Chapter 20

4.2K 99 4
                                    

Chapter 20

Kathryn's POV  

 

Seryoso akong bumaba sa hagdan at nakita ko si kumag na seryosong seryoso sa pagkakaupo niya, kumag talaga. Tapos yung kasama niya nakangiti lang sa akin. Like does I care for them. Lagot ako kay kuya nento.  

"Kamusta ang tulog." Bati sa akin nung Ralph ata.  

"Ok lang naman."  

"Mabuti naman dahil may uutusin ako sayo."

"Tsk." Ano naman tong trip nito. Ay oo nga pala 24/7 kuno daw ako.  

"Sumama ka sa amin sa Gangster battlefield ngayon." 

"Ano?" Kakapunta ko lang dun kahapon tapos ako ngayon pupunta kasama sila? Ano ba yan!  

"Walang reklamo atsaka first time mo bang pumunta roon?" Tanong ni kumag na parang tuwang tuwa. Sarap basagin ang mukha nento.  

"Oo." Wow, galing mo Kath magsinungaling bilib ako sa iyo.  

"Ahhh, mabuti naman dahil paglabas mo doon di ka na inosente. Hahahaha." 

Kumag ka talaga.  

"Pero Dan di naman padalos dalos yan kasi diba first time niya?" Pagdepensa sa akin ni Bryan.  

"Oo nga Dan. Pwede  namang sa susunod nalang atsaka baka hahanapin na siya." 

Tama sige pagtanggol niyo ako. Hahaha

"Diba sinabi ko na sa kanya na 24/7 siya sa akin." 

"Pero Dan, kakasimula palang niya yan na agad. Wag na muna sa tamang panahon nalang." 

Humawak sa baba niya si Kumag parang nag-iisip siya ng maigi kung ano ang gagawin niya. Tumingin siya sa akin at tumango tango. Ano kaya ang nasa isip nitong kumag na ito baka pinagnanasaan na ako. Tsk. Kath  erase.  

"Sige, pero ngayon lang to mangyayari pasalamat ka dahil nakumbinsi ako ng mga kasama ko."  

"Haaayyyyy salamat!" 

"Pwede ka nang umuwi." Ani niya na nakaharap na ngayon sa cellphone niya.  

"Wait. Paano....."

  "Ako na ang maghahatid sayo." Presenta ni Bryan. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.  

"Una na kami." Ani niya. Lumabas na kami at sumakay na ako sa sasakyan ni Bryan infairness ang sosyal ng sasakyan halatang mamahalin pero mura lang to para sa akin piso lang yan sa amin.  

"Pasalamat ka at nasa good mood si Dan ngayon, at nakumbinsi namin siyang wag ka idala doon sa lugar na iyon baka ipahamak mo lang ang pagpunta roon lalo na at wala kang kaalam alam roon ."

Kung alam niya lang. Walang kaalam alam.  

"Salamat sa paghatid sa akin." Nakarating na kami sa amin pero di talaga sa amin kami huminto ayoko nga baka sugurin pa nila ako sa bahay eh, mapasubo kamo ni kuya nito eh. Medyo malayo yung bahay nina kumag dito sa amin kasi private land yung bahay nila kaya wala gaanong dumadaan roon.  

"Walang anuman basta ikaw." Sabay ngiti niya sa akin.  

"Tsk. Alis ka na." 

"Sige bye."

Umalis na siya at nagsimula na akong maglakad pauwi siyempre dahil tanga ako sa may kanto pa yung bahay namin diba adventure, gabi pa naman edi ibig sabihin double adventure to. Hahahaha. Nagbabasa ako ng messages ngayon sa phone ko at nakakita ako ng 29 messages more on kay kuya.

Tulad ng Asan ka na?! , baka nagigimik ka na naman diyan alam mong ipinagbawalan ka. Nasa Gangster battlefield ka naman no, umuwi ka na kung ayaw mong mapagalitan., Kath asan ka na ba tinatakot mo ako, reply ka naman diyan. Tapos yung iba puro mga mura na ni kuya. Tsk si kuya talaga di nasanay.  

Malapit na ako sa bahay buti walang mga kampon ng kadiliman ang lumabas ngayon para piyestahan ako. Ito na nakita ko ang kuya ko na sa harap ng bahay namin may hawak na cellphone sa kanang kamay at halatang galit na galit. Hahaha, ito na ready for the sermon. Di parin ako patitinag isang lambing lang yan kay kuya ok na, malambot puso niyan eh di parehas sa akin matigas.  

"Princess ikaw ba yan?" Sabi sa akin ni kuya na papalapit sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap. At sinabing.    

"Magtutuos tayo sa loob, pasok na!"

Hahaha, ito na.

------------------------------  

A/N: Baliw talaga si Kath di man natakot sorry kung pangit ang UD ngayon.  

Please vote and Comment. Please ...

City Gangsters (COMPLETED) -STILL EDITING-Where stories live. Discover now