Chapter 5.1

6.1K 61 4
                                    

Chapter 5.1

Dito na kami nakatira ngayon sa bahay nila. Ilang araw narin ako dito. At ilang araw narin akong walang magawa kundi manood ng TV , makipagdaldalan sa mga katulong , kumain at matulog.  Para kong si Fiona. Nakakulong sa napakalaking mansion na wala namang magawa. Gusto kong gumala para naman kahit papano may pagkaabalahan ako , kaso wala naman akong mapuntahan. 

Si Mommy wala naman ngayon dito sa Pinas at tinangay pala sa Miami ng nanay ni Arthur. Buti pa si Mommy kahit papano nag eenjoy na ngayon , samantalang ako ? TSss.

Yung magaling ko namang asawa ? Ayun at nagpapakasasa sa trabaho. 

DING DONG 

Nakita ko mula dito sa terrace ng kwarto namin yung babaeng nakatayo sa gate na may white car sa likod. Sino kaya 'to ? Parang nakita ko na 'to somewhere.

Nakita kong pinapasok sya ni Manang Belen at binato nya yung susi nya kay Manong guard para iparada sa loob. 

Nang nakapasok na sila bumaba na ako. Kunwari hindi ko alam na may dumating. 

Naabutan ko naman syang nakaupo sa couch at tinatanong ni manang kung anong gusto. Napansin nila agad akong dalawa  bago pa ako tuluyang makababa. 

Tinitingnan ko lang sya habang nakangiti syang tumayo para antayin ako. Ngumiti narin ako para naman kunwari hindi bastos.

"Well , hello Mrs. Montero" -sabi nya tsaka nagkiss sakin.

"Uhm. Hello. But I'm sorry , have we met before ?"

Natawa naman sya sa sinabi ko. Sabunutan ko kaya 'to ? Anong nakakatawa sa sinabi ko ? Pinagmamasdan ko lang syang tumatawa hanggang sa napansin syang hindi ako natatawa. Finaly ! Kinalma nya yung sarili nya tsaka nag clear ng throat.

"Hindi na ako nagkaroon ng chance na ipakilala yung sarili ko before. Well , I'm Abigail Montero , your sister-in-law and your made of honor" -sabi nya habang nakangiti. 

Napangiti nalang din ako. Montero din pala sya , bakit pa sya nagdoorbell ?

"So ? You must be Arthur's sister right ?" 

"Ahuh"

"Then bakit nagdoorbell ka pa ? Pwede naman ikaw pumasok na diba ?" -natawa na naman sya sa sinabi ko. May sayad ba 'tong babaeng 'to ?

SFP ♥Where stories live. Discover now