niya.

            "Hey, slow down. Masyado ka namang excited. May isang oras pa bago ang concert," aniya rito.

            She giggled. "I know. Pero may papakilala ako sa'yo."

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon