Chapter 11-Guardian Angel

6.5K 178 22
                                    



Sabi ni Sandy, isang araw din raw akong walang malay. Maswerte daw ako dahil External head injury lang ang tinamo ko at hindi brain damage or worse ay internal bleeding. Marami lang raw talagang dugo dahil sa sugat sa scalp kaya ako nawalan ng malay. Mahal talaga ako ni Papa God dahil bukod sa masakit na ulo at makirot ang katawan ko sa mga sugat dahil sa bubog, pakiramdam ko naman ay maayos ang lahat.

Ang bait ng bestfriends ko. Hindi nila ako iniwan. Pati si Denisse na may Nosocomephobia or fear of hospitals ay nag-stay sa tabi ko at hinintay akong magising. Nang magising na ako ay saka lang siya pumayag na umuwi. She needs rest dahil maselan ang pagbubuntis niya sa twins nila ni Warren.

***

Nag-video call ang parents ko at mga kapatid sa laptop ni Sandy.

"Ate Karen, kumusta ka na?" Si Karla, mukhang nag-aalala ng husto sa akin.

"Sasabihin ko sanang ok lang kaso biglang sumakit ang ulo ko." Pinindot ni Sandy ang isang button sa may kama ko at maya-maya lang ay may pumasok na nurse para lagyan ako ng pain reliever sa suwero.

"Ma'am, after six hours na po ang sunod na pain shot natin." May mga tiningnan pa sa akin ang nurse at inilista sa chart ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Nanonood lang naman silang lahat sa amin.

"Anak, sigurado ka bang hindi na kami uuwi diyan? Paano ka paglabas ng ospital? Wala kang kasama sa bahay natin." Naiiyak pa si Mama. Alam kong gusto nilang umuwi para maalagaan ako. Mabuti na lamang at wala silang nakuhang plane ticket noong mabalitaan nila ang nangyari sa akin. Mag-ooffer sana si Sandy na sunduin sila ng Private Jet ng pamilya nila pero sinabi ko ay huwag na lang. Sayang rin ang VL nila sa trabaho at isang buwan na rin silang excited na dalawin si Kuya sa Australia. Siguro kung sumama ako ay hindi ako mapupukpok sa ulo. Pero past is past na kaya non sense rin kung iisipin ko iyon.

"Bakit naman kasi ngayon ka pa naaksidente, Sis." Si Kuya Kristoff ko talaga kahit kailan ang galing babanat.

"Wow ah Kuya! Sige next time, ipapa-appointment ko ang mga pagsugod sa akin ng mga baliw na tao. Hindi naman kasi ako nainform na sasabay pa ang paghampas nila sa ulo ko sa pagbabakasyon nila Mama. Para namang naipapaschedule ang pagpapaospital noh!" Tinawanan lang ako ni Kuya. Nakita ko namang napangiti si Papa at Karla. Si Mama ay nag-eemote pa rin.

"Sandy, buti na lang talaga matigas ang ulo ng kapatid ko. Sis, iba ka talaga! Nakuha mo pa talagang takpan ang mukha mo. Walang kagalos-galos o. Parang wala namang nangyari ah. Kung wala lang benda ang ulo mo iisipin ko nagbabakasyon ka lang. Tapos same lang naman ang pagsasalita mo. Akala ko ba may speech defect ang mga may head trauma?" Kahit inaasar ako ni Kuya, bakas naman sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin. Ganoon lang talaga siya magpakita ng concern. Baliw kasi 'yon.

"Awat na anak. Baka mabinat ang kapatid mo. Karen, mag-iingat ka lalo. Sundin mo ang mga bilin ng doctor. At huwag matigas ang ulo." Sinaway ni Papa si Kuya at nagbilin pa sa akin.

"Thanks Papa. 'Wag na po kayong mag-alala. Si Sandy na po ang bahala sa akin. At magpapagaling lang naman daw ako. Wala namang therapy or kahit anong gagawin. For observation lang naman kaya hindi pa ako pinapalabas." Gusto ko man silang makasama, alam kong wala naman din silang magagawa kapag umuwi sila. Sayang rin ang ipinadalang pamasahe ni Kuya Kristoff at alam ko ring kailangan niya ng kasama dahil nalungkot siya nang ikinasal si Denisse.

"Yes po. I'll take care of Karen. You don't have to worry about anything." Ngumiti naman kay Sandy ang parents ko.

"Salamat iha. Tawagan mo kami lagi Karen para alam namin kung kumusta ka na. Ha Karen anak?" Umiyak na ng tuluyan ang mama ko. Napaka-iyakin niya talaga.

The Billionaire's ProtegeWhere stories live. Discover now