CHAPTER 24

5.5K 89 7
                                    

Itinaas ni Sharlene ang kamay para tignan ng mabuti ang paracord bracelet na binigay sa kanya ni Jairus. Naalala niya ang takot niya noon dito sa pag-aakalang galit ito sa kanya dahil sa pagtalikod niya dito. Ganoon pa din kaya ka-simple ngayon? Ganoon pa din kaya ka-simple sa mga susunod na problemang haharapin nila?

Kasi kung siya ang tatanungin, natatakot siya sa unti-unting paglalim ng nararamdaman niya para dito. He asked her to stay with him and not to leave him alone, but the truth is, he really doesn’t have to ask her ‘cause she’s more than willing to do it.

At iyon na nga ang problema, ilatag man sa harapan niya ang lahat ng ebidensiyang magpapatunay na pinaglalaruan at sasaktan lang siya nito, alam niyang hindi niya iyon paniniwalaan. Dahil sa mga oras na ito, tanging ang mga salita lang na magmumula sa bibig ni Jairus ang paniniwalaan niya.

He could say that Nash is lying and she will believe it right away.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad nang makita si Nash. He’s standing at the sidewalk while staring at something at the wall.

Nang lumapit siya ng kaunti, nakita niyang naka-tingin ito sa isang electronic billboard na naka-dikit sa isang establishment doon.

Lumapit pa siya lalo pero hindi pa rin siya napapansin nito.

“Ang ganda niya ‘di ba? Napa-titig ka tuloy.” Sabi niya habang nakatitig na rin sa billboard na may mukha ni Alexa Ilacad.

Naramdaman niya ang pagka-bigla ni Nash sa tabi niya. Napa-ngiti siya ng palihim. It’s really good to see the F4 loosen up sometime.

“What are you doing here?” tanong nito sa kanya sa seryosong boses. She’s still staring at Alexa. She’s really a goddess, katulad ito ni Ella.

Naisip niya tuloy na ang mga babaeng katulad nila Ella at Alexa ang mga babaeng karapat-dapat para sa F4. Too bad she’s none of their kind.

“Pauwi na. Pero nakita kita kaya lumapit ako…” ibinaling niya ang tingin dito. His eyes are sad, just like Jairus’. Bakit parang naging sumpa na sa F4 ang maging malungkot? “Aalis na rin naman ako---“

“Ihahatid na kita.”

“Akala ko ba kailangan kong lumayo sa F4?”

“Well, you already did talk to me and to Paul. Mukha namang hindi mo sineseryoso ang sinasabi ko.”

Nanlaki ang mata niya dito. “Sinusundan mo ako?”

“Yes.”

“Hanggang sa trabaho?”

Kinuha na nito sa kanya ang bagpack niya saka nagsimulang maglakad. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. “Do you really want me to answer that?”

“Bakit hindi?”

“I might freak you out.”

Napa-iling na lang siya. Mukhang alam na nga niya ang sagot.

Kinuha na niya ang bag niya nang makita niyang malapit na sila sa kanila. Marami siyang gustong itanong kay Nash pero wala naman siyang mapaghugutan ng lakas ng loob. Isa pa, natatakot din siya sa magiging sagot nito.

“Sharlene, sana naman seryosohin mo ang mga sinasabi ko.”

Nag-iwas siya ng tingin dito. “Sineseryoso ko naman Nash eh. Mahirap lang talaga gawin, mahirap layuan si Jairus.”

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now