Chapter 11

4K 45 3
                                    

Chapter 11

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga nangyayari dito. Haha.

Pano ba naman , kahit anong lambing ni Elsa kay Sean , lalo lang 'tong kinukunot ang noo.

"Sir Sean , konting smile naman po jan. Kahit konti lang po oh. Please ? Masyado po bang mahal ang mga ngiti ? Magkano po at babayaran ko. Makita ko lang po ang napakagandang ngiting inyong tina-tangi tangi" -sabi ni Elsa habang pakumpas kumpas pa ng kamay sa ere. Tinalikuran naman ni Sean si Elsa habang kami ni manang tawa lang ng tawa sa tabi. hahaha

"Pwede ba ikaw na babae ka , umalis alis ka sa harap ko kung ayaw mong masama dito sa bine-blender ko. Tabi !" 

Lalo namang dumikit si Elsa kay Sean. 

"Sean ano ba , konting respeto naman sa babae. Maganda naman si Elsa ah. Magaling pa yang magluto tsaka maglinis ng bahay. Girlfriend figure talaga. Ayaw mo pa ?" -asar ko kay Sean. Tumango tango naman si Elsa tsaka nag beautiful eyes. 

Tiningnan ako ni Sean ng matalim.  "Ikaw na buntis ka tumigil ka jan ha. Tandaan mo , hinding hindi na ako babalik dito sa lungga nyo. At manang , mawalang galang na po , pwede po bang itapon nyo muna 'to sa basurahan kahit sandali lang ?"

"Sean ! Babae ya-"

"Wala akong pakielam. Anong gusto mo ? Paalisin 'tong babaeng 'to o magka milkshake ? Umayos ka" -banta nya sakin tsaka nya pinindot yung '0' sa blender para tumigil. 

"Ah ate sige okay lang. Aalis na po ako. Ba-bye po fafa Sean" -nag beautiful eyes pa si Elsa tas nag flying kiss bago umalis. 

Umismid naman lalo si Sean na nagpatawa samin ng bongga ni Manang.

"Sean ayaw mo ba talaga kay Elsa ? Maganda naman sya ah. Ang puti pa. MAtalino din yan , madaldal nga lang"

"Kahit ano pang sabihin mo, wala parin akong pakielam. Pwede ba, tigilan mo nga ako?"

"Eto naman nag jojoke lang. Pero Sean matanong ko lang , wala ka bang balak mag-asawa ?"

SFP ♥Where stories live. Discover now