Kabanata 2

28 0 0
                                    

Kabanata 2

"Gusto kita."

Ngayon lang ako naglakas-loob na sabihin ang nararamdaman ko sa kahit na sino. Hindi ko alam kung anong ipinakain sakin ng taong 'to at naisipan kong umamin sa kanya. Siguro malaking tulong na nakatalikod siya sakin ngayon kaya ako nakapagtapat.

"Seryoso?"

Pucha, akala niya biro 'to? Yung totoo? Kilala niya ako! What the!

"Oo." Awkward silence. Nakatungo lang ako, kasi sa totoo lang nahihiya ako sa ginawa ko. Pero, there's no turning back. Nasabi ko na. Ang nasabi ko ay nasabi ko na, hindi ko na yun makakain pabalik.

"Look, Sabrina----" may sasabihin sana siya kaso sa sobrang hiya ko sa kanya in-interrupt ko sya.

"Look, kuya you don't need to like me back. I can unlike you kung naiilang ka, sabihin mo lang." mabilis ang pagkakasabi ko nun. Daig ko pa ang isang rapist kung magpaliwanag.

Pero sa totoo lang, hindi ko sya kayang i-unlike. Yun ang pinakamasakit dun eh.

"Pero ikaw ang kawawa dito." mariin nyang sabi. Nakaharap na siya sakin ngayon, nakatungo to be exact.

"Kilala mo ako. Ang ayoko sa lahat, yung kinakaawaan ako." tinignan niya ako sa mata pero nag-iwas ako ng tingin. Sinubukan kong magmasid sa paligid. Nasa plaza kami ngayon at meron kaming mangilan-ngilang schoolmates na medyo pinagchichismisan kami. Sino ba namang di magbubulong bulungan eh ang pogi kaya ng kasama ko!

"Eneng, ayokong saktan ka. Baka yang simpleng like na yan maging..." Ganun ba ako katanga, sa tingin nya? Hindi no! Lechugas naman.

"Trust me kuya. I can handle this. You are my kuya. All you need to do is act like one." yun nalang ang sinabi ko pagkatapos nagmadali na akong umalis dun sa plaza. Ako si Sabrina Veronica, di kasali sa gawain ko ang pagpapahiya sa sarili.

Sa totoo lang, double meaning yung sinabi ko sa kanya. Si kuya Zander kasi, medyo maharot. Medyo pafall ganon. Chick boy daw sabi ng mga kaklase. For short, not my type. Pogi, sporty at matalino. Yun lang. Siguro alam nyo na kung bakit ko sya nagustuhan diba? Para sa mga slow...

*flashback*

Kalalabas ko lang ng library kasi tapos na yung Math Review ko. Alam kong 99.9% ang chance na makita ko sya. At ayun, saktong pagsakbit ko ng bag ko andun sya kasama yung classmate nyang malaki yung tenga.

Patay malisya nalang ako diba? So naglakad nalang ako kasi pagod na pagod yung utak ko sa pagsasagot ng kung ano anong problems. Medyo nagmamadali ako kasi gusto ko ng umidlip sa service. Tapos may tumawag bigla sakin.

"Eneng!" sino pa bang tatawag sakin ng ganun kung hindi si kuya? Liningon ko sila nung kaklase nya wearing my "what-do-you-want" face.

1 sec

2 sec

3 sec

"I love you." okay? Sabi ng utak ko. Shet. Sabi ng, ugh so baduy, puso ko.

"Tang na ka." yan nalang ang nasabi ko. Sumibangot sya. Alam kong nalungkot sya sa sinabi ko. Ang tino naman kasi ng sagot ko sa kanya. Hehe. Tumalikod na ako at nagdire-diretsong lumakad. Napapailing lang ako sa nangyari kanina. Hay.

*beep* Nang makarating ako sa service, may nagtext sakin.

From kuya

Bakit naman ganun ang sagot mo sakin?

Ewan ko ba pero natatawa talaga ako. Seryoso ba talaga sya dun? Mukhang tampo eh.

*beep* Leshe bilis magreply!

From kuya

Next time, di na kita lalambingin.

Ay putspa, seryoso. Chaka, lalambingin? More like lalandiin! Psh boys.

*end of flashback*

Isa lang yon sa mga dahilan at pagkakataon kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Marami pang iba, as in. No joke. Chaka sino ba naman ako para di magustuhan si kuya? Napaka-ipokrita ko naman!

*

Ang boring talaga ng English class. Paulit-ulit naman eh! Naituro na naman samin yan nung grade school! Enebe? First year high school na kami at parang puro review lang ang lahat ng lessons! Inaantok pa ako kasi katatapos lang ng recess namin. Kinulbit ko yung best friend ko slash seatmate. Si Yana.

"Labs, do you have your headset right there?" binigyan nya ako ng isang makahulugang ngiti. Kilala talaga ako nito. She handed me her headset.

Hi

Girl you just caught my eye

thought I should give it a try

and get your name & your number

go grab some lunch & eat some cucumbers

Why, did I say that?

I don't know why.

But you're smilin' & it's something' I like

on your face, yeah it suits you

girl we connect like we have bluetooth

At heto ako, halos naghe-headbang na sa sobrang antok habang nagsa-soundtrip.

I don't know why

I'm drawn to you

Could you be the other one so we'd equal two?

and this is all based on a lucky chance

that you would rather add then subtract

Ang cute talaga ng kantang to! Napapasabay ako eh. Hahaha.

You & I

could be like Sonny & Cher

honey & bears ooh

And You & I

could be like Aladdin & Jasmine

lets make it happen like

La La's

Patapos na ang kanta ng may kumulbit sakin. "Labs, Math time na." Nakahain yung kamay nya, sign na hinihingi na nya yung earphones nya. Hay, medyo bitin. Sa English class lang naman ako nagpapakabadass kasi common sense lang minsan ang kailangan. Iba kasi pag Math. Nabubuhay ang katawang lupa ko. Ang nerd pakinggan pero ganun talaga eh.

*

It has been a week since we talked, yung pagkakataong umamin ako. Hay. Ni ha ni ho wala. Nagkakasalubong kami sa hallway pero ni pagtaas ng kilay hindi nya magawa. Hindi nya ako tinetext! Eh wala namang rason para di sya magtext kasi di naman sya busy! Duh, graduating na sya at wala silang inaatupag kundi magmartsa at mag-bow.

Nakakairita. Nakakainis. Bakit nya ako iniiwasan? Naiilang ba sya? Ay nako!

Not A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon