CHAPTER 74 (pt. 2)

1.4K 48 29
                                    

Kakatapos lang ng klase ni Sharlene at pauwi na siya. Maya’t-maya niyang tinitignan ang cellphone niya para tignan kung may text o kahit missed call man lang siya mula kay Jairus. Ngunit nadi-dismaya lamang siya tuwing nakikita niyang wala ni isang text o tawag na naka-rehistro doon. Ano ba’ng problema? Hindi tumatagal nang ganoon ang buong araw nang hindi siya kino-contact ni Jairus. Tuwing may pupuntahan naman itong mahalaga ay nagpapasabi naman ito kaagad.

Is it somehow connected to the phone call he received yesterday? Kung ganoon, ano nga kaya ang natanggap nitong balita na nagpabago sa ekspresyon ng mukha nito kahapon. She looked at her wristwatch and it’s almost two in the afternoon.

Tumingin siya sa kanyang harapan at napukaw ng atensiyon niya ang munting kumpulan ng mga tao, karamihan mga babae, sa parking lot ng unibersidad nila. Napa-buntong hininga siya. Hindi na niya kailangan pang silipin kung ano’ng nangyayari doon. Alam na niya ang ganoong reaksiyon ng mga kapwa niya estudyante, iisa lang naman ang dahilan noon sa halos apat na taon niyang pananatili sa unibersidad.

“F4’s here!” sigaw ng isang estudyante di kalauyan sa kanila. “Wait, tatlo lang pala sila, where’s Jairus?” tanong nito sa kasama.

Oo nga, nasaan si Jairus?  Tanong din niya sa sarili. Karaniwan na ang pagtambay nila Nash, Paul…teka? Ano’ng tatlo? Napalingon siya sa direksiyon ng mga ito at nakita niya si Francis na seryosong nakatingin sa kanya. Balak niya sanang lagpasan ang mga ito pero may kung ano’ng pwersa ang nagtutulak sa kanya na lapitan ang mga ito.

Hindi babalik si Francis sa Pilipinas at lilipad mula sa kabilang sulok ng mundo para lang sa wala. He stood from the hood of his car, where he was sitting, and walked straight to her direction.

“Francis.” Tawag niya dito sa masiglang boses. She’s really happy to see him. Halos walang nag-iba sa muka nito. “Kailan ka pa---“

“Come with us, we need to talk.” Putol nito sa sinasabi niya. Biglang sinipa ng kaba ang dibdib niya.

Bakit ba hindi niya nahalata? Dalawang dahilan lang naman kung bakit pumupunta ang mga ito sa campus nila. Una, kapag gusto ng mga ito na mangulit. At pangalawa, kapag may nangyaring hindi maganda.

Walang bakas ng tuwa ang mga mukha ng mga ito kundi pag-aalala. She even caught Paul looking at her with pity on his eyes. Si Nash lang ang nananatiling walang reaksiyon ang mukha at direkta lamang nakatingin sa kanya.

She looked at him asking what the heck was happening but he stayed still, his face still not giving away any clue.

“Ang dami masyadong tao dito, can we move to somewhere more private?” utos ni Francis sa gilid niya.

“Wait, bago niyo ako dalhin sa kung saan niyo man ako balak na dalhin, pwede bang sabihin niyo sa’kin kung ano’ng nangyayari?” She can’t stand the look on their faces and the silent treatment that Nash is giving her.

“Tara sa JSA.” sa wakas ay nagsalita na rin si Nash.

Inakbayan siya ni Francis at marahang itinulak papasok sa kotse nito. Nauna nang umalis sila Nash at Paul habang sinisimulan nang paandarin ni Francis ang sasakyan. “I wish I never gave up on you. Sorry if I didn’t see this coming. I’m sorry for letting you go through this again. Sana hindi na lang kita pinakawalan kung alam ko lang na mas masasaktan ka kapag ginawa ko iyon.”

“Ano ba’ng sinasabi mo Francis?” None of his words made sense, at least, for her. Para itong nagbibitiw ng mga salitang hindi niya kayang intindihin.

“You’ll understand as soon as we reach John Savier Academy.” He said with a reassuring smile that never touched his eyes. She knows that smile, he’s holding back something from her.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Where stories live. Discover now