Chapter 14

3.1K 62 13
                                    

Chapter 14

Nagising ako ng wala si Arth sa tabi ko. Napatayo agad ako ng makita ko sa orasan sa side table na 2 am palang.  Nag robe ako tsaka tumayo.  Didiretso sana ako sa kusina nang makita kong bukas yung pintuan ng mga bata. 

Nag-alala agad ako. Papasok na sana ko nang nakatalikod na Arth ang bumungad sakin. Buhat buhat nya si Stefan habang pinapa-dede. 

Ang cute nila. Para talaga silang mag-ama.

Nagtago ako sa may gilid ng pinto at napahawak sa tyan ko. 

'Baby, si Daddy nagpa-practice na maging Daddy. Kapit ka lang jan ha'

Pagsilip ko ulit ibinababa na nya si Stefan sa crib nito. Kaso umiyak na naman kaya inuga nya yung crib. Yun kasi yung crib na pwede na ding duyan. Umupo sya sa couch tsaka pumikit. Pinagmamasdan ko lang syang nakapikit sa couch nang umiyak na naman si Stefan. 

Bakit ba napaka iyakin nitong mga batang 'to ? Kalalaking tao. 

Napahilamos sya sa kamay nya bago nya inuga yung crib nung bata gamit yung paa. 

Nakatingin lang ako sa kanila ng hindi ko na matiis. 

Pumasok na ako sa loob tsaka umupo sa tabi nya. Ipinatong ko yung ulo ko sa dibdib nya tsaka ko sya niyakap. 

"Bhetina? Bakit gising kapa ?" 

"Wag ka maingay"

"Pumasok ka na dun. Susunod nalang ako"

"Sshhh. Anong oras ka pang gising?"

"Wala. Bumalik kana sa kwarto sabi eh"

"Anong oras ka pa ngang gising?"

"Bhetina please? I don't want to argue with you today. Ipagpabukas na natin yan. Pumasok kana sa kwarto"

"Sagutin mo muna yung tanong ko. Hindi naman ako pumunta dito para makipag away eh"

SFP ♥Where stories live. Discover now