Dear ASHRY (3)

333 4 1
                                    

July 24 (Tuesday)

Dear Diary,

At ayun nga. Late na ako pumasok ngayong araw.

Almost 15 minutes late ako eh.

Pagkadating ko sa room tinanong agad ako ni Kevin kung bakit daw laki ng eyebags ko tsaka bakit daw ako nagpuyat.

Sus ko naman. Kung pwede ko lang ipagtapunan sa mukha niya yung project naming tatlo na iniasa lang nila saakin eh ginawa ko na, pero dahil nga mahal na mahal ko siya…

Di ko kaya.

Muntik na akong atakihin kaninang umaga sa school.

Iyak kasi ako ng iyak.

Di kasi nagging mataas yung grade ni Andrea dahil saakin.

Sorry ako ng sorry kay Kevin.

Kasi naman 2AM ko na nagawa yung kay Andrea, di ko tuloy nalagyan ng mga iba pang details.

Ayun, kaming dalawa ni Kevin perfect 100 si Andrea 95 lang. Grabe si Andrea, mataas naman yun ah?

Dapat nga maging Masaya siya dahil ginawan ko pa siya.

Ito namang bestfriend ko nakakainis na. gusto ko magalit.

Gusto ko magwala gusto kong ipakita sakanya kung sino talaga si Andrea pero as usual..

Natatakot akong umiyak siya.

Natatakot akong magalit siya saakin.

Ayoko namang mamatay na galit saakin ang bestfriend ko at pinakamamahal ko.

 mahal na mahal na mahal ko si Kevin na kulang nalang ako yung umiyak para sakanya,ako nalang yung saktan ni Andrea at kaya ko din mamatay para sakanya.

Pero kahit naman di ako magpakamatay para sakanya, mamatay nalang naman ako.

Binigyan na ng taning ang buhay ko.

I would only leave for 1 month.

At sa loob ng one month na yan, di ko maaabutan ang birthday ko.

Hindi pwedeng hindi maabutan ang birthday ko.

Pinahanda ko pa yun kina mama sa Korea eh.

tsaka, its my last birthday. Yoko naman mamatay ng hindi na i aaccomplish yung mga wishes ko.

Ashry, sa tingin mo.. Kelan kaya magbabago si Andrea?

Kelan niya kaya sasabihin kay Kevin na niloloko niya lang siya.

Ayoko siya pangunahan dahil nga diba, baka di nanaman ako pansinin ni Kevin ngayon.

Nakakainis na talaga!

Ahy oo nga pala, boung maghapon ako hindi pinansin ni Kevin dahil nga sa project ni Andrea.

Sh*t bakit ba ako nagmahal ng manhid.

Bakit ko ba minamahal ang taong di marunong mag appreciate sa effort ko?

Di man lang nag thank you.

At alam mo? Sobrang tanga niya talaga.

Sobra Sobra na talaga ang katangahan ni Kevin.

Nakita niya kanina si Andrea na inaakbayan ni Andrew, isa pa naming classmate, aba'y akalain mo yun, pinasawalang bahala niya lang.

Sinabihan daw siya ni andrea na pinsan niya lang naman daw si Andrew kaya ok lang daw.

Nakuuuu. Hindi niya yun pinsan. ka fling yun ni Andrea!!!! KEVIN!!!! Kelan ka ba matatauhan?

Ahy mali, dapat pala sarili ko sinasabihan ko niyan..

ASHLEY!!!!! KELAN KA BA MATATAUHAN? HA? KELAN KA MAGPAPAKATANGA? HANGGANG KELAN MO SASAKTAN ANG SARILI MO? MAMATAY KA NA OH!

hui utak.. alam kong mamatay na ako kaya huwag mo namang ipagngalandakan sa pagmumukha ko na mamatay ako.

Nakuuu. naloloka na ako. kausapin ba naman ang utak? naku ashley!

ayos lang masaktan ako.

ano namang silbi ng buhay ko kung magpapakasaya ako tapos yung mga pinakamamahal ko malungkot diba?

Nakuuu masyado akong EMO.

Makapag Online na nga lang sa FB..

Oi.. Ashry, magsusulat ako habang nag ffb ha? Ayos lang naman sayo diba?

OHHWEMGIE. Online si Kevin kooo.

Chat ko nga..

offline agad siya after ko mag say HELLO.

Ganoon na ata siya kagalit sakin.

ewan ko ba,

bahala na..

Osya, goodnight na Ashry.

Love,

Cute and Charming Ashley

Im.inlove.with.you.Kevin.Alan.Rodriguez <3

Song for today: Mahal kita alam mo ba?

mahal kita alam mo ba?

ako ay naririto

kahit na akoy iniiwasan mo

mahal kita alam mo ba?

mula nang makilala ka

araw at gabi pinapangarap ka

My 28 1/2 days - Diary [edited]Where stories live. Discover now