Kabanata 1.

2.5K 51 14
                                    

 Kabanata 1. 

Classmate.

Halos masilaw ako sa sinag ng araw na tumambad sa mukha ko.. napansin ko naman ang isang pigura ng babae na tinataas ng dahan-dahan ang kurtina ng kwarto ko.

"Daniel, bumangon kana at baka mahuli ka sa klase mo. Anjan na si Diego sa baba." 

Nag-inat inat muna ako ng bahagya bago naisipan ng bumangon ng lumabas na si Mommy ng kwarto ko. Tinignan ko ang kalendaryo.

June 16, 2012. First Day of my Senior Year. 

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo at agad inayos ang sarili ko. 

"Good morning Maggie.. Carmela .. " sabi ko pagkababa ko ng hagdanan at agad naman napakunot ang noo ko ng makita kong nakaupo na si Diego sa lamesa at nilalantakan ang Fried rice with bacon, tinaasan ko siya ng kilay at umupo sa harapan niya. 

"Ayos pare ah.. Dito ka nanaman naki almusal." 

"Hahaha eh Bro masanay kana.. hindi naman ako iba.. atsaka ang sarap ng luto ni Tita eh."

At ngumiti ito ng nakakaloko kay Mommy. 

"Naku, At nang-uuto ka pa Hijo, hala sige kumaen na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase." 

Si Diego Loyzaga, ang aking Matalik na kaibigan, simula pa noong 5 years old pa ako. Halos lahat ng kalokohan nagkakasundo kami, kasama ko siya hanggang sa nakilala ko ang Barkada. Sina Julia, Kiray , Ej at Niel. 

Nang matapos na kaming kumaen ay agad naman kaming sumakay sa kotse na maghahatid saamin sa School. Actually, marunong naman akong mag drive eh, kaso ayaw pa pumayag ni Mommy, dahil daw baka mapahamak ako. Tss. Wala talaga silang tiwala saakin. 

Unang sumakay si Diego sa back seat.. nang ako na ang papasok ay may nakita akong isang babaeng nakauniform kaparehas ng sa school namin at lumabas ito sa katapat na bahay namin. Teka? Bakit ngayon ko lang siya nakita? 

Kinuha nito ang kanyang bike at halos parang tumigil ang mundo ko ng makita ko itong ngumiti sa isa sa mga katulong nila.

"Bye Manang, I'll go ahead na po!" paalam nito. 

Pakshet! Nasa langit na ba ako? Totoo ba tong nakikita ko? Isang anghel na hinulog sa lupa? 

"Hoy! Daniel! Ano tatayo ka nalang ba jan? Hindi ka na papasok?" 

Nagulat naman ako ng bigla akong sinigawan ni Diego at agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. 

Napakamot ako sa ulo at hindi parin mawala sa isip ko ang babaeng yun.. 

Nakarating na kami sa School at unang tumambad saakin ang naghaharutang mga tropa ko. Napailing ako ng makita kong si Neil na mukhang nangti-trip nanaman. Tsk kay Aga-aga.

"Tae talaga tong si Neil! Yakapin ba naman si Miss Gonzalo?! Akala niya single eh, nayari nung andun pala yung Boyfriend sa likod niya." Malakas na sigaw ni EJ na halos hindi na matuloy ang kwento sa kakatawa. 

Nang makita naman nila ako ay agad nila akong kinawayan at lumapit naman kami ni Diego sa kanila. Inakbayan ni Diego si Julia na kanyang nobya.. at nagsimula na kaming maglakad papuntang Classroom namin, Hindi kami magkakaklase, sina Neil, Kiray at EJ ay IV-B samantalang Ako, si Diego at Julia naman ay IV-A.

Nang papasok na kami ng kanya-kanyang classroom ay may nahagip akong isang babae na pinaparada ang kanyang dalang bike sa parking lot. Napangiti ako ng makita ko itong sumimangot dahil halata mong nagmamadali ito ngunit nahulog ulit ang bike niya.. lalapitan ko sana siya para tulungan ngunit tinawag na ako ni Diego.

Same old rituals, every first day of school.. Pakilala sa buong klase kahit pa kilala mo na ang halos lahat dito. Swerte lang namin dahil si Miss Gonzalo ang aming adviser. Mabait ito at isa sa mga paborito ng barkada. 

Natapos na sa pagpapakilala ang lahat ng biglang pumasok si Mr. Santos na principal nitong school at may kasama siyang babae. 

"Yes po Mr. Principal?" mahinhin na sabi ni Miss Gonzalo at halatado mo na nagpapacute si Mr. Santos dito dahil biglang lumambot ang awra nitong suplado. 

"Miss Gonzalo, may new Transfer student po tayo.. Naligaw siya kaya nalate siya ng pasok.. tara dito Hija." 

Halos manlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang pumasok. Yung Babaeng nakita ko sa tapat ng bahay kanina. 

"Oh.. Okay, May I know your name Hija?" 

Tumango ito at ngumiti sa buong klase. Narinig ko ang bulong bulungan ng mga kaklase kong lalaki.. maging si Diego na agad naman binatukan ni Julia. 

"Hi Everyone, I'm Kathryn San Miguel. 16 years old. Sana maging magkaibigan tayong lahat." 

Mahinhin na sabi nito at muling ngumiti sa lahat. 

Nakakabakla pero nakakalusaw ang kanyang mga ngiti. 

Napakaliit naman talaga ng mundo.. kapitbahay ko na to, tapos Classmate ko pa. 

Wow. Just Wow. 

I Do Cherish You. (Currently Editing)Where stories live. Discover now