Chapter 14

2.6K 39 5
                                    

Thank you talaga Ruby-ann Soberano. Dahil sa'yo mag-uupdate ako kahit konti palang reads ko sa chapter 13

Shane <3

_____________________________________________________________________

Chapter 14

Binuhat ko na lang si Kath papunta sa loob ng bahay nila.

Dingdong.

Dingdong.

Dingdong.

Nakailang Doorbell na ako. Pero walang taong lumalabas.

Aish. Anong gagawin ko? Iwan ko na lang kaya tong babaeng to.

Ambigat. =_=

Wala na akong magagawa. Sa bahay na lang uli. =_=

Psh. Sinakay ko sya sa kotse.

Pasalamat ka Kath kahit papano mabait din ako.

Di nga?

Ugh. Salamat naman at nalagay ko na sya sa kotse. Ambigat eh! Nangalay yung kamay ko.

Pinunta ko na sya sa bahay.

Nakita ko si Roanna.

Kapatid ko.

“Kuya sino yan?”

Kaya wala kanina si Roanna dahil nasa party. Psh. Di mapagsabihan na may Dinner. Makulit yan eh! =_=

“Si Kathryn.”

“Yan ba yung sinasabi mong Girlfriend mo?”

“A-ah oo.”

“Bakit buhat mo sya?”

“Nakatulog sa kotse ko eh!”

“Saan mo sya dadalhin?”

“Sa kwarto ko.”

“MA!”

Bakit naman kaya nya tinawag si mommy.

Nakita ko si mommy bumaba.

“Bakit Roanna?”

“Si Kuya kasi eh. Yung Girlfriend nya dadalhin sa kwarto nya.”

Putek yan. =_=

“Daniel?”

“Ma kasi nakatulog sya sa kotse ko habang hinahatid ko sya.”

“Pede mo naman sya ipasok sa kwarto nya at umuwi ka ah!”

“Eh walang tao sa bahay nila eh!”

“Sige ditto sya matutulog. Pero.”

“Pero?”

“Dito ka sa sofa.”

Umakyat na si mommy sa taas.

“Malamang” Bulong ko.

“Kuya, anong pangalan nya?”

“Kathryn.”

“Wow. Ang ganda nya na nga ang ganda pa ng pangalan nya at ikaw? Psh. Di bagay sa kanya.”

Binelatan nya ako.

Psh.  Ako di bagay kay Kath sa gwapo kong to. Tch sya nga ang di bagay sa akin eh! Ampangit talaga ng taste nito ni Roanna. >.<

Aish. Buhat ko pa pala to si Kath. Nangangalay na ako. Inakyat ko na sya at hiniga sa kama ko.

Haay. Salamat naman at nababa ko na tong babaeng to.

Ay Gown pa pala yung suot nya.

Hinubad ko muna yung….

(Oy wag kayong magisip na iba hinubad ko.)

Sapatos nya.

Wala syang uniform para bukas.

Maya-maya punta ulit ako sa bahay nila.

Ay hindi. Hihiram na lang ako kay Roanna. Doon din naman sya nag-aaral eh!

Lumabas na ako. Nakita ko si Roanna , nasa couch. Umupo ako sa tabi nya.

“Roanna. Pwede mo bang pahiramin si ate Kath mo ng uniform.”

Kailangan kong maging sweet para pahiramin nya ako. >.<

“Kiss mo muna paa ko.” Sabi ko na nga ba eh! Ganyan yan si Roanna eh. “Joke.” ^_^\/

“Sige kuya. Basta para kay ate Kath. Wag lang sa’yo. Ble.”

“O sige na kumuha ka na ng uniform. Bilis. Satsat pa ng satsat eh.”

“Eto na excited?”

“Ah wait.”

“Anything kuya?”

“Kumuha ka na rin ng pajama at palitan mo si ate Kath mo.”

“Sure. Why not?”

“Tch. English-english ka pa eh.”

“Hehe” ^_^\/

Umakyat na si Roanna.

After a minutes.

“Kuya oh.”

Binigay nya sa akin yung uniform.

“Papalitan ko lang yung damit ni ate Kath.”

“Sige sana makaya mo sya.”

“Bakit mabigat ba sya?”

“Sinabi mo pa.”

“Girlfriend mo yun dapat magtiis ka.” Nag-pout sya.

“Tch. Parang may experience ka na ah!”

Nagpout ulit sya at pumunta na sa kwarto ko.

Siguro naman kasya to kay Kath.

(Tinutukoy ni Daniel yung uniform ni Roanna.)

That Famous GUY?!Where stories live. Discover now