Chapter 7

137 4 4
                                    

"Gelo." Sabi ko pagkatapos nun. Nakatingin lang siya sa akin.

"Gusto mo ba talaga si Jazz?" Umiling siya.

"HIndi ah!" Buti naman. Hindi pa pala ko huli.

"Eh, bakit ganun ka sa kanya?"

"Usapan kasi ng barkada un. Pag nagawa ko daw, tutulungan nila ko makuha ka ulet." Natuwa ako sa sinabi niya.

"So, ako pa rin talaga? Dahil sakin kaya mo siya ginaganun?"

"Oo naman. Ikaw lang naman talaga eh." Niyakap ko siya. Niyakap niya ko. Sa sandaling un, parang bumagal ung oras. Mahal ko pa nga siya.

"Gel, pwede bang wag na muna natin to ipaalam? Tsaka na. Act normally." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha? Paano si Jazz?"

"Gawin mo pa rin un. Alam ko magagalit siya pag sinabi ko sa kanya ung tungkol satin."

"Bat ba hindi niya alam? Akala ko ba bestfriend mo siya?" Bat parang nag-aalala siya kay Jazz? Akala ko ba wala lang un?

"Oo nga kaso that time, wala kaming communication kaya di ko nasabi tapos nagbreak na rin tayo kaya di ko nalang din sinabi sa kanya." Tumango siya na parang naiintindihan na niya.

"Eh, kailan natin sasabihin?"

"Pag may gusto na siyang iba. Pag inlove na siya sa iba para hindi na siya magalit sakin for not telling na tayo talaga." Pumayag naman siya. "Sige Gel, puntahan mo na si Jazz. After all, you have to act as if nothing happened." Umalis na siya.

Gelo's POV

Masaya ako ngayon. Haha. Akalain mo ba namang kami na ulet ni Yesh! Haha. Nagselos siguro un sa mga ginagawa ko kay Jazz. Ano ba naman siya? Haha. Kay Jazz pa siya nagselos eh alam naman niyang di ako nagkakagusto sa hindi maganda eh. Haha.

Anyway, pinuntahan ko na nga si Jazz as Yesha said pero sina Liam at Harry una kong nakita kaya nilapitan ko muna sila.

"Tol!" Bati ko sa kanila.

"Oh? Saya mo ata?" - Harry

"Kami na!"

"Agad-agad? Di man lang nagpakipot si Nerdy sayo. Haha." - Liam

"Ni Yesha!"

"Haa?" - Silang dalawa

"Oo nga! Kanina lang. Wooo. Grabe. Haha. Ang saya eh."

"Talaga? Haha. Congrats Gel!" - Liam

"Edi tigilan mo na si Jazz." - Harry

Ano ba naman tong si Harry? Ang seryoso. Parang hindi masaya para sakin.

"Hindi pa. Sabi ni Yesh, ganun pa din daw muna. Siya nalang daw magsasabi kay Jazz once na sure na siya na hindi magagalit si Jazz."

"Pero, kawawa naman si Jazz pag ganun." - Liam

Hay. Ano ba tong dalawang to? Dati hindi naman sila ganyan. Pag may chicks, go lang. Walang awa-awa pero ba ganito?

Iba siguro talaga si Jazz. Napalambot niya kami eh pero sa kanya lang naman kami ganito. I admit, ayoko na rin ituloy kasi kaibigan na rin naman namin si Jazz kaso wala eh. I have to.

"Oo nga Tol. Kaibigan na rin natin un." - Harry

"Diba nga ayaw natin na nahihirapan un? Kaya nga natin kinausap lahat para hindi na siya asarin tapos gagawin mo pa yan. Edi ikaw na mismo nanakit sa kanya." - Liam

Oo. Un nga ang nangyare. Nung iniwan ako ni Jazz sa garden, nag-usap kaming tatlo tapos napagkasunduan namin na kausapin lahat kaya pumunta kami sa stage nun. Sinabi namin na Jazz is a very nice person once you get to know her and sana wag siya i-judge based on her looks.

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon