Chapter 20: Surrendering to Love

256K 4.1K 137
                                    

Chapter 20: Surrendering to Love

More than a year ago...

"IF YOU know what love is, you'll be good with your wife and take care of her. Siguro galit ka pa ngayon, pero 'wag mong isisi sa kanya ang lahat kaya parehas kayong miserable. It takes two to tango, you know."

            Habang nagmamaneho si Terrence papunta sa bahay ng mga magulang ay paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isipan ang sinabi kanina ng kaibigan niyang si Dale.

            Nagulat siya sa sinabi nitong iyon. Marahil ay hindi niya inaasahan na tatamaan siya sa mga sinabi nito.

            Paanong siya rin ay hindi alam ang pag-ibig gayong pinalaki siya ng mga magulang na punung-puno niyon?

            Marahas na napabuntong-hininga siya. Napakasimple lang naman kasi ng buhay niya hanggang sa nanggulo si Eunice. Ngayon, napaka-komplikado nang lahat. Paanong hindi niya sisihin ang lahat sa spoiled brat na babaeng iyon?

            Pagdating niya sa bahay ng mga magulang ay nagulat pa ang mama niya nang makita siya.

            "Terrence! Gabing-gabi na. Bakit napasugod ka rito?" usisa nito.

            "Can I stay for the night, Mama?" tinatamad na wika niya.

            Nangunot ang noo nito. "Why? Hindi ka ba uuwi sa bahay niyo? Baka hinihintay ka ng asawa mo," nag-aalalang wika nito.

            Dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Bahalang maghintay sa kanya si Eunice. "I just want to rest here." Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at saka pumikit.

            "Anak, may asawa ka na. Hindi ka na dapat-"

            "Ma," pagpigil niya sa ina. "Alam mo naman kung bakit ko lang pinakasalan si Eunice. Hayaan mo siyang maghintay sa wala. Mag-aaway lang naman kami kapag umuwi pa 'ko ngayon."

            Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Terrence, this is not you," she patiently said. "Masyado ka nang napupuno ng galit mo."

            "Please, Ma..." inaantok na wika niya. Pagod na siya, physically and emotionally. Hindi niya na kaya pang makinig sa mga sasabihin ng kanyang ina. Pagsasabihan lang naman siya nito na maging mabait kay Eunice. But how the hell he can do that if everytime he sees Eunice, lagi niyang naaalala na Rachelle is out there, pregnant with his child and will marry another man? At wala na siyang ibang magagawa.

            "No. Terrence, let's talk about this now," her mother authoritatively ordered. At kapag ganoon na ang tono ng ina ay wala na siyang magagawa kundi sumunod.

            Napabuga siya ng hangin bago dumilat at ayusin ang pagkakaupo.

            Tiningnan siya nang diretso ng ina. Nagtatanong ang mga tingin nito.

            "Hindi na kasi dapat pa ipinilit nina Papa na ipakasal kami ni Eunice. This marriage will never work out," aniya sa ina. Ilang beses niya bang kinumbinsi ang kanyang ama na putulin na lang ang pagpapakasal niya kay Eunice? Alam niyang alam ng mga ito na wala naman talagang nangyari sa kanila. Pero ipinagpilitan pa rin nila.

            "Dalawang buwan pa lang ang lumilipas. Paano mo naman nasabi iyan, hijo?"

            "Iyon na nga, Mama. Dalawang buwan pa lang at ganito na."

            "Maybe because you never gave your wife a chance to prove herself to you."

            Tinukod niya ang siko sa mga tuhod at sinapo ng mga kamay ang noo. Naiinis na naisuklay niya ang mga kamay sa buhok. "Why do I need to?" Dapat lang na maramdaman ni Eunice na kahit pa mag-asawa na sila ay hindi nito makukuha ang pagmamahal niya kay Rachelle.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon