Chapter 10

4.9K 125 25
                                    

Hello? I want to dedicate this one to her. Ang bait niya sa akin eh. Hi gurl <3 ^^

Chapter 10

KATHRYN'S POV

Nagtapos na ang klase at nagsilabasan ang lahat yung 5 lalaki na sinasabi ko kanina sa first period lang pumasok, pumasok pa sila. Pero bakit walang mga pakialam ang mga guro rito?  

Kasama ko ngayon si Mary papuntang cafeteria, dapat di nalang ako sumama rito, kaya ko namang diskubrehin mag-isa ang mga iyon eh.  

"Uhmmmm, order muna tayo." Hindi ako umimik pakialam ko. Nag-order ako ng isang ice cream at cake.  

"Di ka naman mahilig sa sweets ah." Tiningnan ko lang siya, ayaw kong barahin to eh kawawa lang.  

"Doon tayo." Tuon niya sa may sulok na bahagi.  

So ayun pumunta kami sa may sulok na walang nakakaalam naman. Habang naglalakad kami ng ilang steps biglang tumahimik ang sa pagitan sa amin at nagsimula na siyang mag explain about sa hindi ko alam na sasabihin niya. Nang biglang nagsalita si Mary at sabay sabing.

"Diba kanina nagtataka ka ata kung bakit tumahimik ang buong klase ng pumasok sila? Ganito kasi yun ang 5 lalaki na iyon ay kilala sa larangan ng gulo. Pero ang kakaiba sa kanila ay una si JM ay isang anak mayaman, may kompanya sila sa ibat ibang bansa ang ate niya ay isang modelo sa England. Sumunod naman  si Ralph, siya rin ay anak mayaman, ang kanyang pamilya ay kilala sa paggawa ng pabango nag-iisa lamang siya na anak sa pamilya nila kaya spoiled brat ito. Si Bryan, model siya sa isang popular na clothing line, may marangyang buhay tulad ng iba siya ang magiging tagapagmana ng business nila ang paggawaan ng mga gadgets. Ang pinakagwapo sa kanila si Drake siya yung laging kapansin pansin sa grupo dahil sa kanyang charisma at appeal ngunit sa kagwapuhan niyang yan may pusong bato yan at isa siyang sikat na casanova sa eskwelahan. Ang panghuli ay ang leader nila na si Daniel, siya ang pinakamayaman sa grupo dahil sila ang nagmamay-ari ng paaralang ito , sila ang nagmamay-ari ng mga kilalang malls rito sa bansa . At kung bakit wala miski sa kanila ang lumalaban dahil sila ang tinaguriang "City Gangsters ". So, ganun pala kaya pala ang sisikat ng 5 lalaki eh. They are the most known gangster here. Weak!^^ 

"City Gangster?" Tsk. Bulong ko sa aking sarili. City Gangster, sila 'yung napatumba ko, na 'yung lider nila na sobrang angas na nakablack pa talaga ng attire.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni Mary sa kin.  

"Wala, kainin mo na yung pagkain mo, ang dami mo nang dinaldal eh."  

"Wahahaha, ok lang yun atleast sinabi ko sayo ang mga kaganapan nito sa paaralan , atsaka bakit ka nagtransfer rito?"

"Ito na naman , dahil kasama to sa pagpapanggap ko kailangan maging " girl image " ako ngayon.Tsk.  

"Ano kasi yung parents ko gusto akong pag-aralin sa ganitong klaseng eskwelahan ( kung alam niya lang ) eh di naman kasi kaya namin yung tuition ang mahal ( talaga lang? Parang centimo lang yung tuition rito eh ) edi nagtake lang ako ng scholarship examination para makapasok rito kaya nung nakapasa ako tuwang tuwa ako. ( Tsk )" 

"Ah ganun ba. Magkaiba pala tayo ng rason kung bakit nag aaral ako dito." Sabi naman ni Mary. Ako nga pala ang kanyang rason dito?

"So hindi lang pala ako ang napipilitan rito."  

"Bakit naman?" Himala akong nagcare o nagtanong nacucurious sa isang tao.  

"Ah, huwag nalang kasi mukhang inosente ka at wala kang kaalam alam sa mga bagay na ito. Alam mo na. Baka hindi mo ako paniwalaan. Mahirap na." Ano daw? Ako? Inosente? Kailan pa?  Kailan pa? Kung alam mo lang. Kaso, sikreto 'yun eh. Bawal kong sabihin. ^^

"Ok lang naman sa akin na ibahagi mo, wala naman yan para sa akin."  

"Sige na nga mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Basta wala kang pagsasabihan nito ah. Promise me ah?" Seryosong sabi ni Mary. Sa tingin ko nga, importante itong sasabihin niya eh.  

"Sige.  Promise. Mapagkakatiwalaan mo ako Mary."

"Isa akong gangster at girlfriend ako ni Bryan mag two-two years na kami."  Ano?! Siya? Girlfriend ng mga isa sa mga demonyong yun. Minalas naman. Pero di halata ah.  Hala? Bakit? So, kami palang dalawa dito ay isang gangster din? Bakit? Nagkamali ata ako nito ah? Napansin niya ang pagkagulat ko.  

"Alam kong di kapanipaniwala , ganito kasi yun noon nung nasa ibang paaralan pa ako kilala ako dahil sa tapang at katayuan ko sa eskwelahang iyon ngunit dahil mataas ang pangarap sa akin ni Papa plano niyang ipalipat ako rito sa paaralang ito at dito ko nakilala si Bryan. Nung una parang wala lang kami sa isa't-isa pero nang makita niya ako sa isang gangster battlefield dun kami umibig sa isa't isa at nagmahalan."

"Nagmahalan?"  

"Oo, di mo ba naransan?"  

"Hindi." Madiin kong sagot. Pagmamahal lang ang sisira sa sarili mo. Kasi nandito lahat ng katangahan mo , hindi lang tanga bulag na sa lahat. Pagmamahalan, hindi ako naniniwala dyan. Yan mismo ang sisira sa akin. Kailangan kong maging matapang ng walang namumuong lovelife.


-----------------

(REVISING)

A/N: Sino kaya ang magbibigay lambot sa puso ni Kathryn. Sana may dumating na para alisin ang galit sa puso niya tungkol sa pagmamahal. Vote and Comment Please . Be a fan. 

^^

City Gangsters (COMPLETED) -STILL EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon