Chapter 2

4.9K 64 4
                                    

Dedicated nga pala sa kanya kasi ang ganda ng story nyang I fell Inlove With Simsimi :))

Aabangan ko talaga yan :)) -Shane

Chapter 2

"Okay, Class magpakilala na kayo sa harapan. Isa-isa. Your First Mr. Rivero."

Teka bakit ang daming nagsisigawan? Sino ba yan? Sikat ba yan?

"Hi! I'm Daniel Rivero" Ngumiti ito at inayos pa ang buhok na sobrang gulo-gulo. Hindi ko alam kung saan patungo yung ibang strands.

"Kyaaaaaaaaaaaa~!"

WOW. Ang dami talaga nyang fans sino ba kasi to? Tambay sa kanto? Anak ng presidente ng Pilipinas?

"Gwapo, matalino, mayaman, talented. Just don't piss me off and we're fine." Sabay smirk pa at nag lakad na papunta sa likod ko.

Hindi naman sa tutol ako sa pagkaka-describe nya sa sarili nya, pero pwede namang magpaka-humble diba? Hindi man lang nagpaawat sa pag bubuhat ng sariling bangko. Tapos isa pa tong mga kaklase kong nangingisay na yata. Oo, alam ko gwapo sya. At for sure e, sikat. Pero sana, wag naman yung exaggerated diba?

Uso kumalma.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa maka-upo sya. Tumingin sya sa akin at. . .

"Oh! Bakit naka-nganga ka dyan? Pogi ko no?" Ay ang yabang naman talaga, oo.

WAIT. NAKANGANGA? Hala! Nakakahiya nakanganga pala ako... 

"A-ah hindi ah! Yabang mo!"

"Eh! Ba't nakatingin ka?"

"Masama?"

"Oo. Natutunaw kasi ako sa titig mo eh!" Sabay kindat... 

Yabang Talaga. Badtripp..

"Ugh." Humarap na lang ako sa aisle kaysa aksayahin ang oras sa pakikipag-usap sa lalaking 'to. Antipatiko!

Yung ibang classmates ko naman yung nagpakilala and then tinawag na ko. Ang walang katapusang pagpapakilala.

"Okay, your turn Ms. Bernardo" Pumunta na ko sa harap..

"Hi! I'm Kathryn Bernardo." Yun lang sinabi ko. Nakakahiya kasi. I'm shy, 'ya know.

 Pabalik na ko sa seat ko pero may narinig ako.

Boy1: Pre ang ganda nya.

Boy2: Oo nga. Pwede kaya syang ligawan?

Ha? Ako ba pinag-uusapan nila? Ako maganda? Ay, ang haba ng hair ng lola nyo. Tulungan nyo nga akong suklayin. HAHA!

Pero meron pa kong narinig na kinatakot ko!

Girl1: Diba yan yung girl na bumaba galing sa kotse ni Diego my loves.

Girl2: Oo nga. Tapos yung katabi nya yun pa yung isa.

Hala patay! Namukhaan nila ako. Teka nga, bakit ba parang ang lakas ng pandinig ko ngayon. At ano bang paki nila kung isakay kami ni Diego sa kotse nya? Kotse ba nila? Nung nakaupo na ko, si Julz naman.

"Hi! I'm Julia Santos. Fan ako ni Diego." May narinig nanaman ako.

"Kaya pala eh! Fan pala Sya ni Diego."

"Kaya pala masyado syang desperado kay Diego"

Nakakairita na ha! Masyado namang Tsismosa Mga classmates ko >..<

Eto naman kasi tong si Julz ba't pa sinabing fan sya ni Diego!!!! Ano, kailangan i-broadcast? Minsan talaga ang sarap batukan ng babaeng to e.

***

Habang naglalakad papunta sa canteen e, nakwento sa akin ni Julz na sikat daw talaga si Daniel. Mas sikat pa raw sa Diego 'nya'. Hindi na ako tumutol kasi kawawa naman, libre na nga lang mangarap pipigilan ko pa.

Nabanggit nya rin na anak sya ng may-ari ng school na to kaya nakadagdag sa kasikatan nya. E kung anak ako ng janitor sa school na 'to, sisikat din ba ko? Gulo talaga ng mga tao ngayon.

Anong mapapala nila kung anak ang lalaking yun ng may-ari ng school? Estudyante lang din sya, es-tu-dyan-te! Dapat walang favoritism.

"Naku, bes. Mukhang swerte ang school year natin ngayon ah. Kilala na tayo ni Diego, tapos kaklase pa natin si Daniel! Ayos!" Mahina pa syang pumapalakpak habang nasa pilahan.

"Anong swerte run? Nakakilala lang tayo ng ordinaryong tao. Bakit, alien ba sila?" I rolled my eyes heavenwards.

"Ano ka ba? May chance na tayong maging ka-close sila. Diba, masaya yun?" Pagkukumbinsi nya sa akin.

Sinabi na namin yung bibilhin namin ng makalapit na kami sa counter. Hindi ko talaga gets. Hindi naman to math para sumakit ang ulo ko at para hindi ko maintindihan pero bakit parang mas mahirap pa yata to sa algebra?

Kahit anong oras pwede akong makakilala ng mas gwapo, mas mayaman, at mas may galang na lalaki kaysa sa dalawang lalaking yun na pinagkakaguluhan, diba?

"Ewan ko sa'yo, bes." Dala-dala ko na ang tray at nakatingin pa kay Julia at patingin na sana sa dinadaanan ko ng biglang may mabangga ako.

That Famous GUY?!Where stories live. Discover now