Chapter 20

2.7K 30 3
                                    

Chapter 20

Eto na yung day na darating ang mga parents ni DJ pero syempre mamaya pa yun. Papasok muna ako sa school. Excited ako masyado eh. >.<

Kasabay ko si Julia habang naglalakad. Nandito na kami sa tapat nang gate eh! Kaso nakita naming si DJ may kasamang babae. Nasa isang sulok sila. Maaga pa lang naman kasi eh! Kaya konti pa lang yung mga estudyante. Naghahalikan sila nung babae. Tch. Babaero talaga. Pero parang may iba sa puso ko eh! Kahit hindi totoong kami parang gusto kong magalit sa kanya. Kasi ano na lang ang sasabihin nang mga tao? Kung may kahalikang ibang babae ang Boyfriend ko pero kami pa ni Daniel. Haay Daniel, kalian ka kaya magbabago.

Iba talaga pakiramdam ko eh! Parang may tumusok sa puso ko.

“Bes diba si DJ yun? Bakit kahalikan nya yung ibang babae. Eh diba kayo?”

Tiningnan ko lang si Julz. Tiningnan ko sya nang malungkot.

“Hayaan mo na sya.”

“Pero—“

“Hindi naman tunay na kami eh!”

Tiningnan ko ulit si Daniel pero pagkatingin ko nakita nya ako.

Gusto ko nang umalis dito.

“Julz tara na.”

“Sige, bahala ka.”

Umalis na kami pero nakakailang step palang kami may pumigil na sa akin.

“Bitiwan mo nga ako Daniel.”

OO. si Daniel. Tch. Tumigil pa sya doon sa babaeng yun. Eh! Mukhang sarap na sarap nga sya eh.

“Usap muna tayo, *Tingin kay Julia* pwede ko muna bang hiramin tong si Kath?”

“Hmm~hmmm. Sige. Tutal usapan nyo yang magsyota. Sige bes bye.”

“Teka lang bessssssss.”

“Sige na.”

Umalis na si Julia. Tch. Magaling na Bestfriend.

“Ano ba Daniel? Bitiwan mo nga ako saan mo ba ako dadalhin?”

“Sumunod ka na lang.”

Wala na akong nagawa.

Kinaladkad nya ako papuntan sa garden nang school.

“Oh~ ano naman ang gagawin natin dito?”

“Kath, sorry.”

“Para saan?”

“Y-yung kanina.”

“Tch. Ayos lang naman sa akin eh! Alam ko naming hindi totoong tayo na. So bakit ako magagalit?”

“Kahit na. Girlfriend pa rin kita. Yung kanina isipin mo na lang wala kang nakita.”

“Playboy ka kasi eh!”

“Sorry talaga huh?”

“Wag ka na nang mag sorry. Okay?”

Nagnod lang sya. Umalis na ako. Pumunta na akong room.

Sakto pagdating ko sumunod naman si ma’am.

Blah.

Blah.

That Famous GUY?!Where stories live. Discover now