Chapter 2-Plan A

10.2K 243 43
                                    










Ang husay talaga ng kapatid ko. Parang Slumbook ang report niya sakin. May heart heart pa sa mga gilid ng bawat linya. Tutulong na nga lang mang aasar pa.

Name              : Lucas Kendrick

NickName     : Luke close friends lang niya tumatawag sa kaniya ng Luke kaya ikaw dapat LUCAS

Birthday        : December 25, for the date refer to the age below at magcompute ka! (Bwisit ka talaga Kuya)

Age                 : 29 – magka age kami ano Kuya rin tawag mo sa kanya?  (pakialamero ng kapatid ko)

Nationality    : FilAm – obvious sa apelyido diba

Address         : Sa puso mo! Bwahahaha – ang dami niyang bahay at address see attached file at kung iistalk mo lahat yan mauubos oras mo!  Magtrabaho ka na lang para makaipon ka! Bwahahaha (May evil laugh talaga?!)

Educational Attainment : Masters in Economics and Bachelors Degree in Business; Bachelors Degree in Geology – ang talino niya! Ang dami niyang degree hindi kayo bagay ;p (Wow ah! Matalino din ako . . .sabi ni Mama.)

Hobbies         : Going to the gym, Water Polo, Golf and Swimming – o alam ko na iniisip mo . . .hindi porke parehas kayo na swimming ang libangan destiny mo na siya! (parang sinabi ko na sa kaniya 'to dati ah. Gaya gaya!)

Talent                        : Singing - hindi pa rin indication ito na destiny mo siya.

Business       : Too many to mention ;p – See attached file ulit! Pero ang yaman niya masyado at alangan sa estado natin sa buhay. (anong klaseng report ba 'to! May discrimination pa ng social status!)

Crush/Love  : Too many to mention pero hindi ka kasama ;p (Kristoff Santiago yari ka na talaga sa'kin!)

Motto in Life : Mabuti na ang tamad hindi naman pagod. . . . . . . .parehas kami ng motto ;p  (Motto!!! Seryoso?!)

What is Love            : Ang pag-ibig ay parang utot. Kahit anong gawin ay napakahirap itago. At 'pag ibinuga mo ang kimkim na damdamin, maaamoy ng lahat kahit hindi ka umamin!  Bwahahaha sakin lang talaga yan galing pati ang motto ;p (True pero kadiri naman ang analogy! Pwede namang "Love is a many splendored thing".)

Eto na seryoso na Sis. I hope you won't get into trouble dahil sa mga information na 'to. Hindi kita kinukunsinte. I just want to make you happy pero kapag nasaktan ka na tama na. (Wow. Makabigay ng advice ang kapatid ko wagas! Sana iapply niya rin sa sarili niya.)

Mabuti naman at may napala rin ako sa report ng kapatid ko.  Nalaman ko ang names ng parents ni Lucas ko at kung nasaan sila sa kasalukuyan. Inilista ni Kuya Kristoff ang mga lugar na pinupuntahan ni Lucas. Maging ang name ng mga gym at park na dinarayo niya para magjogging nakalista na rin. Lahat nga ng address ng bahay at mga negosyo niya ay nalaman ko na rin. Nakakapagtaka na ang dami niyang bahay at ang dami niyang negosyo pero nagturo pa siya sa University.

Ang pinakaimportanteng nalaman ko sa lahat ng information ay ang schedule niya at ang pangalan ng mga taong malalapit sa kaniya. If I can get close to one of them, magiging kaclose ko na rin siya. Nakabuo na ako ng apat na Plans. Iisa isahin ko hangga't makamit ko na ang pinakamimithi kong pangarap. Ang maging Karen Santiago Kendrick.


***


At sisimulan ko na ang Plan A. I have to do this alone dahil pag nalaman ng mga kaibigan ko baka kutusan nila ako. Sana lang ay mapansin na niya ako. Konting oras na lang at graduation na namin.

The Billionaire's ProtegeWhere stories live. Discover now