Kabanata 5.

1.6K 39 3
                                    

Kabanata 5.

Hot

                    

         Tamad kong pinatay ang alarm ko, at agad na bumangon sa higaan ko. 7:00 am ang klase ko at 5:30 na ng umaga. Humikab pa ako ng ilang beses habang nag uunat ng mapagdesisyonan ko ng ayusin ang sarili ko

"Good morning Manang." 

               

                Nakaita ko na inaayos na niya ang Breakfast sa lamesa.

"Good morning din Hija, Ang aga mo yata ngayon?"

"Hindi naman po masyado, si Kuya Kevin po?"

                  

                Sinimulan ko ng kainin ang Bacon at Fried rice na nakahain sa mesa, nang makita ko ang Kuya ko na pababa .. at hindi siya nag-iisa may kasama siyang babae na ngayon ko lang nakita. Naningkit ang mata ko... Bago nanaman Girlfriend ni Kuya? Nanaman? Playboy talaga. 

"Good morning Princess." sabi nito sabay halik sa noo ko.

"Morning."

                Tinignan niya ako ng pagtataka atsaka dun niya lang napansin na hindi niya pa napapakilala yung babae. Pero te-ka.. parang nakita ko na ito ha.. somewhere pero nakalimutan ko kung saan. 

"This is Aria, Kath.. Babe, kapatid ko si Kath."

                     Familiar talaga but then siguro napaka-common lang ng name na yan. Nginitian ko siya at ganun din ang binigay niya. Mukha namang mabait siya. Hindi hindi siya bagay sa Kuya ko.

                Dahil alam ko at the end of the Day eh, sasaktan din siya nito at iiwan. Yeah alam ko na ang mga ganyang galawan. Playboy. 

                Matapos ko kumaen ay agad na akong umalis papasok sa school, hindi na din ako nagpahatid sa Kuya ko dahil mas Trip ko ngayon magbike papuntang school. 

                Nang makalabas na ako ay nagulat naman akong lumabas din si Daniel. Agad naman akong kinabahan na nairita. 

                Nakita ko nanaman ang kanyang nakakaasar na ngisi. Inirapan ko nalang ito at saka sumakay na sa Bike ko. Maganda magbike ngayon kasi hindi pa masakit sa balat ang araw. 

                Nangmalapit na ako sa School ay nagulat ako ng may isang SUV na humarang sa tapat ko. Nanliit ang mata ko ng makita ang pamilyar na SUV na alam ko na kung sino ang may ari. 

                Padabog kong binaba ang bike ko sa Parking nun at dumiretso na sa loob ng Campus. Ngunit sinusundan padin ako ng Kotse na ito. Naiirita ako. Naaasar ako dahil alam kong wala nanamang magawa ang siraulong Daniel na to. 

                Binaba niya yung bintana ng sasakyan niya. Napataas ang kilay ko ng makitang nakashades ito at ngumisi nanaman ng nakakairita. Nayayabangan talaga ako sakanya. Tama lang na hindi ko na tinuloy ang pagkaka-crush ko sakanya. Nakakaasar. 

I Do Cherish You. (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon