Chapter 12-Missed

6.5K 169 10
                                    













Halos araw-araw nagtetext ang Unknown Number sa akin. Kinukumusta niya ako kahit na hindi ko naman siya kilala. Ako naman itong super bored na sinasagot ko naman ang mga tanong niya. Hanggang sa marealize kong pwede ko nga palang ipahanap kay Kuya ang owner ng number.

"Kuya, ito ang number oh. Hanapin mo naman kung kanino nakaregister."

["Karen, ano namang akala mo sa akin? NTC? Kung prepaid 'yan hindi  ko pa din mahahanap."]

"Try mo lang naman. Malay mo registered naman pala ang number. Ikaw ang nega mo! Bakit ba kayong mga lalaki puro mga nega!"

["Hoy huwag mo akong hugutan. Sige na. Email ko sa'yo pag may nahanap ako. E bakit mo ba pinapahanap 'to? Sino ba 'to?"]

"Ewan ko sa'yo Kuya. Edi kung alam ko kung sino, ipapahanap ko ba! 'Di ko alam minsan bakit ka naging Cum Laude. Ang slow mo. Sino ba nahampas sa ulo dito, ako ba o ikaw? Kaloka ka." Tinawanan lang ako ng kapatid ko. Kaya minsan ayaw ko siya ka-video call. Pinagtripan na naman ako.

["Ang dali mo talagang asarin. Kumusta na pala 'yong isang pinahanap mo sakin? Si Lucas Kendrick? Sinagot ka na ba?"] Nang-asar pa lalo. Bubuka ang sugat ko dito sa kapatid ko kapag hindi pa siya tumigil.

"Walang development Kuya. Paano ko liligawan eh nakaratay ako dito sa bahay"

["Hanggang kailan ka daw ba bawal lumabas?"]

"One week pa daw bago tuluyang mawala ang mga sugat ko. Buti na lang may mga gamot na ngayon na pwede ipahid para gumaling kaagad at walang marka. Tapos ang ulo ko pa, nakakainis hindi na pantay ang buhok ko kasi yung part na nasugatan tinahi diba, para tuloy akong may poknat."

["Huwag ka na magreklamo Sis. Mabuti nga walang masamang nangyari sa'yo. Sugat lang 'yan. Gagaling 'yan. Kung napuruhan ka, wala na akong maingay na kapatid. Bakit hindi ka dinalaw ni Lucas?"] Adding insult to injury pa talaga.

"Salamat ah! Eh si Lucas, hindi yata niya alam. Hindi naman kami close. Well, hindi pa. O sige na kuya, baka mapagalitan ka ng boss mo. Nasa trabaho ka nakikipag-usap ka lang. Hello mo ko kina Mama ha."

["Oks. Sige na pahinga ka mabuti. Mag-ingat ok."]

"Thank you Kuya. Ingat din kayo."

Saktong pagkatapos ng video call namin ay may pumasok na text message sa phone ko.

UN: Karen, I hope you're doing well.

K: Yes. Thanks for the concern kahit until now hindi ka pa din nagpapakilala at araw araw mo lang akong kinukumusta.

UN: I have to say goodbye for a while. Baka hindi muna ako makapagtext sa'yo.

K: Ah. Ok. Bakit naman?

At bakit ko ba gusto malaman.

UN: I have to go somewhere at medyo matagal bago ako makabalik. Will you miss me?

K: Adik ka ba? Baka matokhang ka. Hindi naman kita kilala bakit kita mamimiss?!

UN: You never fail to make me smile. Kahit sinabihan mo akong adik.

K: Hindi ba?

UN: Maybe. But not with drugs.

K: May addiction ba bukod sa drugs?

UN: Yes.

K: Ano?

UN: Secret.

The Billionaire's ProtegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon