Chapter 1

424 17 36
                                    

Nandito na ko ngayon sa school. Pinagtitinginan na naman ako pero okay lang. Sanay na ko dun tsaka lagi naman akong pinagtatawanan simula first year pa nung lumipat ako sa school na to.

What do I look ba?

I look ugly. I look fat and I look like a nerd.

First day to ng 3rd year life ko at dahil wala pa ung mga kaklase ko, pumunta muna ko sa canteen.

"Bhes!" Narinig ko ung boses ni Janna. Tumingin ako at bigla niya kong hinila palabas.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Dun tayo sa kanila." Obviously, she's referring to our classmates. "Nasa may gate sila."

"Bat ayaw nila pumasok? Dito nalang ako."

"Inaabangan nila ung mga boooys. Haha. Marami raw gwapo eh. Tara na!"

"BOYS?!"

"Oo. Hindi mo pa ba alam?" Umiling ako. "Kaya naman pala. Tsk. Hindi na hiwalay ung boys at girls. The boys talked to the principal daw and asked kung pwede na pagsamahin tayo. If not, lilipat daw sila lahat ng school. Masyado silang sabik satin. Haha." Kadiri naman. Sabik talaga? Parang ang bastos lang. Haha.

Btw, ung school kasi namin co-ed pero hiwalay ung building ng boys sa girls tapos ngayon, pinagsama na pala. Nahuli ako sa balita. Hihi.

"Wala naman akong paki dun. Dun nalang ako." Iniwan ko na si Janna. Tumuloy siya sa pagpunta sa gate tapos pumunta naman ako sa canteen.

"Kkkkkkkkyyyyyyaaaaaaaaaa!" Nagulat ako sa ingay. Ganyan ba ka-desperate ang mga babae na makakita ng lalake? Tss.

Naisipan ko kumain kaya bumili ako ng spaghetti hanggang sa parang palapit ng palapit ung mga boses. Ang dami ng lalake sa loob and may isang group of guys na pumunta sa canteen, barkada siguro sila. Tumigil na ung tilian. Nakita ko kanya-kanyang porma ung mga lalake sa mga girls and kanya-kanyang landi din ang mga girls.

"Tabi." May tao na pala sa harapan ko. Teka. Bat parang ang daming paa? Tumingala ako. BOOM! Sila ung limang magbabarkada.

"Sabi ko, TABI." Wow. Talagang in-emphasize niya ung TABI. Di pala ko kaagad nakasagot. Isa-isa ko kasi silang tinignan.

"Bat naman ako tatabi? Kung gusto niyo kumaen, maghanap kayo ng table niyo nu!" Napaka-bossy ng mga lalakeng to.

"Gelo, dun nalang tayo." One of the guys said dun sa nagpapatabi sakin.

"No." Ano siya boss? Siya siguro leader nila. Bat nagpapa-under tong apat na to? I can't understand. Tumuloy ako sa pagkain habang naririnig ko ang conversation nila.

"Dalian mo." Inirapan ko siya. Kumakaen ako tapos tinatap na niya ung table ng kamay niya. Para bang nagmamadali siya tapos inaantay niya kong matapos.

"Bat mo ba ko pinagmamadali? May iba pa namang pwesto dun ah!"

"Binabagalan mo kasi. Sa katawan mong yan, alam kong mabilis kang kumaen kahit gaano pa kadami yung pagkain na nakahain." Ay. Grabe.

"Bastos ka rin naman pala eh." Inubos ko na ung spaghetti ko. "Ayan." Padabog akong tumayo.

"Aalis din naman pala. Kung maka-arte akala mo maganda." Grabe rin naman pala siya eh. Aalis na nga ako diba? Pero, nung marinig ko un, huminto ako.

You Made Me Believe (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon