Chapter 9: It does Not Envy

231K 4.4K 121
                                    

Chapter 9: It does Not Envy

"Jealousy implies being displeased with the success of others. Yet, true love desires the success of others." 

-Keith Krell, Bible.org

***

"GOOD MORNING, Ma'am Eunice," magalang na bati ni Rachelle kay Eunice.

"There's nothing good in the morning, Rachelle," mataray na sabi ni Eunice dito.

Tila nagulat ito sa naging tugon niya. Sanay kasi itong nakikita siyang malambing kung bumati."S-Sorry, Ma'am. Ahm... wala p-pa po kasi ang uncle niyo sa-"

"I know that, Rachelle. Kina Uncle Johnny ako nakatira kaya alam kong hindi siya papasok ngayong araw," aniya sa tono ng boses na parang pinaparinig na ang tanga nito para hindi niya malaman kung nandoon ba ang uncle niya o wala.

Napayuko na lang ito.

"Anyway, I'm here to talk to you."

Napaangat itong muli ng tingin sa kanya.

"Congratulations nga pala," she sarcastically said. "I heard the news, kayo na raw ni Engr. Terrence Aranzamendez?"

Namula ito. "O-Opo,"

Tinaas niya ang kilay at humalukipkip. "Wow. He's a nice catch. You're a lucky bitch."

Kumunot ang noo nito. "E-Excuse me lang po, Ma'am. May mga gagawin pa po kasi ako." Tumayo ito mula sa kinauupuan na maraming folders na dala.

Nang padaan na ito sa harap niya ay hinarang niya ang isang paa. Napatid ito at nawalan ng balanse. Bumagsak ito sa sahig kasabay ng pagkalat ng mga papeles at mga folders na dala nito.

"Oh," kunwa'y gulat na sabi niya. "I'm so sorry, Rachelle. But, hey, mas bagay ka naman diyan. Mas bagay kang nandiyan sa sahig... sa lupa," nakangising sabi niya.

Tumingala ito sa kanya. "Ano po bang problema, Ma'am? May nagawa po ba akong masama sa inyo?" magkasalubong ang mga kilay nito.

"You should have stayed kung saan ka lang dapat," aniya. "Hindi naman kayo bagay ni Terrence. I mean, you're so simple, and... poor, no offense meant." She disgustingly looked at her from head to toe and back. "Hindi ko lang alam kung anong nakita ni Terrence sa'yo. Pero mukha ka naman kasing uto-uto. You look like an easy lay. Hindi ko rin masisisi si Terrence. Siyempre, mas gugustuhin niyang napapaikot niya sa mga kamay niya ang mga babae niya."

Halatang nasaktan ito sa mga sinabi niya, which is her plan. "Hindi ganyan si Terrence," mariing sabi nito. "Sa isang taon niyang panliligaw, alam kong hindi ganyan ang naging tingin niya sa'kin."

She laughed, bitchily. "Nagpahabol ka for a year? Well, nakaka-challenge naman iyon for guys. It was told that sex is much satisfying after a long wait. Terrence must have known that. Siguro alam mo rin iyon kaya ka siguro nagpakipot nang matagal, ano? Wow! That's a nice tactic."

"Alam kong may gusto kayo kay Terrence, Ma'am. Pero hindi po dapat kayo ganyan. Umalis na lang po kayo, Ma'am. Bago ko po makalimutan na nasa opisina tayo ng tiyuhin niyo at mawalan na po ako ng galang sa inyo," malumanay ngunit halatang nanggagalaiting sabi nito.

Pumalatak siya. "Rachelle, dapat alam mo kasi kung ano ka lang at hanggang saan ka lang. I may sound like a stereo-typed 'kontrabida', but let me tell you, sa oras na magsawa si Terrence sa'yo, ikaw lang din naman ang kawawa." She looked straight at her."I'm more beautiful, desirable, and much closer to his league than you are. Soon, Terrence will realize that he likes me more than he likes you. You're just a simple secretary. Sa tingin mo, pa'no naman babagay iyon sa isang kilala at magaling na engineer ng bansa at future VP, or maybe future President and CEO of this company?"

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon