Kabanata 6

33 0 0
                                    

Kabanata 6

"So class, ito yung magiging project nyo for this grading. Kailangan maipasa nyo to sa akin, kundi hindi ko maaaring pirmahan ang clearance nyo." sabi ng teacher namin sa Filipino na ewan ko ba kung bakit english ki english eh Filipino naman ang tinuturo nya.

Diniscuss nya lahat ng gagawin pero hindi ko nagawang makinig kasi sobrang sama ng lasa ko, as in. Salita sya ng salita sa unahan pero hindi ko naman maintindihan yung sinasabi nya kaya umubob na lang ako sa desk ko para hindi ako masyadong maaburido.

"Huh? Ma'am naman!"

"Hirap nung gawin!"

"Imposible!"

"Malapit na po kaya ang final exams!"

Medyo naririnig ko yung mga reaction ng mga kaklase ko. Parang nagrereklamo na ewan, hindi ko na lang masyadong pinansin kasi likas namang reklamador yang mga yan. Mapa-madali o mahirap na project. =____=

Sa mga pagrereklamong yon ng mga kaklase ko eh nagkaron ng isang malaking commotion sa klase na sobrang nakakairita.

"Si Sabrina po!" Tek, ano yun? Bakit nasangkot ako dyan!

"Onga, si Sabrina na lang." Ala, nananahimik na nga ako dito eh!

"Tama! Si Sabrina naman kasi ang pinakaresponsable at pinakamatalino dito sa atin." si Justine yon, dati kong naka-something. Pero duh, anong konek ko dun sa project diba?

"Weh, porket dati mong crush sya na kagad?" pambabara ni Kelvin, yung baklain pero di bakla na may abs na dati ko ding crush.

"Boom!" sabi nung mga lalaki kong kaklase tapos nagtawanan ang buong klase. Gusto ko sanang makitawa kaso hindi naman ako makarelate chaka di na kaya ng powers ko ano.

Sa kaingayan ng klase namin, hindi ko na halos marinig ang boses ng teacher namin. Kaya ko lang sinikap pakinggan kasi nga sinabi nya yung pangalan ko.

"Okay then, class. Si Sabrina Ledesma na ang magiging director para sa project nyo. Makikinig kayo sa kanya ah, para matapos kagad kayo." huh? anong sinasabi ni Ma'am na "kayo" at saka ako, director? Stress na naman ba ito? Oh noooooo.

"Ano po?!" medyo malakas ko sabi. Pero huli na ako. Umalis na pala si Ma'am at lunch break na. Pano na? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nagsialisan na yung mga kaklase ko para pumuntang cafeteria kasi nga lunch na. Medyo bothered pa rin ako kasi nga di ko alam yung gagawin ko. Jusko naman bakit ngayon pa ako sinamaan ng lasa di ko tuloy napakinggan lahat ng instructions.

Nakita kong papalapit sakin ang best friend kong si Alyana. Nakita nya ata ako kanina nung umubob ako kaya alam nyang di ko naintindihan ang tungkol sa project. Agad din naman akong nagbigay ng bes-pano-na-ito look.

"Class project. Short movie. Si Ginnie ang scriptwriter at ikaw ang director. Nag-assign din ng lima pang facilitator na makakatulong mo para matapos tayo kaagad." sabi nya sakin.

Literal akong napa-nga nga. Hindi ko talaga inaasaahan na ganun ang project ni Ma'am. Akala ko, simpleng drawing o painting lang eh. Tapos ako pa yung director. Nako, nako siguraduhin lang nilang makikinig sila sa akin kundi kukutusan ko sila isa-isa!

Teka, malapit na ang final exams ah? Kulang na kulang sa oras kung before exams ang submission nun. Huhu, stress overload.

"Ang pangit mo talaga labs pag nase-stress ka." sabay batok sakin. Ay leche, minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko talaga to. Hahaha.

"Che! Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko tapos ganyan ka pa! Konting moral support na naman dyan!" pagtataray ko sa kanya.

"Wag ka na kasing mastress liit. After finals pa naman daw ang submission nun kaya madami pa tayong oras para magshoot. Mag-usap na lang kayo mamaya ni Ginnie, para maayos nyo na ang lahat para sa shooting." sabi nya sakin.

Not A ChanceWhere stories live. Discover now