Kabanata 10
I wish
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Daniel at bakit niya naisipang bumisita sa bahay ng ganitong kaaga, pati sila Mommy ay naistorbo, Si Kuya nga ay tinignan pa ako ng nakakaloko ng bumababa ako ng hagdan na nakaayos.
"Wow ha.. Bakit bigla ka namang naging conscious sa sarili mo sis? Si Daniel lang naman yan."
Inirapan ko nalang siya. Ano nanaman kayang plano ng lalaking to?
"Alis na po kami Tito, Tita, Kuya Kev."
Tinignan ko si Mommy na nakangiti saakina t ang Daddy na naseryosong tumango kay Daniel.
"Daniel, Before mag 6 dapat nandito na si Kath."
Tumango si Daniel at lumabas na kami.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta."
Medyo naging mabaha ang biyahe namin ni Daniel. Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sakanya na seryosong nakitingin sa daan at nakangiti. Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya dahilan upang mapalingon siya saakin saglit at tinuon ulit ang atensyon sa daan.
"Anong iniisip mo?"
"Wala naman."
"Sigurado ka? Are you hungry?"
"Nope. Okay lang ako."
Tumango lamang ito.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na kami sa Tagaytay.
"Sky Ranch?"
"Yes. We'll date Honey."
Hindi ko maiwasang mag-blush dahil sa sinabi niya. Hindi parin talaga ako makapaniwala na kami na talaga.
Nangmaka pasok na kami sa loob ay sumalubong saakin ang lamig ng simoy ng hangin dito sa Tagytay, kaunti lang ang taong nandito. May napansin din kaming nagta-taping. At napag-alaman namin na sa Loko-moko-U yun.
Nakita ko ang Regular sized na Ferris wheel, na gustong-gusto kong sakyan pero ang sabi saakin ni Daniel, na we'll save the best for the last.
"Sa Anchor's Away muna tayo Daniel."
Halos tapos na naming sakyan lahat ng rides maliban sa Mini Roller coaster nila at ang Ferris Wheel.
"Sa Roller Coaster na tayo!! Yipiiie"
BINABASA MO ANG
I Do Cherish You. (Currently Editing)
Teen FictionNagmahal lang naman ako, pero bakit ang sakit? Sana inaya nalang niya ako ng Suntukan kung sasaktan lang niya ako. Ang dating pinaniniwalaan kong "Walang Hanggan" naging "Hanggang dito nalang." - Kath San Miguel