Chapter 9

143 5 3
                                    

Bakit nandito to? Bakit may mga pictures silang ganito?

Ah, baka naman nagbonding lang sila tapos nag picture taking lang. Wala namang masama dun eh diba? Walang silang something. Oo. Wala naman siguro.

Wala nga ba?

Hay. Jazz, ano bang sinasabi mo? Tss. Umiling-iling ako.

Gelos's POV

"Phone ni Yesh to diba?" Nagulat ako pagtingin ko kay Jazz, hawak niya ung phone ni Yesh.

Sh*t! Naiwan niya kanina.

"Aba, oo nga nu. Bat nandyan yan?" Napakamot ako ng ulo. Kinakabahan ako sa mga sinasabi ko. Isang mali ko lang, huli kami.

"Hindi mo talaga alam?" Bat ganyan siya magsalita? Parang may alam siya? Ganun ba talaga o napapraning lang ako?

"Hindi eh."

"Sige, dadalhin ko nalang. Una na ko ah." Nagwave na siya ng goodbye at umalis na.

Yesha's POV

Aaaarrrgghhh! Naiwan ko ung phone ko kina Gelo! Paano nalang kung makita ni Jazz un? Hay. Nakakainis. Bat ba kasi naiwan ko pa un eh!

"Phone mo oh." Binigay sakin ni Jazz ung phone ko. Nakauwi na pala siya.

"Bilis mo ah." I tried to smile kahit kinakabahan na ko.

"Oo. Dumaan lang naman ako eh." Nagsmile siya. "May pagkaen na ba?" Kahit kailan talaga tong si Jazz. Haha. Napakahilig kumaen. Mukhang wala naman siyang alam. Hindi naman yata naghihinala.

"Oo. Kumaen ka na." Pumunta na nga siya dun at kumaen. Pagtapos nun, tinanggal niya ung pangdisguise niya.

"Sige, alis lang ako."

"Alis na naman? Teka? Sinong kasama mo? Bat mo tinanggal?"

"Oo, sina Lei at Den lang. Alam na naman nila eh."

"Ha?" Nagulat ako. "Lahat sila alam na?"

"Hindi. Silang dalawa lang at mga boylets nila. Di ko pinasabi sa iba eh."

"Paano nalaman?"

"Sa phone mo. Ung nakacode? Nahulaan nila eh. Haha. Sige, bye na! Nandun na ung dalawang bruha. Bye."

Hay. Buti naman at hindi pa alam ni Gelo. Baka kasi magkagusto siya ng totoo kay Jazz pag nagkataon eh.

Pagka-alis ni Jazz, tinawagan ko agad si Gelo.

"Gel?"

"O? Yesh? May sinabi ba si Jazz? Nakita niya kasi ung phone mo dito eh." Haha. Nakakatawa siya eh. Natataranta. Haha.

"Relax. Haha. Wala naman siyang sinabi eh. Wala pa rin naman yatang alam." Nag pause ako. "Date tayo?"

"Ikaw bahala. Gusto mo ba?"

"Oo naman. Kaya nga nagyayaya eh. Gelo naman." Nagpacute ako. Hihi.

"Haha. Oo na. Sige, sunduin kita dyan. Maliligo lang ako."

"Okay, ako din. I love you."

"Ako din. Bye."

Nagmadali na kong maligo at magpaganda. Sakto namang dumating na rin si Gelo. Manunuod nalang kami ng movie.

Jazzmine's POV

Nasa mall nga kami ngayon nina Den at Lei. Hindi namin kasama ung mga boyfriends nila kasi may sarili silang lakad eh. Haha. Okay lang naman un atleast nagkatime kami magbonding tatlo.

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon