Chapter 7

4.6K 56 9
                                    

Chapter 7

Nagising ako sa silaw sa araw. Kinapa ko si Arthur sa tabi ko pero unan ang nahawakan ko. Dumilat na ako. Bumalik sakin lahat ng nangyari kagabi. Yung sigawan namin. Yung iyak ko. Yung maaanghang nyang salita. Lahat.

Tama na nga 'to. Walang mangyayari sakin kung ipagpapatuloy ko 'tong pagmumukmok ko.

Tumayo ako at naligo. 

Nag cotton short lang ako na half leg ang then loose sando. Tsaka ako bumaba. 

Wala si Arthur sa sala. Wala din sya sa garden. Wala din sya sa kusina.

"Manang , pahanda na po ng pagkain. Kumain na po ba kayo ?"

"Ahh Oo , kakatapos lang. Sandali lang ija"

Nicheck ko yung phone ko. May unregistered text ako.

+639*********

Hey Tin, Sean to. What happened ? Are you ok ?

Tiningnan ko yung time and date. And it was 11pm. So kagabi pa 'to.

Nisave ko yung number nya tsaka nagreply.

Sean

Hey , sorry. Hindi ko na napansin yung text mo last night. We fought , what do you expect ? But I'm okay. Don't worry. 

Pag dating ni Manang Flor , hindi ko na napigilan yung bibig ko.

"Manang , nakaalis na po ba si Arth ?" -napatigil bigla si Manang tsaka tinuloy yung paghahain sa harap ko.

Tumingin ulit sya sakin bago nagbuntung hininga tsaka tumayo ng ayos.

"Oo kanina pa"

"Ano pong oras ?"

"Mga alas 6. Bhetina hindi sa nanghihimasok ako , pero ano bang nangyari kagabi ? Mas makakabuti kung hindi mo kikimkimin yan ng sayo lang"

Napabuntong hininga na din ako. Tsaka ko inumpisahang kumain. Pero si manang , matigas pa sakin ang ulo. Imbes na iwan ako , umupo pa sa harap ko at pinagmasdan akong kumain.

SFP ♥Where stories live. Discover now