CHAPTER 52

4.5K 89 32
                                    

“Jairus…Jairus…” tawag niya dito pero hindi ito lumilingon. Ito ang batang si Jai na nakayakap sa kanya palagi noon, pero naglalakad na itong palayo sa kanya ngayon.

Lumingon pa ito muli sa kanya at kumaway.

Bakit ito nagpapaalam? Bakit ito naglalakad papunta sa madilim na bahagi na iyon?

She wanted to run before him to stop him, but she can’t move…

Parang nakatali siya.

Biglang naalimpungatan si Sharlene. Nararamdaman niya ang sakit ng braso niyang nakatali sa likod niya. May busal sa bibig niya kaya nahihirapan din siyang huminga. Madilim ang paligid at may mga nagkalat na kahon at crates. Para siyang nasa bodega at ang nagsisilbing ilaw lang doon ay isang bombilyang nasa gitna.

“Gising ka na pala.”

Pinikit-pikit pa niya ang mata niya para maaninag ang nagsalita. Isang matangkad na lalaki na pamilyar sa kanya ang hitsura. Alam niyang nakita na niya ito noon. Hindi niya lang…

“Nagkita ulit tayo.” Lumuhod ito sa harapan niya para magpantay ang mga tingin nila. “Ako nga pala si Alfred. ‘Yung muntik tumalon sa building ng JSA noon.”

Tama! Ito nga iyon! Iyong naabutan niya noong bagong dating pa lang siya sa JSA na mapapakamatay sana.

Inalis nito ang busal niya sa bibig. “Ano’ng kailangan niyo sa’kin?” tanong niya.

“Wala. Pero kay Jairus meron.”

Nagulat siya nang makita ang sumunod na nagsalita. “Bj!?” Ano’ng kinalaman nito dito?

Tumingin lang ito sa mga mata niya habang prenteng naka-upo sa silya na nasa tapat niya. Iba ang Bj na nasa harapan niya ngayon. Hindi ito ang taong tumutulong sa kanya sa JSA. Ibig sabihin tama ang hinala niya noon pa lang tungkol dito.

“Gaganti lang kami sa lahat ng atraso niya sa’min at makaka-alis ka ng ligtas dito.” Patuloy pa nito.

“Bj! Ano ba ‘to! Bakit mo ginagawa ‘to!?”

Naglabas si Bj ng panyo at lumapit sa kanya. Pinunasan nito ang mukha niya na alam niyang basing-basa na ng pawis. Nagulat siya dahil nagawa pa nitong gawin iyon sa kabila ng lahat-lahat.

“Maintindihan mo sana Sharlene. I’m doing this for my friend. I’m doing this for all the people he had caused pain.”

Delikado si Jairus oras na pumunta iyon doon. Nakikita niya ang mga baseball bats na maayos na nakahilera sa gilid at ilang paddle. Natatakot siya para dito. Buti na lang at alam niyang hindi ito pupunta doon dahil sa lahat ng mga sinabi niya dito. May mabuti din naman palang maidudulot ang masakit na pagpapaalam na iyon.

“Maghihintay lang kayo sa wala.” She smiles sheepishly. “Hindi ‘yon pupunta dito.”

May lumapit na lalaki dito at parang may ibinulong. Tumayo si Bj at bumalik sa kinauupuan nito. He has a triumphant smile pastered on his face. Mukhang may hindi inaasahan ang nangyari ngayon.

“Nagkamali ka Sharlene.” He raised his hand. “He’s here.”

And with that cue, the door opened revealing The Jairus Aquino.

Gusto niyang ihilamos ang kamay niya sa mukha niya kung hindi lang iyon nakatali. Jairus! Ano’ng ginagawa mo dito! Maling-mali ka talaga kahit na kailan!

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now