Kabanata 1

27 0 0
                                    

Kabanata 1

"Sabrinaaaa! Nandyan ka pa ba?" that's Maxine.

"Ang tagal mong maligo ah! Baka nilamon ka na ng bowl dyan!" Now it's Zahrah who's yelling.. chaka siya lang naman ang ganyan ka-kenkay sa kanilang tatlo.

"HAHAHAHAHAHA!" sabay-sabay silang tumawa. Ang saya saya nila 'no?

*beep*

Omg that's my phone! Sigurado akong si Zander yon!

Dali dali akong nagsuot ng bathrobe at nagpulupot ng towel sa buhok. Medyo nagmamadali ako at dahil nga may katangahan akong taglay, nadulas ako. And worse? Kita ng tatlong ipis!

"Tsk, iba na talaga pag nagmamahal! Okay lang na magdagasa makareply agad 'no?" natatawang sabi ni Kendra. "Nagsalita ang hindi inlove." pagtataray ko sa kanya.

"Ops! Bawal magtaray! Kahit ngayon lang please." sabi ni Maxine ng naka-praying position pa. Nakakaloko talaga ang mga kaibigan ko. "Akin na nga yang phone ko!" sabi ko sabay hablot ng cellphone ko kay Kendra.

At hindi ako nagkamali. Si Zander nga ang nagtext.

Good morning Eneng. Pano ba yan, huling araw ko na bilang kuya mo? Hahahaha. Sige, i-enjoy mo na ang huling araw ng pagiging Ledesma dahil mamaya Fuentez ka na. ;) See you later, love. :*

Kung wala 'tong tatlong ipis, nakatili na siguro ako ng sobrang lakas. Kaso, andyan sila so pa-smile smile nalang ako.

"Hoy babae, alam naming si Alexander ang nagtext! Nakakasura to, kilig na kilig." sabi ni Kendra sabay tawa na sobrang exaggerated.

Kinukulit nila ako kung ano daw yung tinext sakin ni Zander. "Pwede ba? Tantanan nyo nga ako!" Masyado pa akong kinikilig para magkwento. Chaka duh, naka-bathrobe lang ako. Kailangan kong magbihis no. Kaya ayon, pumasok ako sa maliit kong walk-in closet. "Humanda ka pag labas mo dyan Sabrina!" sabi ni Maxine. Paghahandaan ko naman talaga ang kakulitan nila.

Pagkalabas ko, hindi talaga ako tinigilan nung tatlo. Kaso masyado silang impatient! Kinuha nila sakin ang phone ko at sila na ang bumasa ng text ng future husband ko! Talk 'bout true friends, eh?

Good morning Eneng. Pano ba yan, huling araw ko na bilang kuya mo? Hahahaha. Sige, i-enjoy mo na ang huling araw ng pagiging Ledesma dahil mamaya Fuentez ka na. ;) See you later, love. :*

AAAAAAAHHHHHHH! Feeling ko pulang pula na ako kasi binasa nila nang malakas yung text ni Zander! Nakakahiya!

"Kaya pala naman kilig na kilig ang lola nyo.." sabi ni Kendra with matching nods pa. Nang-aasar siya. As usual.

"Ano ba! Tama na!" oo, kinikilig pa rin ako.

Tapos hinabol nila ako. Naghabulan kami sa kwarto kong may kalakihan. Akyat dito, talon doon, sulib dito, tago doon. Hanggang sa mahuli nila ako sa kama ko. Tapos niyakap nila ako. Ay grabe, para kaming mga hindi doktor kung magkulitan. Doktor kaming apat... hindi lang halata. Hindi talaga.

"Mamimiss ka namin Sab." seryosong sabi ni Zahrah. "Anong mamimiss? Eh araw-araw tayong magkasama sa ospital, niloloko nyo ba ako?" sagot ko ng medyo namimilosopo pa. Binatukan nga ako ni Maxine. Sadista talaga tong babaeng to.

"Syempre, palaging si Zander yung kasama mo kasi asawa mo na siya!" pagpapaliwanag ni Kendra. Pinitik ko sya sa tenga. "Aray naman! Bakit mo ako pinitik sa tenga?" angal niya.

"Bakit, nung nagpakasal ka ba kay Justin namiss ka ba namin? Nung naging asawa na ni Zahrah si Andrew, nagkalayo-layo ba tayo? Nung nangyari yung surprise wedding ni Carter kay Maxine, naging malungkot ba tayo? Diba hindi naman?" sagot ko.

"Baliw. Ikaw ang baby ng barkada." sabi ni Maxine.

"Uhhh, ang sweet." sabi ko.

"Wala na ring manggagatong samin kapag mag-kaaway kami ng mga asawa namin.." pang-aasar ni Kendra.

"Oo nga!" pag-sangayon ng dalawang ipis. -___-

"Wala na yung amazonang mananakot sa mga asawa natin.." malungkot na sabi ni Maxine.

"Mga gaga! Di ako mamamatay mag-aasawa lang!"

Tapos nagtawanan nalang kami. Hay, mahal na mahal nga nila ako.

*

Papunta na ako sa simbahan, kasama ko sina Mama at Papa sa kotse.

"Osige, Lester. Malapit-lapit na kami." binaba na ni Mama yung phone. Kausap nya ang kapatid kong nasa Nasugbu na. Oo, sa Caleruega kami ikakasal. Yun talaga ang gusto ko eh.

Binuksan ni Papa ang radio at saktong Samson ang kantang pinapatunog.

You are my sweetest downfall

I loved you first, I loved you first

Sinabayan ko sa pagkanta si Regina Spektor. May kalumaan na ang kantang yan eh, halos 20 years na siguro. Isa to sa mga pinakapaborito kong kanta eh.

Beneath the sheets of paper lies my truth

I have to go, I have to go

Your hair was long when we first met

Ang ganda talaga ng kantang 'to. Yan kasi talaga ang nararamdaman ko para kay Zander. Kahit na medyo ironic yung part na your hair was long when we first met kasi kalbo si Kuya nung makilala ko siya. Hahahaha, oo tama yun nga.

Natapos ang kanta. Narefresh ako at napasaya ako nung song.

Napangiti nalang ako.

"Anak, we're here." sabi ni Papa. Niyakap niya ako. "Mahal na mahal ka ng papa, anak."

Maiiyak na ata ako? Pinigilan ko. Tapos si Mama, umiiyak na. Yumakap ako kay Mama, nilambing ko sya. "Ma, ako pa rin ang ganda mo." sabay ngiti at kiss sa kanya. Bumaba na kami ng sasakyan.

Nagsimula ng mag-martsa ang entourage. Hay, nakakakaba. Jusko! Ito na talaga!

Something always brings me back to you.

It never takes too long.

No matter what I say or do

I'll still feel you here 'til the moment I'm gone.

Nagbukas ang pinto. Halos wala akong makita kasi naluluha-luha nako at may bobitang belo sa harap ko. Ang ganda nung kantaaa. Saktong sakto sa nararamadaman ko ngayon, at sa naramdaman ko noon.

You hold me without touch.

You keep me without chains.

I never wanted anything so much

Than to drown in your love and not feel your rain.

Naaalala ko yung sakit na naramdaman ko noon, yung paghihintay ko at lahat ng pagtitiis ko. Ito na yun. Akin na siya.

Pano nga ba kami nagsimula ni Zander? Ng kuya?

Ano nga ba kami 16 years ago?

Author's Note

Okay binago ko yung atake ng story. By the way, 2027 nga pala ang year sa first two chapters ng story na to. Mahalaga magbasa ng author's note ha! Tulad nito. Yung mga hindi nagbasa, edi bahala kayong maguluhan! Hahahaha. Sige, salamat sa pagbabasa. :)

Not A ChanceWhere stories live. Discover now