Q & A

5.3K 139 18
                                    


Ilang imbitasyon para sa interview ang natanggap ng newly weds. Naging usap-usapan ang love story ni Lucas at Karen sa halos lahat ng society pages at social media. Dahil na rin sa status ni Lucas sa buhay at sa pagiging sikat ni Karen, marami ang gustong makaalam ng love story nila. Isang interview lang ang pinaunlakan nila at iyon ay ang sikat na palabas sa TV na ang Tonight with Vince Banduda. Lumipad pa patungong Luxembourg ang staff and crew para lamang makapanayam ang mag-asawa na doon muna namamalagi.

Tito V : Magandang gabi po. Ngayong gabi ay kasama natin ang pinakasikat na couple, si Mr. and Mrs. Lucas at Karen Kendrick. Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon.

Ngumiti lamang si Lucas habang si Karen naman ang sumagot.

Karen: We thought it was the right time to get out of the limelight and share our story.

Tito V: Wonderful! Congratulations nga pala sa inyong wedding. Naging mala fairy tale ito lalo na at sa isang palasyo pala ito naganap. Maraming nagulat sa iyong huling Vlog kung saan ipinakita mo ang ilan sa mga litrato ng inyong kasal. 

Karen: Indeed. Fairy tale nga siguro dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumingin si Karen sa kanyang asawa na kinuha at pinisil ang kanyang kamay. They looked at each other and smiled.

Tito V: Nakakatuwa kayong pagmasdan, nag-uumapaw ang chemistry at pagmamahal ninyo sa pagtitinginan lamang. Simulan natin ang mga katanungan.

The couple looked at Tito V and nodded their heads. Kaya naman tumuloy na ang host sa pagtatanong.

Tito V: Karen, alam ng lahat na nagsimula ang lahat dahil sa paghabol mo sa isang pangarap. At alam namin na mahal na mahal mo si Lucas. Was there some point na umayaw ka na o gusto mo nang sumuko?

Lucas: Wala po Tito V.

Karen: Love, Bakit ikaw sumasagot!? Di ba uso ang freedom of speech dito?

Pabulong na protesta ni Karen ngunit naka mic sila kaya't rinig pa rin ng host at staff.

Lucas: Mahal naman, alam ko naman ang sagot.

Tito V: Hindi kaya kinakabahan ka Lucas sa isasagot ni Karen?

Lucas: Naku hindi po. Sige nga mahal sabihin mo na.

Karen: Halatang halata ka na kinakabahan, nagtutwitch yang mata mo at namumula ang tenga mo o. Sige po Tito V, to answer your question, yes I almost gave up . . . . . pero sa panaginip lang. In reality, si Lucas lang talaga ang goal ko sa buhay dati kaya kahit nasaktan ako o pinanghinaan ng loob ay hindi ko naisip na sukuan siya. . . .
Ang yabang mo Mahal! Maupo ka nga para kang timang nakakahiya sa mga tao!

Nagtawanan ang mga taong nanonood dahil tumayo si Lucas at nagbow pa. Halatang proud at masaya siya sa isinagot ni Karen.

Lucas: Sabi ko naman sayo Tito V eh.

Natawa naman ang host at napailing.

Tito V: Ang sunod na tanong ay para naman sa'yo Lucas. From a scale of 1 to 10, gaano mo kamahal si Karen?

Lucas: Wala po.

Karen: Anong wala?! Kakalbuhin kita! Ayusin mo yang pagsagot mo!

Inakbayan lamang si Karen ng mister niya bago ito muling tumingin kay Tito V.

Tito V: Care to elaborate?

Lucas: Walang scale ang pagmamahal ko sa asawa ko. Infinite is not measurable and cannot be calculated. That is how much I love my wife.

The Billionaire's ProtegeWhere stories live. Discover now