Chapter 5

169 7 11
                                    

Oo.

Ginulat niya ko.

Nagulat talaga ko.

Kaming dalawa ay nandito ngayon, nakaupo habang may fireworks display pa at ...

Teka? Ano to?

Nag-load pa sa utak ko ung ginawa niya.

Tama ba to?

Oo.

Hinalikan niya ko.

No.

Hinahalikan niya ko.

Nanlaki ung mata ko sa ginawa niya. Para akong kinukuryente. The feeling is really ... I don't know. I can't explain. Kakaiba ung nararamdaman ko sa kanya.

I didn't see it coming talaga. Bumilis na naman ung pintig ng puso ko.

Ang first kiss ko! Asar naman. Dito nga sa romantic set-up pero hindi naman sa boyfriend ko. Ni hindi ko nga gusto tong si Gelo eh.

Teka?

Hindi nga ba?

Oo. Hindi ko siya gusto.

Hindi un. Imposible.

Pft. Kinakausap ko na naman sarili ko. Jazz, ano ba? Stop na.

Bumitaw siya.

Ako, natulala.

Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.

"Sorry." Un lang sinabi niya. Bakit niya ba ko hinalikan? Ano un? Seryoso? O baka naman trip lang? Baka nga joke lang un para sa kanya. Imposible naman niya kong magustuhan eh.

Well, if that's the case, it's not a good joke.

Tsaka, bakit ako? Kaya niya palang gawin un sa isang taong gaya ko? With this kind of appearance, hindi ba siya nandiri sakin?

Hindi ako umimik. Shocked pa rin ako eh.

Nagstay kami dun pero walang kumikibo.

"Uwi na tayo." Tumayo na ko tapos nagligpit na rin.

"Sige." Sabi niya tapos hinatid na niya ko.

Malapit na kami ngayon sa bahay pero nakita kong nakaabang sa may gate si Yesha.

"Sige, dito na lang." Pagkasabi ko nun, bumaba siya at pinagbuksan ako. Anong nakaen nito at bumait sakin?

"Best!" Lumingon ako nang sumigaw si Yesha. Lumapit siya sakin tapos medyo nagulat siya nang makita niyang kasama ko si Gelo.

"Sige Jazz, una na ko. Sa susunod ulit." Nagsmile siya ng konti then he left.

Susunod daw? May balak pa siyang ulitin? Baka kung ano na gawin sakin nun! Wahaha. Ano ba tong nasa isip ko? Haha.

Kami na lang ni Yesh ung naiwan.

"Tara na. Pasok na tayo. Matutulog na ko." Medyo magulo ung isip ko ngayon kaya gusto ko nang matulog. Baka bukas, malinawan na ko.

Yesha's POV

Nasa may gate ako, inaantay ko si Jazz. Saan kaya pumunta un? Di man lang nagsabi sakin. Tss.

Nakita ko siyang bumaba sa kotse at pinagbuksan siya ni?

Tama ba to?

Si Gelo?

Pumikit ako tapos dumilat ulit. Tama nga tong nakikita ko. Si Gelo nga.

"Sige Jazz, una na ko. Sa susunod ulit." Sa susunod ulit? May next time pa? Ano to? Nagdate ba sila? Di ko inakalang papatulan siya ni Gelo sa ganyang itsura. Baka naman, trip lang siya? Ginogood time kaya?

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon