Chapter 13

3.2K 49 3
                                    

Chapter 13

My God ! Ano bang dapat gawin dito ? Umiiyak parin ng walang katapusan 'tong si Steven. Nakaupo lang sya sa floor beside the couch. My couch naman kaylangan pang sa sahig mag nga-ngaw-ngaw. Bwisit ! Kung ano anong pag-suyo na yung ginawa ko, wala pa rin. Napatulog ko na nga yung kapatid nya , tapos sya umaatungal pa din. 

"Hey you ! Hindi mo ba talaga ititigil yang pag-iyak mo ? Gusto mong ipasok kita sa freezer ?" 

Lalo lang nilakasan ni Steven yung iyak nya. What the eff Arthur !

"Arth ano ba ? Lalo mo lang pinaiiyak eh. Mag luto ka na nga lang dun. Ako na bahala dito"

Hindi na sya nag dalawang isip. Naglakad agad papunta sa kitchen. 

fine ! Sabi ko nga. Mas gusto nyang mag luto kesa mag alaga ng bata. Tsss.

Nilapitan ko si Steven. Hinagod ko yung likod nya and wipe his tears.

"Steven, bakit ba umiiyak ka pa rin ? Ano bang gusto mo ?"

Sinagot na naman nya ako ng atungal nya. -_-

"Gusto mo, bili nalang kita ng bagong water gun?"

Iyak na naman. Bwisit !

"Gusto mong kumain ? what do you want ? Toy ? Shopping ? Sleep ? What ?"

Bumira na naman sya ng mas malakas pang iyak. My Ghadd !

Napapalo nalang ako ng palad sa noo ko. Ano ba talagang problema nito ? May pinag dadaanan ba 'to ? 

"Gusto mong tawagan ko si Mommy mo ?" 

Shoot ! Tumingin sya sakin tsaka nag punas ng luha. 

SFP ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon