Chapter 4

191 5 10
                                    

Hindi nila ko kinibo. Mukhang di pa rin nila naiintindihan na ayaw kong ipaalam kay Jazz.

"Uy, tinatawag na kami." - Andy

"Oo nga. Bye guys. We'll update you all as soon as makarating kami dun." - Drew

Aalis si Andy at Drew? Saan pupunta? Bakit?

"Bye Andy! Bye Drew! Mag-ingat kayo dun ha? ^_^" Nagwave ng kamay si Jazz.

"Jazz, una na kami." Di na nila pinagsalita si Jazz. Nauna na agad silang tatlo. Tumingin ako kay Jazz.

"Tara Best, uwi na tayo. Gusto ko na matulog eh."

"Oo sige. Haha." Nagpasundo na siya at sumakay na kami sa car nila.

"Tss. Di mo pa rin tinigilan yang pagdidiguise mo eh. Ikaw talaga. Haha." Ginulo ko konti ung buhok niya. Ang cute ng bestfriend ko eh.

"Syempre. Haha. Alam mo naman kung bakit eh."

"Hanggang ngayon ba yan pa din paniniwala mo?"

"Oo naman. Baka nga hindi na magbago un. Haha." Lokaret talaga to. Alam niyo ba kung bakit siya nagdidisguise? Secret na muna. Hohoho.

Nakarating na kami sa bahay nila.

"Titoooo! Titaaa!" Sabay yakap ko sa parents niya. Sobrang close kasi ako sa kanila. Mag kumare at kumpare kasi parents namin and at the same time, kinakapatid ko din tong si Jazz.

"Ginulat mo naman kami! Bat di mo sinabi na uuwi ka? Edi sana nagpaparty tayo!"

"Oo nga Hija. Dapat nag invite tayo sa pagbabalik mo!"

"Haha. Tito, Tita, kayo po talaga. Di naman po ako si Pacquiao para magkaroon ng welcome party eh. Haha."

"Hay. Mama talaga. Kung nagpapahanda nalang kayo ng pagkain diba? Sure akong gutom na ang bestfriend ko eh." Si Jazz talaga, kahit hindi totoong mataba, napakahilig kumain. Haha.

"Oo nga pala." "Yaya, handa na po kayo ng food."

"Sige po Ma'am." - Yaya

Nasa table na kami. Kumakaen na.

"Tito, Tita, Jazz, pwede po bang dito muna ko magstay? Tsaka nalang po ako aa --"

"Ano ka ba naman! Tinatanong pa ba yan? Syempre dito ka magsastay nu!" Si Jazz talaga. Haha. Ang kulit niya eh. Kaya love na love ko siya eh. Haha. "Diba Dad?" Tumango naman si Tito.

"Oo nga. Dito ka as long as you want. Hanggang nandito ka sa Pilipinas, kahit dito ka na tumira, okay lang."

"Oo nga. Di ka na iba samin nu!" - Tita

"Talaga po? Salamat po. Hehe."

"Sabi sayo eh." Sabay kindat sakin ni Best. Haha.

After nun, umakyat na kami sa room. Nag insist ako na tabi nalang kami, malaki naman sobra ung room niya eh. Hiya naman ako kung sa ibang kwarto pa ko and kahit na super yaman nila, ayoko namang mag take advantage.

"Best, so tell me. Kamusta sa Singapore?"

"Oks naman. Masaya kaso namiss ko si --"

"Siiinooo? Yieee. Ikaw ha. Haha."

"Ah. Wala. Namiss lang kita." After nun, everything went black.

Jazzmine's POV

"Yesh, gulat ung limang mokong sayo kanin --" Ayt. Nag-cr lang ako saglit, pagbalik ko tulog na ang babaeng to. Haha. Napagod nga talaga siguro siya.

Harry's POV

Umuwi na kami after ng incident sa airport. Tahimik kami. Talagang nagulat.

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon