Dear ASHRY (2)

311 6 4
                                    

July 23 (Monday)

Dear Ashry,

Good Evening Ashry!

Kagagaling ko lang sa school!

Ikaw agad pinuntahan ko, wala kasi ako masabihan ng sama ng loob eh.

Kanina kasi si Andrea, magkagroup kami sa Chemistry, siya ang leader. Kagroup din namin si Kevin.

Destiny nga naman eh noh? Masyadong mapaglaro.

3 members per group. Akalain mo yun, kami kami pa ang magkakagroup.

Alam ko namang di ako ma a out of place kasi nandyan si Kevin pero kasi diba,

Girlfriend niya si Andrea. Nakakainis. Kinukonsente niya si Andrea.

Pinapili na ng leader. Ako yung tinuro na leader ni Andrea.

Nag smile saakin si Kevin.

Lintik. Isang smile lang ni Kevin, katumbas ng buong pagdurusa ko sa project namin.

Siyempre, ako ang leader, ako ang aasahan ng dalawang ito.

Peste. Nakakainis.

At eto ako ngayon, gagawin ang tatlong powerpoint. Umaga na ata ako nito matatapos.

Umiiyak nanaman ako.

Ang dami ko kasing gagawin.

Ayoko namang magpatulong kina kuya.

Sigurado pagagalitan ako nun.

Anyway, kwento ko sayo ang nangyari kanina.

Nagquiz kami. At dahil nga sa magaling ako, perfect ko.

Ako ang highest. One mistake si si Andrea. Hahaha.

Ako nanaman ang yinakap ni Kevin.

Seatmate ko siya eh.

Pag nakakaperfect or highest ako.

Niyayakap ako niyan.

Pero siyempre as a friend tapos tinignan nanaman ako ni Andrea ng nakakatakot niyang tingin.

Nung lunch break tama nga ako.

Inaway ako.

Sinabunutan lang naman niya ako doon sa girls cr.

Ayos lang naman yun sakin. Wala nang epekto yun sakin.

Muntik niya pa ngang ilublob yung mukha ko sa bowl eh.

Pero biglang may dumating na mga babae kaya natigilan niya.

Alam niyo naman na plastic si Andrea diba?

Kunyari mabait, pero kapag ako na ang kaharap.

Mas demonyo pa sa demonyo ang pag uugali.

di ko din alam kung bakit ganito nalang ang galit niya sakin

Siguro dahil ako yung nagvaledictorian at hanggang ngayon, ako pa ang first honor.

Ganyan ka hell ang buhay ko.

Minsan nga iniisip ko na magtransfer nalang ng school.

Pero dahil sa tatanga tanga ako sa pag ibig, ayokong iwanan sakanya si Kevin.

Bahala na.

Napakaplastik niya talaga.

Sabi niya pa sakin, wala na daw akong pakialam kung sasaktan niya man si Kevin.

Nakaplano na daw lahat ng gagawin niya.

Siyempre, ako itong si hindi naman lumalaban, edi di ko nalang pinatulan.

Hinayaan ko lang siya sabunutan ako.

Nung recess naman pagkahapon, nag cr lang si Kevin, nakita ko nanaman si Andrea.

Kasama niya si Louis. Lang hiya namang Louis ‘to.

Nanliligaw nga pala yan sakin.

Lang hiya, crush ko pa naman siya, pero wag na. hahayaan ko nalang siya doon kay Andrea.

Magsama sila. Di sila loyal.

At ayun, muntikan na silang mahuli ni Kevin na naglalandian.

I mean ayun, nakaakbay kasi si Louis kay Andrea, nilalandi naman ni Andrea, ewan ko sakanila.

Nung palabas na si Kevin, sinenyasan ko na si Andrea na palabas na si Kevin.

Shit. Ang sama ko ba Ashry?

Ayaw ko lang naman Makita ni Kevin na kinakaliwa siya ni Andrea, kasi masasaktan siya.

Sigurado iiyak siya.

At alam mo naman ata na mas gugustuhin ko pang ako ang umiyak kesa si Kevin.

Mahal na mahal ko si Kevin.

Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya.

Oo na. Ako na. Ako na ang martyr. Alam ko na yan. Matagal na akong nagpapakatanga para lang kay Kevin.

Alam mo yun.

Yung ako ang naghahanda ng mga surprises niya para kay Andrea.

Ako nga ang hiningan niya ng tulong para mapasagot si Andrea.

Ako ang nagpeprepare kapag may dinner date sila.

Alam mo yun? Yung ako ang nagiging tulay para maging sila pa lalo ng taong mahal niya.

Ang sakit promise.

Pero sulit naman. Kasi every after ng tulong ko, ihahug niya ako sabay thank you tapos kiss sa cheeks ko

Yun bang kiss na parang bata. hehe.

Ayos nay un. Masaya na ako kahit ganun.

Kanina pala, pinatulong ako ni Kevin na samahan siya humanap ng gift para kay Andrea. Sa july 28 kasi birthday na ni Andrea.

At ako naman itong si tanga nanaman, sinamahan ko siya.

Bumili kami ng necklace. Yung necklace na noon ko pa pinagpapantasyahan na ibigay saakin ni Kevin.

Pero di naman matutuloy kasi nga diba? Iba naman mahal niya.

Hai naku.

Ako na.

Ako na itong si Hopeless Romantic Princess.

Daming nanliligaw pero bulag ako eh.

Ako na ang sobrang bulag.

Bakit kasi si Kevin lang?

Kelan niya ba ako mamahalin pabalik?

Osya, goodnight na Ashry.

Gagawin ko pa itong project naming tatlo. Andami kong gagawin.

Stress nanaman. Ayoko atakihin. Pero kaya ko naman ihandle sarili ko eh.

Kailangan ko to maipaganda para mapansin ulit ako ni bestfriend.

Sige na. Good night na talaga.

Love,

Beautiful Ashley

Im.Inlove.with.you.Kevin.Alan.Rodriguez. <3

Song for today: Pano na Kaya?

Paano na kaya, 'di sinasadya

'Di kayang magtapat ang puso ko

Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa

Paano na kaya 'di sinasadya

Ba't nahihiya ang puso ko

Hirap nang umibig sa isang kaibigan

'Di masabi ang nararamdaman

Paano na kaya

Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin

'Di ko yata matitiis mawala ka 

Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh....

My 28 1/2 days - Diary [edited]Where stories live. Discover now