Chapter 1

7.2K 79 9
                                    

Hey! Guys! Dedicated nga pala sa kanya kasi ang ganda ng story nya His Personal Slave Book 1 & 2 Basahin nyo.

Click the external link to see my other story. I Broke Her Hear is the title. Complete na po sya. -Shane

Chapter 1

Kathryn's POV

"Ang gwapo nya talaga. To the highest level, bes e!" Julia said dreamingly.

Habang naglalakad e, nakatingala pa sya sa langit at mukhang pinapangarap na naman yung Diego nya. Yung kaibigan ni Dora. -_-

"Nakakarindi ka na, alam mo ba yun? Araw-araw, minu-minuto, bukang-bibig mo yang lalaki na yan." Inunahan ko na sya sa paglalakad at inirapan pa. Pero wapakels pa rin sya at mukhang hindi pa ko narinig.

Tinitigan ko lang sya habang mabagal na naglalakad. Hindi nya ba alam na may pasok pa kami? At baka ma-late kami sa ginagawa nya? Naku! Ito talagang babaeng to.

Adik na adik talaga to kay Diego. Tsk. Pinuntahan ko na sya at hinatak. Ang tagal e!

"May oras ka pa para magday dream. At hindi yun ngayon kaya bilisan mo na at male-la---ARAAAY!"

Napasalampak ang puwet ko sa kalsada. Shet na yan. Ang sakit. Full force ko ba namang hatakin tong babae to. Tapos sya namang hila rin. E sadyang chubby sya at ako'y patpatin lamang at walang laban sa kanya, kaya ayun, pagkabagsak ang naabot ko.

"Bes ayos ka lang?" Binatukan ko nga.

"Tangi ka ba? Um-aray nga diba ayus ka lang? Edi malamang masakit. May uma-aray ba na masaya?"

Minsan talaga kailangan ko na syang paalalahanan na dalhin yung common sense nya at huwag iwan sa bahay nila. Ang ewan kausap e!

Nagulat ako kasi may nakita akong kamay sa harapan ko.

"Miss, tulungan na kita." Sino ba to? Nakita ko yung kotse nya. WOW. Bumaba pa talaga sya para tulungan ako ha? GENTLEMAN!

"Omooo! Ang pogi mo talaga!" Ha? Kilala ni Julz to?

"Hehe! Miss nangangalay na ko oh?!" Ay tongiks ka talaga Kath! 

Inabot ko na lang kamay nya at inalalayan nya ko.

"Teka bes kilala mo sya?" Naalala ko kasi sinabi nya kanina. Hmmm. Kaano-ano kaya ni bes to? Pogi nga sya ah! 

"Haaay. Nako bes! Wala ka talagang kaalam-alam sa mundo sya lang naman ang 2nd hearttrob sa school natin si Diego. Ampogi mo. Gentleman pa!"

"Ah! Nice meeting you Diego. Kathryn Bernardo nga pala."

Inilahad ko yung kamay ko at kinuha naman nya't nakipag-shakehands. Tarush! Mas malambot pa kamay nya kaysa sa akin. Bakla siguro 'to. BWAHAHA!

"Nice meeting you too!"

"Hi! I'm Julia Santos." Sya namang singit ni Julia na kanina'y nasa likod ko lang ngayon e, parang mushroom na sumulpot sa tabi ko. Pagkatapos makipagshake-hands e, walang pakundangan na inamoy ang sariling kamay. At parang bulateng kinikilig.

"Nice meeting you. . . Hmmm, hatid ko na kayo?"

"Ako, payag ako dyan. Eh si Bes?" Sabay tingin sakin.

"H-ha? Ako? hmmm. Sige. Kasama na rin  naman si bes. Ayoko maglakad mag-isa no!" Oo! Ayoko talaga.

Nakakahiya naman ihahatid nya pa kami tinulungan  na nya nga ako eh! >.<

"O sige tara na!" Sa likod ako. Syempre sa harap si Bessy katabi si Diego. Adik talaga! Hahahaha!

Nung nakarating na kami sa school. Syempre bumaba na ako. Pero nung bumaba si Diego. Grabe! Sigawan ang girls. Pero samin nanlilisik ang mga mata nila!

"Ahh! Diego salamat sa paghatid. Bye!" Nagwave at ngumiti na ko sa kanya. Ganun di naman sya. Hinila ko na si Bes.

"Bes Grabe! Ang gwapo nya. Swerte natin nakasakay tayo sa kotse nya. Gentleman pa!"

Nang makapasok kami sa room e syempre, tsismisan ang maririnig.

"Guys! nakita nyo ba kanina yung kasama ni Diego my Love? Dalawang babae eh! Sino kaya yun noh?!"

"Siguro pinilit lang nila si Diego my love na isabay sila"

"Tama!.."

Aba talaga lang ha! Eh si Diego nga nag aya na sumakay kami eh! Kapal ng mukha! At bakit ang bilis kumalat ng balita?! Anong meron? Ang laking big deal namannaman nun. Tssk. Mga kupal!

That Famous GUY?!Where stories live. Discover now