Dear ASHRY (28)

209 4 1
                                    

August 18 (Saturday)

Dear Ashry,

hi Ash..

pinapahinga ko na muna si Author.

Kahit di ako nakakakita, nakakasulat pa naman ako.

Oo, nanghihina ako, kaya dahan dahan lang ang pag sulat ko ngayon.

Wala nang masyadong magandang nangyayari sa buhay ko.

Except that, sobrang nanghihina na talaga ako.

Hindi na ako magtatagal.

Ash,

Mamimiss kita.

Mamimiss ko si Umma, Appa, Kuya Ajaron, Kuya Albert, Shane, Kevin, Andrew,Andrea,Zakia at si Author.

Naks. nakikisali si Author.

Ash, mahal na mahal ko sila. hindi ko alam ang magiging reaction nila kung sakaling paggising nila bukas wala na ako.

Pero Ash. Gagawin ko ang lahat para magising pa ako bukas.

Gagawin ko.

Gusto kong makapag paalam sakanila kahit konting oras lang.

Kasama ko kanina si Shane, I told her na itext buong family ko.Papuntahin dito sa room ko bukas ng umaga. Pati na rin sina Andrew, Andrea at Zakia.

Ganito ba talaga ang nangyayari Ash?

Malalaman mo kayang mamamatay ka na?

Ako kasi, feeling ko. di na talaga ako magtatagal. wala na. oxygen nalang talaga ata ang bumubuhay saakin.

Sinusulat nga kita habang nakahiga ako.

Lumuluha nanaman ako.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang iwan sila.

Ash. Pero hindi ko na kasi kaya.

Pero bukas.

Magigising pa ako.

Promise yan.

magigising ako.

good night na.

Love,

ashley

I'm gonna miss you Kevin. </3

Song for today: Hindi ko Kayang iwan ka

Hindi ko kayang iwan ka

Hindi ko kayang iwan ka

'Pagkat dito sa puso ko'y talagang mahal kita

At kahit pa sabihin na puso'y nababaliw sa 'yo

Patuloy na iibig at magmamahal ako

My 28 1/2 days - Diary [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon