Dear ASHRY (13)

230 3 0
                                    

August 3 (Friday)

Dear Ashry,

Good mood ako ngayon!

Maghapon kami magkasama ni Kevin.

Yun nga lang, parang wala siya sa sarili niya.

Di niya ako masyado kinakausap.

Pero atleast diba, naranasan ko din na makasama siya as her girlfriend.

Holding hands kami maghapon eh.

Madami ngang nakakakita.

Eh pakialam ba namin sa kanila.

Pasmado na nga ata ang kamay ko.

pawis na pawis. pano ba naman hawak niya lagi, ayaw bitawan eh.

pero mapapansin mo talaga sa mata niyang malungkot siya.

I didn't bother to ask him why,. baka mas lalong mabadtrip eh,.

Kawawa naman siya.

Kanina nga pala, nung lunch break, sabay kami kumain ni Kevin pero nakisabay na din naman samin si Andrew.

At ayun, parang istatwa lang sa gilid si Kevin, di nagsasalita, parang kami lang ni Andrew yung tao doon eh.

Parang gusto ko na nga kanina umiyak pero hindi pwede.

Gusto kong umiyak kasi parang kaluluwa lang ako sakanya.

oo, hawak niya nga kamay ko, di naman siya nagsasalita.

Di ko alam kung bakit eh.

Siguro, masama lang gising?

O baka naman, apektado pa rin siya kay Andrea.

Peste naman eh,!

Girlfriend niya na ako.

Hindi niya pa rin makalimutan si Andrea?

Sabagay, hindi ko naman pinilit na kalimutan niya si Andrea eh.

Ang gusto ko lang, maranasan kong sagutin siya ng 'OO' kahit hindi 'I DO' ayos na saakin.

Hinatid niya naman ako sa bahay pag uwian namin nun.

Pero di talaga siya nagsasalita.

Pag kauwi naman niya nagtext siya sakin ng nakauwi na siya tapos nag call ako sakanya.

Ayun, hindi siya makausap ng matino.

Ako lang ata ang isip ng isip ng topic namin eh.

Bukas, di na raw muna kami lalabas.

Masama daw pakiramdam niya eh.

Ako din naman, masama pakiramdam ko ngayon kasi di niya ako kinakausap.

Para bang there is something wrong with him.

I think, nothing happened naman eh.

Buong maghapon naman kaming magkasama pero wala naman akong nakitang masama na maaaring makabadtrip sakanya.

Except nung umaga, late siya dumating eh.

Halos magkasunod lang sila ni Andrea  at Andrew dumating.

Si Andrew pala, naupo nalang sa likod namin.

Dumating na kasi si kevin, in short wala na siyang mauupuan.

Temporary lang naman yung pag upo niya sa tabi ko kahapon eh.

pero ayon nga, wala namang naikukwento saakin si kevin.

Ang masakit lang nung nag bye ako sakanya sa cp, nag iloveyou ako, tapos sabi niya OK.

Masakit yun.

pero okay lang naman saakin.

Alam ko namang di pa niya kaya sabihan ako ng iloveyoutoo kasi di pa siya nakakamove on kay Andrea'.

Sa tingin niyo, makakamove on ba siya sa 5 days after break up? di ata.

nasasaktan ako.

nasasaktan ako.

pero wala akong magagawa.

ginusto ko 'to. pinayagan ko siyang gawin akong panakip butas para makalimutan niya si Andrea.

Oh diba? sinong tanga? ako diba?

Oo, alam ko. Di na kailangang sabihin.

Kala ko pa naman tapos na ako sa pagiging MARTYR. di pa pala.

okay lang, atleast, bago ako mamatay, nahawakan ko kamay niya.

At naranasan ko magkaboyfriend at sabihin ang 'oo sinasagot na kita'

Anyway, good mood pa rin ako. kasi atleast diba?

nagkasama kami buong maghapon.

So yun nga.

Good night na.

Love,

Beautiful Ashley

I.love.you.Kevin.Alan.Rodriguez. <3

Song for today: Invisible

And I just want to show you, she don't even know you

She's never gonna love you like I want to

And you just see right through me but if you only knew me

We could be a beautiful miracle, unbelievable

Instead of just invisible, yeah

My 28 1/2 days - Diary [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon