Kabanata 4

29 1 0
                                    

Kabanata 4

"Ate, okay ka lang dyan?" tanong ng kapatid kong si Lester.

Nak ng, sa lahat naman ng makakarinig ng tili ko ang chismoso ko pang kapatid. Sabagay, magkalapit naman ang kwarto namin pero ugh, kairita lang.

"Wala, Lester! Matulog ka na nga!" pagtataboy ko sa kapatid ko.

Sino ba kasing hindi titili kapag nagtext na sa wakas yung taong matagal mo ng hinihintay magtext sayo? Pero di ko pa naman nakikita yung text... nakita ko lang na tinext nya ako. Hahahaha! Tapos mamaya group message lang 'to? Ay leche, sarap magpatiwakal. Lol no! Kidding aside, baka nga gm lang 'to? Punyeta. -.- So tinignan ko na.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA BULLSHIT!"

"Sabrina! Ang bibig mo! Gabing-gabi ang ingay-ingay mo tapos nagmumura ka pa!" sigaw ni Papa mula sa baba. Medyo nagmo-movie marathon ata sila ni Mama dun.

Hindi na ako sumagot kasi baka pasukin ako dito sa kwarto ko. Kung kanina para akong baliw na tumatawa, bigla nalang akong natulala. "Ang tanga tanga mo Sabrina." sabi ko sabay punas sa likidong umaagos mula sa mga mata ko.

Buti na lang, unlicall ako. Matatawagan ko yung mga kaibigan ko.

Dialling Yana...

"Hello labs? Bakit?"

"Wait lang tatawagan ko pa si Ayna, confe 'to."

Dialling Ayna...

"Hello?"

"Babes, ikaw na ba yan?"

"Yana? Teka akala ko si Sab yung tumawag?"

"Confe." sabi ko sabay singhot.

"Oh, bakit naman nagka-confe?" tanong ni Ayna.

"Onga, bakit nga ba?" sang-ayon ni Yana.

"Eh kasi..."

"Kasi??" sabay nilang sabi.

"Tinext ako ni kuya!"

"Oh, tinext ka pala bakit parang ayaw mo pa?" pang-aasar ni Bebe

"Nakakainis kasi!"

"Bakit nga? Anong nangyari? Teka, umiiyak ka ba?" si Yana yan.

"Isa-isa lang ah! Sandali, hahahaha!"

"Ay takte, nabaliw na. Akala ko umiiyak ka kanina?"

"Kayo kasi! Napaka!"

"Napaka ano?"

"Wala!"

"Eh bakit nga kasi umiiyak ang bobita naming kaibigan?"

"Ang harsh ha!"

"Bakit nga?"

"Tinext nya ako... nagtitili ako tapos yun pala gm lang. Tang ina umasa ako dun."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tinawanan nila ako over the phone. -__-

"Ang tanga mo dun Sabrina!"

"Mga gaga! Hahahaha, pasalamat kayo mahal ko kayo."

Medyo fail ako dun ah. Mabuti nalang andyan sina Yana at Ayna. Naalala ko noon nung kinuwento ko sa kanila na umamin na ako kay kuya Zander na gusto ko sya...

"Anong reaction?" tanong ni Yana na namimilog ang mata.

"Hindi ko alam?"

"Ha? Bakit?" Okay, si Ayna na yung nandidilat. Ay sorry, sadya palang malaki yung mata nya, hehe.

"Lagi ko kasing inuunahan sa pagsasalita tapos nag-walkout pa ako. Hehe."

"Tinamaan naman ng bagkat Sabrina! Yun na yun eh!" sabi ni Yana na parang hinayang na hinayang.

"Sorry naman."

"Sorry, sorry ka dyan. Eh pano na ngayon?"

"Ewan, no communication at all eh."

"Hayst, gaga forever. Pagsisihan mo yang hindi pag take ng oppurtunity." sabi sakin ni Ayna.

"At bakit naman aber?"

"Kasi ngayon kahit magpa-tumbling tumbling ka, iba na ang tingin nya sayo. Hindi ka na yung eneng nya kasi nga umamin ka na." sagot ni Ayna na parang nagti-trivia kasi naka-crossed arms pa.

"Ha? Anong connect?" pagtataka ko.

"Wala, gusto ko lang sabihin."

Binatukan ni Yana si Ayna. "Nasa katinuan ka ba? Hahahaha."

Hays, swerte ko sa mga 'to.

Kita nyo na? Pano kaya ako kung wala 'tong mga to? Siguro naging normal na tao ako eh no? Hahahaha joke lang. Pero seryoso, laking tulong na andyan sila palagi para sa akin.

*

*bzzzt bzzzt bzzzt bzzzt bzzzt bzzzt*

Ugh ang ingay! Kaya ayokong nag-aalarm eh. Leshe.

"Ala, late na naman ako!" yun nalang ang nasabi ko saka pumunta sa shower room para mag-wisik wisik. Hahaha joke. Syempre para maligo. Tae, lagi nalang akong late sa unang misa! Nyemas!

Hays, onga pala. Choir member ako dito sa parish namin. Hindi halata 'no? Sorry pooooo. Basta ayun, hay mapapagalitan na naman ako nung bakla naming organista. -___-

"Mi me ma mo mu..." pagvovocalize ko habang sakay sa tricycle. Rich kid ako eh, pwede namang mag-jeep pero naka-tricycle pa rin. Hahahahaha. Napa-face palm nalang ako. "Bakit kasi ako umiyak at nagpuyat kagabi, paos tuloy ako ngayon. Pano 'toooo."

No choice, sa tatlong misang "kinantahan" ko lahat yon nakisabay lang ako. Nakakaguilty. Huhuhu sorry po Lord.

*beep* *beep*

Tinignan ko kung sinong nagtext. Sigurado akong si James yung isa, at di ako nagkamali. Malimit ko na rin kasing katext tong makulit na to eh. Di ko nga lang masyadong inaasahan na yung isang text ay mula kay kuya Zander. Akala ko kasi FO (friendship over) na kami eh. Binuksan ko yung text niya para hindi ako mag-assume.

"Totoo ba talaga 'to?" tinampal ko ng konti ang sarili ko.

TOTOO NGA! Hindi na sya gm! Alam kong akin lang yun kasi andun yung endearment nya sakin.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko eh. Rereplyan ko ba o hindi?

Not A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon