Chapter Twelve

25K 433 70
                                    

How could I say no to that?


I rubbed my forehead, feeling exhausted from crying. Tahimik ko lang na sinandal yung ulo ko sa headrest habang patuloy yung ginagawa kong pagtitig sa kisame ng unit ni Natalie.

Pasalampak naman na naupo si Natalie sa tabi ko pagkatapos nitong kuhanin lahat ng movie na comedy yung genre sa cabinet nito.

Fortunately, napilit ko si Natalie na comedy nalang yung panoorin namin instead of some sappy and tearjerker film.

At yung higit na ipinagpapasalamat ko, hindi na nag usisa pa Natalie sa kung ano ba talaga yung rason ng pag iyak ko.

Alam ko na hinihintay lang ako nito na magsimulang mag kwento.

Pero ano yung sasabihin ko dito? That I think, Ade loves his best friend more than he loves me?

O mahal nga ba talaga ako ni Ade?

Ang dami ng suspetsa na tumatakbo sa isipan ko pagkatapos ng dinner na yon at pagkatapos ng nangyari kanina.

Who would have thought na yung kinakikiligan kong "Pixie" eh syang nagiging rason ng pag iyak ko ngayon?

"What do you want to watch?" Pukaw ni Natalie sa iniisip ko.

I looked at her ng hindi tinatanggal sa sandalan yung ulo ko. "Ikaw na ang bahala." Maikli kong sagot dito kasabay ng tipid kong pag ngiti.

"Are you sure, you want me to choose? Dahil kung ako papipiliin." Tinuro nito yung mga movie na dinispatsya ko. "If Only or I Walk to Remember yung papanoorin natin ngayon."

I rolled my eyes. "Here we go again. Akala ko ba tapos na tayo sa tragic ending na yan? And besides, 2014 na kaya tayo ngayon, anong year pa lumabas yang gusto mo." I rolled my eyes. "At bakit sa bawat movie, yung gusto mo eh yung may namamatay?" Dagdag tanong ko dito.

Natalie shrugged her shoulders. "Mas maganda na yon kesa yung boyfriend mo, ipa-assassinate ko."

I shook my head. "This is not his fault, Nats." I mumbled.

Natalie flicked my forehead. "As if I'll believe that."

I guess I need to start explaining now.

I sighed. "Did you know Alex's fiancée personally?" Wala sa hulog kong tanong dito.

Natalie rubbed her forehead and looked away. "Sort of."

I raised my eyebrow. "You knew."

"That Alex has a fiancée?" She shrugged her shoulders. "Yes."

I frowned. "Did you know that Angel is Ade's best friend?" I asked, suspiciously.

Natalie finally looked at me. "Yes, I know. Hindi ko na sinabi sayo because I think that's not even important. Nakita ko silang tatlo once na magkasama sa isang party at wala naman akong napansin na kahinahinala sa kilos nila. Aside from Alex who keeps staring at her like a love sick puppy all through the night."

Walang kahina-hinala? Is she kidding me?

Simula pa kagabi at kanina, lahat ng kinilos ni Ade kahina-hinala.

At ang isa pa na bumabagabag sakin, eh yung ideya na sino ang hindi maiinlove sa ganoong kaganda na babae.

I heaved a deep sigh, trying to calm my nerves. "She's so pretty. Did you see her face? She looks like an angel."

To my surprise, tumawa lang si Natalie sa sinabi ko. "If she looks like an angel, you look like a saint with mischievous eyes." Natatawa parin na sabi nito nang makita nito yung pagkakakunot ng noo ko.

I pouted. "You're just saying that."

"You're kidding me, right?" Natalie asked as she raised her eyebrow.

I shrugged my shoulders.

"Come on Embry Montinilla. Ilang beses ba na ako ang laging napagbibintangan sa kalokohan na ikaw naman ang may gawa?"

Hindi ko mapigilan na mapabungisngis sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko ng maalala ko yung mga kalokohan ko noon na si Natalie yung sumalo.

Natalie shook her head, a chuckle escaped her lips. "You look like a saint kaya ako lagi ang napagbibintangan nila Mama. Buti nalang laging tagapagtanggol ko yung Papa mo."

Nakaramdam ako ng guilt kahit paano. Sobrang pilya kasi ako dati, even now may mga moment na lumalabas yung pagkapilya ko. Ang totoo nyan, yon yung rason kung bat ako tinatawag na "fairy" ng dad ko.

"Anyway, your saint look was kind of useful when you used it against my ex." Natatawa na sabi ni Natalie na para bang iniisip nito yung nangyari noon. "Natatandaan mo pa ba yon?"

I chuckled and smiled warmly at her. "Paano ko ba yon makakalimutan eh yon yung rason kung bakit tayo naging super close."

She patted the top of my head. "And I want to do the same. Kasi alam ko na kung sakali man na papaiyakin ako ni Dave, you'll be kicking his ass." Masuyo na sabi nito.

I slumped my shoulders in defeat at ready na sana akong mag kwento dito ng kung ano ba talaga yung nangyari ng biglang bumukas yung pintuan ng unit nito.

"I was right. Both of you are lesbian." Someone said behind us.

I glanced over my shoulder and found Natalie's brother at the front door. "Gray." Natatawa kong sabi dito.

Nakangisi lang na pinag lipat lipat nito yung tingin nito saming dalawa ni Natalie. "Kelan kayo aamin?"

"Aamin saan?" Kunot noo na tanong ko dito.

"Can you knock?" Tanong naman ni Natalie.

Gray rolled his eyes. "I did knock. Nagkataon lang na busy kayo ng lover mo."

I frowned. "Lover?" Singit ko sa kanila.

"You." Nguso nito sakin "And my feeling fashionista na little sister."

"Kesa naman nerdy brother." Sikmat ni Natalie dito.

"It's not my fault that I'm the brainy one." Apila ni Gray kasabay ng pagngisi nito.

Natatawa lang na pinagmasdan ko yung magkapatid habang patuloy yung pagbabangayan nilang dalawa ng biglang lumingon sakin si Gray. "How are you, vans?"

I chuckled. He always call me Vans, dahil ang hilig ko daw magsuot ng vans.

Gray frowned. "Hold it." Sinipat nito yung mukha ko. "Have you been crying?"

Natalie snorted in disbelief. "And you called yourself smart?" Tanong ni Natalie dito.

Realization crossed his face.

"I'm ok." Sabi ko nalang dito ng makita ko yung pagdilim ng mukha nito.

"Natalie told me you have a boyfriend." Gray said dangerously.

Na para bang sinasabi nito na "Sya ba yung rason ng pag iyak mo."

"I'm fine Gray. He's a good guy. A perfect boyfriend. You should meet him." Pagsisinungaling ko dito.

Gray treats me the same way he treats Natalie kahit na sabihin pang dalawang taon lang din yung age gap naming dalawa.

Natalie snorted beside me.

I looked at her direction, warningly and looked back at Gray. "What are you doing here?"

"Yeah, what are you doing here?" Tanong din dito ni Natalie.

Gray shrugged his shoulder. "Bar hopping, girls?"

"You want us to go to the bar?" Hindi makapaniwala na tanong ni Natalie.

My thoughts exactly!

"Yes, dear sister." He replied. "Please Vans?" Dagdag na sabi nito ng makita nito yung pag aalinlangan sa mukha ko.

"Come on, Emz. Minsan lang manlibre tong kulugo nato." She slings her arm around my shoulders. "Besides, you need this." She smiled. "Just for tonight, let's forget everything and have fun." She added.

I sighed.

How could I say no to that?

DEL FRANCO BROTHERS: Adien (Mr. Hotshot) (BOOK 1- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon