Kabanata 7

13 0 0
                                    

Kabanata 7

That was indeed the best day of my life. Ikaw ba namang makasama ang taong gusto mo tapos ang sweet nya pa ahihihihi kilig di--- ANO BA NAMAN SABRINA TIGILAN MO YANG THOUGHTS MO. DI YAN MAKAKABUTI PARA SAYO.

2 weeks after nung araw na yun, di na ulit siya nagparamdam. Medyo inexpect ko na yun... knowing him? Ganun ata talaga ang relationship namin. Pero wala naman akong reklamo. Ano ka ba, meron akong gwapong kaibigan aayaw pa ba ako? Napakabait pa! Jusko, saya lang talaga kulang siya sa pananampalataya kay Lord. Ewan ko ba allergic sa simbahan, dasal, etc.

Anyways ayon, Monday na naman. Crap, I really hate Mondays. First, mas madami akong nakakaligtaan. Second, super stress talaga. Third, nakakatamad bumangon ng maaga for school. Tapos clearance pa namin ngayon. Nakakastress talagang maging class secretary sa panahong to! Kami kasing mga officers ang magpapapirma sa mga teachers at admin ng clearance ng buong klase. Ang dami pang may kulang! Kaya ayon, bungi-bungi ang clearance namin. STRESS!

Nandoon pa lang ako sa sasakyan ng may biglang nagtext.

Good morning Vini! Have a nice day! See you around! :)

Si James yan. Pero Clarence tawag ko sa kanya, arte kasi. Psh meron pa syang pet name para sa akin. Di talaga siya nakuntento sa pagtawag sakin ng Veronica eh no? Pero I kind of like his thing... being unique? EH SI ZANDER DIN NAMAN UNIQUE AH, DIBA ENENG---oh geez stop it mind. Can't you understand na you are in the process of unliking your 'kuya'? ugh hirap kalaban ang sarili, swear.

Eto ako ngayon naglalakad sa school grounds. Hays, muntik pa nga akong di papasukin nung guard kasi nadetect nung metal detector yung payong ko! Wtf lang hindi ko rin inasahan na tatagal ng ganyan ang inspection kasi ang alam ko, palaging ningas-cogon lang yang mga yan. Pero okay, mali ako.

Medyo maaga pa naman. Sa katunayan, medyo madilim pa dito sa school. Jusko, naalala ko yung mga ghost stories about dito na pinag-uusapan namin ng mga classmates ko nung elementary.... SCARY!!! Huhuh---

*kaluskusan sa bushes* (puteks sorry na di ko alam kung anong sound nun)

Napatigil ako sa paglalakad.

"S-sino yan?" sabi ko na halos nabubulol na!

*mas matinding kaluskos sa bushes*

Putek, medyo takot na ako. Tinakpan ko na lang ang tenga ko para wala akong marinig. Lumakad ako nang tuloy-tuloy. Literal na wag kang lilingon yung ginawa ko. Tapos after a while jusko nakarinig ako ng mga yabag. Bumibilis, lumalakas. Meaning malapit na siya sa akin. Tae, maiihi ako dito sa takot. Binilisan ko pa ang lakad ko. Pero nahahabol ako ng hinayupak. Tapos may biglang humawak sa balikat ko...

"Walang ya ka! Sino ka ba? Leche ka, leche ka!" paulit-ulit kong sinasabi habang hinahampas ko siya ng mga librong hawak ko pero nakapikit ako. Weird pero ganun ang ginawa ko, mahirap na.

"Ohh Sab! Uy! Aray! Masakit! Tigilan mo---" sabi nung hinahampas ko.

"The heck, kuya?!" minulat ko ang mga mata ko. Nyeta, sa lahat ng pwedeng manakot sa akin, siya pa. Why Lord why?

"NYAHAHAHAHAHAHA!" pigilan nyo ako hahambalusin ko talaga to! Psh asar na ako, nag-walk out na lang ako. Nakakabastos kasi.

*dramatic walk out*

"Hoy eneng! Hoy! Ano ba to? San ka pupunta? Teka lang, oy!" paghabol nya sa akin. Ang FC naman ata niya ngayon? Anong keber ang kailangan natin? Hays.

"Pupunta ako sa chapel! Ipagdadasal ko na sana maging mabait ka! Leshe ka!" sabi ko sa kanya tapos tumakbo na ako. May sinigaw siya pero di ko naman masyadong narinig, idc naman! ._.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not A ChanceWhere stories live. Discover now