Kabanata 3.

1.7K 37 17
                                    

 Kabanata 3.

 Hangga't maaari

"Kath, Ano sino kasabay mo umuwi?" Napalingon ako sa nagtanong na si Julia na medyo nahihiya pa penge nakangiti ito saakin. 

Kasalukuyang nandito kami sa Grandstand kung saan malaya kong nakikita ang kagandahan ng aming paaralan, nakikita ko rin dito ang varsity ng football na kasalukuyang nagkakaroon ng try-out na sinalihan naman nina Neil, EJ at Diego. Si Daniel naman ay kasali na sa Team. 

Napaisip ako, paano napagsasabay ni Daniel ang pagbabanda, pag lalaro ng Football at ang pag-aaral. Nakakapagtaka. 

Tinitigan ko muli ito.. Nakikita ko itong seryosong nakatingin sa mga nagta-try out at nakahawak ito sakanyang labi. Hindi ko maiwasang mamangha sakanyang kagwapuhan na talaga namang makalalag P. Panga.

Nagulat naman ako at biglang napaiwas ng tingin sakanya ng nakita kong bumaling ang atensyon niya sa kinaroroonan namin, nakita ko ang pagkunot ng noo nito at pagtaas ng kanyang gilid na labi. Kinabahan ako at agad kong binaling ang buong sistema ko kina Kiray at Julia na ngayon ay busy sa paglalagay ng kung ano-ano sakanilang mukha. 

"Oh? Gusto mo din? Nakakatampo ka naman eh, tinatanong kita kanina pero di mo ako sinagot? Okay lang ba?" 

"Hindi ako nagme make-up hehehe."

Awkward kong sabi sakanilang dalawa. Nagkatinginan naman ito at lumapit saakin. Medyo malayo ang pwesto nila kanina ni Kiray nasa likuran ko sila samantalang ako naman ay nasa harapan at mag-isa lang. Isang linggo palang ang nakakalipas simula ng First day, and so far maganda naman ang pakikitungo nila saakin.  Umupo si Kiray sa left side ko at si Julia naman sa RIght side ko. Halos nagulat ako sa mga kilos nila.

"Alam mo, kaya ang ganda ganda mo kasi napaka simple mo, hindi mo na kailangan mag-make up para lang mas lalong lumabas yung beauty mo, napaka natural." naka pout na sambit ni Kiray habang titig na titig sa aking mukha. 

Te-teka ang awkward naman nito.

"Pero, You should try putting some, yung simple lang.. hindi masyadong hard. Para lang magkaroon ng Style yung itsura mo.. mas lalo kang gaganda.. " masiglang sabi nito. Tumango naman ako

"S-Siguro, next time.. mag lalagay ako.. not now baka magalit si Mommy, they won't allow me." 

Tumango tango naman silang dalawa, At bumalik na sakanilang ginagawa. Makalipas ang minutong katahimikan ay biglang simigaw si Kiray.

"OMG! GO DANIEL! WHOOOOOOOOO!"

Napatingin naman ako sa Field at nakikita ko na naglalaro siya. Seryoso ang mukha nito habang tumatakbo kasama ng bola. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakaka intimidate ang dating niya. 

"Ganyan ba talaga siya?"

Parang wala kong tanong habang pinagmamasdan si Daniel na naglalaro. 

I Do Cherish You. (Currently Editing)Where stories live. Discover now