Chapter 16-Reality

6.4K 142 17
                                    









Nang magising ako, hindi muna ako dumilat. Inalala ko muna lahat ng nangyari sa panaginip ko. Napaka-vivid ng details. Parang totoong totoo. Kung paano kami magkasama ni Lucas, ang paghawak niya ng mga kamay ko, ang pagiging perfect gentleman niya at pagtrato sa akin na parang prinsesa. Ang pamamasyal namin sa Vigan at pagtulong niya sa akin sa pagfilm ng Videos ko. The way he looked at me and gave me his sweetest smile. Higit sa lahat, ang pagsasabi niya na gusto niya akong ligawan. Lahat ng 'yon inalala ko. Baka kung isipin ko ng isipin ay magkatotoo ang pantasya ko at pangarap. Kahit panaginip lang 'yon, pakiramdam ko para akong lumulutang sa sobrang kaligayahan.

"Karen, please wake up. You're scaring me. . ." Pati ang boses ni Lucas naiimagine ko na. I don't want to open my eyes for fear of forgetting any piece and fragment of the dream that I experienced.

"Hello. . .Blake, Karen passed out and won't wake up! What should I do? What?! Baka sapakin ako sa suggestion mo. Pssh! Naturingan kang Doktor hindi ka mapakinabangan. . . Bakit naman nag-panic? . . . Oi nagtoothbrush ako. . . Ba't ba ko nakikinig sa'yo. . . Sige na. . . mukhang gumigising na siya. . . Shut up!"

Bakit pati sa panaginip ko ay may kaaway na pabulong ang mahal ko? Teka nga, nasaan ba 'ko. Bakit parang hindi naman ako nakahiga? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ang una, kanang mata. Naaninag ko na parang nasa isang sasakyan ako. Mas malaki kaysa sa CRV na ginagamit ko at nakabukas ang ilaw. Ipinikit ko ang kanang mata at binuksan ko ang kaliwa. Halos mapasigaw ako sa sobrang pagkagulat kaya't pumikit ako ulit. Sobrang pikit na halos magdikit na ang mga mata ko.

"Are you okay? Karen? Kailangan ba natin magpunta ng ospital? May masakit ba sa'yo? Sabi ni Blake panic attack lang raw pero bakit ka naman nag-panic? Wala naman akong ginagawang hindi maganda. . ."

"Juicecolored. Ibig bang sabihin hindi panaginip lahat ng 'yon?!"

"Haist. . . Oo daw, sabi ni Lord, hindi raw panaginip. . .Karen naman, you had me worried! Sinabi ko naman na totoo lahat! I'm real! Gusto mo ba halikan pa kita para lang mapatunayan kong totoo lahat?!" Wow! Ako pa hinamon niya ng halikan?! Game kung game!

Galit na ba siya? Namiss ko ang ganon, sinisigawan niya ko. Pero mas gusto ko ang suggestion niya. Halikan daw? Teka, titili lang ako sa isip ko. Eeeeeeeeeeeeeeeeeee!

Ayan, okay na. Relax, Karen. Breathe in breathe out. Mukhang nahimasmasan siya sa breathing excercise ko at naging malumanay na ang boses nang nagsalita siyang muli.

"Hey, are you feeling better now? Sorry napataas ang boses ko. I was just worried when you passed out. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. . ." He took my left hand at inilagay sa pisngi niya. Kinuha pa niya ang kanang kamay ko at hinalikan. Oh my God! Totoo nga! Naramdaman ko ang kamay at halik niya.

"Do you believe me now? Na totoo ito at hindi panaginip? Akala ko naman nakaget over na tayo sa dream sequence mo. Gusto mo ba ng isa pang patunay? Kaso baka himatayin ka na naman." I finally remembered kung bakit ako nakatulog. Nakakahiya. Hinimatay ako dahil sa kilig?! Paano na lang kung dinala niya ako sa doctor tapos tinanong anong nangyari? Sasabihin niya, I tried to kiss her but she passed out?! Epic fail ka na naman Karen.

"Okay na 'ko." I opened my eyes and smiled at him kahit na kinakabahan pa rin ako. Ayoko na mag-faint, nakakahiya na masyado baka sabihin naman niya patay na patay ako sa kaniya. Slight lang naman eh. Baka nga hindi pa niya nahalata.

"Are you sure? Here, inom ka muna ng tubig kaso nainuman ko na 'yan kanina." Much better nga 'yon dahil parang indirect kiss. I took the bottled water and drank from it. Nakatitig lang siya sa akin the whole time. Nakakunot ng bahagya ang noo niya at napalunok pa nang may tumulong tubig sa bibig ko papuntang leeg ko. Namali kasi ako ng tungga kaya may natapon na kaunti. Sobrang titig naman niya. Nauuhaw rin kaya siya?

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon