Chapter 19

4.1K 99 3
                                    

Chapter 19

Daniel's Pov  

"Hay naku, yung P.A ko nakatulog sa kakahilot. Anong oras na ba?"  

"5:24 pm." 

Nahapunan pala ako ng gising, tapos pamungad sa akin tong babaeng na natutulog na himbing na himbing sa tulog.  

"Hoy." Kalabit ko. "Hoy gising na." Di parin nagigising. "Hoy! Gising na!."Naku baka tulog mantika to

Sakto buti pumasok ang mga to.  

"Gisingin niyo nga tong babaeng to." Tumingin sa akin ang mga kasama ko na parang nagtatanong.  

"Wala kaming ginawa, di ako papatol sa nerd na yan no. Atsaka nagpahilot lang ako tapos di ko namalayang nakatulog rin pala to."  

Nilapitan siya ni Ralph at tinitigan. "Mga Pre, maganda pala to kapag walang salamin."  

"Wag niyong nasain ang nerd na yan kadiri naman kayo. Gisingin niyo na yan hapon na at may uutusin pa ako sa kanya."

 

Ginising siya ng mga kaibigan ko pero walang epek tulog mantika talaga. Nerd talaga.  

"Dalhin nalang natin siya pauwi sa kanila." Ani ni Bryan.  

"Alam mo ba bahay nila?" Tanong ko sa kanya ng malamig.  

"Ah... Di eh." 

"Sa bahay niyo nalang Dan, ok lang naman kasi ikaw lang naman ang tao sa inyo pati ang kuya mo na madalang lang umuwi."

"Tsk. Baka anong isipin ni kuya kung maari kapag dadalhin ko tong nerd na to. Siya pa lang naman ang unang babaeng makakapasok sa bahay namin. " 

"Kina Mary nalang siya." Suhestiyon ni Bryan.  

"Diba kailangan mo siya 24/7?" Makahulugang sabi ni Drake.

"Sige sa amin na siya, dalhin niyo siya sa kotse." Binuhat siya ni Bryan papunta sa parking lot ng school at di kalaunan nakarating na kami sa bahay may kanyang kanya kaming sasakyan na pinagmaneho pero nasa akin si nerd.

"Dalhin niyo siya sa guest room."  

"Paano kung hahanapin siya ng magulang niya?" Tanong ni JM .  

"Ako na bahala."  

Kathryn's Pov

"Nasaan ako?"  

"Naku po." Wait tiningnan ko ag damit ko yun naan parin ang suot ko. Inilibot ko ang tingnin ko sa kwarto ang laki nento ah, kasing laki ng sala namin sa bahay ni kuya rito ah.

Tumayo ako at subukang lumabas ngunit nakarinig ako ng yabag papunta rito.  

"Kath, posiyon at ready to attack." 

Pagbukas ng pinto.  

"BOOOOMM!!!!" 

"Aray!"  

"Huh? Bryan?" 

"Aray ang sakit ng ilong ko. Ano napasok sa kukote mo Karen para gawin mo to sa akin?"

"Kasalanan ko bang di ko alam na di ko alam ang lugar na ito."  

"Oo nga pala. Nandito ka pala sa Mansion ni Dan." 

"Sinong Dan? Si kumag?"

"Anong kumag?" Nagtatakang tanong ni Bryan.  

"Wala." 

"Bryan gising na ba?" Boses yun ni kumag ah, so nandito pala kami sa mansion nila.  

"Oo. Pababa na kami." Sigaw na sagot ni Bryan kay kumag.  

"Dahil gising ka na may ipapagawa si Dan sayo."  

Papagawa na naman, dapat di na ako nagising.  

"Halika na. " 

-----------------------------

A/N: Ano naman kaya ang ipapagawa ni Daniel kay Kathryn mas malala pa ba ito?  

Abangan. Vote, comment

I will appreciate it. Thank you.

City Gangsters (COMPLETED) -STILL EDITING-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon