CHAPTER 59 (pt. 2)

3.8K 91 31
                                    

Malalim ang pagbuntong-hininga ni Sharlene. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kahapon, hindi na niya alam kung ano pang mararamdaman. Hindi pa nga niya nasasabi kay Francis ang tungkol kay Jairus, masyadong emotional ito kagabi. Hindi kaya nagtagpo na din ito at si Ella.

Napahinto siya sa paglalakad. Malaki ang posibilidad na nangyari nga ‘yon. Kung nasaan si Jairus, nandoon din si Ella. Siguro nga apat na taon na ang lumilipas, may unresolved issues pa rin sila kanila Jairus at Ella.

Nagulat siya ng may biglang umakbay sa kanya, buti na lang at alam niyang iyon ang hilig gawin ni Paul tuwing makikita siya kung hindi ay baka nabalian niya na ng buto ang kung sino man ‘yon. “Ano ba naman ‘yan Paul, kita mong nagmo-moment ‘yung tao eh.”

Imbis na matakot sa kanya ay ngumiti pa ito. “Bakit ka ba kasi nagmo-moment diyan, nandito naman ako. Ang pinaka-pogi mong kaibigan.”

“Niloloko mo na naman si Sharlene.” Sabi naman ni Nash na nasa likod pala nila.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Nakakabigla kais na sa kauna-unahang pagkakataon ay nandoon ang mga ito. Ayaw kasi ng mga ito ang maraming tao dahil baka may bigla na lang lumapit at magpa-picture, kungsabagay, mga mukhang artista naman kasi sila Nash at Paul kaya hindi na nakakapagtaka.

“Ano’ng nangyayari bakit nandito kayong dalawa?” tanong niya sa mga ito. “Ang bigat mo naman.” Sabi niya kay Paul na inilagay na yata sa kanya ang buong bigat ng katawan, matangkad pa naman ito.

“Actually mag-isa lang akong pumunta dito, I was surprised na nandito din pala ‘yan si Paul.” Sabi ni Nash sa kanya. “Can we talk?”

“Wait ako muna, nakita mo ba si Carmella, Sharlene? I was looking for her the whole day and I can’t find her.”

She looked at him suspiciously. “Bakit Paul? Ano’ng balak mo kay Carmella? ‘Wag naman ‘yung kaibigan kong ‘yon.”

“Ouch for that. Ang sakit mo talagang magsalita kahit kailan Sharlene.” Sabi ni Paul na eksaheradong pang naglungkot-lungkutan.

Magkano kaya ito kapag binenta niya sa mga babaeng may gusto dito? Baka maiahon na niya ang Pilipinas sa pagkaka-utang.

“Kasalukuyang nagra-rally ‘yun ngayon.” simpleng sagot niya.

Muntik na siyang matawa sa naging ekspresyon ng mukha nito. “Ra-Rally?”

Tumango siya. “Rally. She’s a feminist. At sa mga oras na ‘to siguro nandoon siya sa isang Exclusive club sa Makati at nakiki-rally.”

Lalong napanganga si Paul sa narinig. “F-Feminist?”

“Yes Paul.” Singit ni Nash. “Feminist, iyong mga nagtutulak ng gender equality at lumalaban sa mga, gaya mo, na nang-aabuso ng mga babae. Ngayong alam mo na, puwede na ba kaming umalis ni Sharlene?”

Tila biglang bumalik sa sarili nito si Paul. “Delikado ‘yung rally ‘di ba? Kailangan kong puntahan si Carmella!” sabi nito at biglang naglakad palayo sa kanila ni Nash.

Nakita niyang napa-iling na lang si Nash sa nangyari. Kahit siya ay gustong mapa-iling. Ang gulo nila Paul at Carmella, mukhang tinalo pa ng dalawa ang lovestory niya.

“Ano nga pala ‘yung sasabihin mo Nash?” tanong niya dito.

“Huwag tayong mag-usap dito. Let’s go somewhere.”

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now