THE 9 GODDESSES #7 - "Occisio Alexandrae"

3.1K 102 31
                                    

Sorry guys kung antagal kong nawala since last quarter na kaya busy. Lalo pang hassle rin kasi nasa pilot ako kaya sorry sorry. Kakantahan ko nalang kayo ng Mr Mr. Ahahahaha! joke. Sorry din guys kung medyo lame ang chapter na ito. 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

*SUNNY’S POV*

Sa wakas at nakarating na rin ng home sweet home! Kahit sabihin mong galing kami sa lamay ay napagod pa rin ako. Lalo na yung mata ko kakaiyak, so tired. Pumasok na ako ng kwarto ko. Hihiga na sana ako sa kama ko kaso biglang nakakuha ng atensyon ko ang isang box. A delivery from dead send? Sa pagkaka-alam ko sa LBC ako nagpa-deliver. Oh well, baka naman nagbago na sila ng pangalan tulad nang nangyari sa Sulit.com.ph na naging OLX.ph.

Without telling someone, binuksan ko na ang box. Na-eexcite talaga ako sa teddy bear na yun. Ang kyut kasi eh parang ako lang. Total ay matalas ang kuko ko, tinanggal ko ang packing tape na nakatape. Pagkabukas ng kahon ay sumalubong sa akin ang isang jar. Dahil transparent ang jar, nakita ko ang laman nito. May laman ito na itim na pulbos at may laman itong isang gagamba. Hmm, that’s strange. Hindi ako nasabihan na may freebies palang kasama. Sa ilalim ng jar ay may isang lalagyanan ng tape. Kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang isang tape na may nakasulat na,

“Occisio Alexandrae”

Agad akong bumaba at pumunta sa sala kung nasaan ang mga tangi kong kasama sa bahay ngayon na sina Yoona at Hannah. Yung iba kasi ay nasa puntod pa at kami ang pumalit kayna Tiffany, Yeonnie at Cinna.  “Guys, look at this.” Sabi ko sa kanila na nakasira sa atensyon nila sa panonood ng Pororo. Tumayo naman si Hannah at hinablot ang CD sa aking kamay. Sinuri naman niya ito.

“Occisio Alexandrae? Occisio Alexandrae. Occisio Alexan—... AHA! Osisyong Alexandre!” Sabi niya habang binabasa ang nakasulat sa CD. Tumingin naman ito sa akin. “Sino naman si Alexandre? Ex mo?” Umiling ako sa tanong ni Hannah.

“Give me that.” Sabi ni Yoona at tumayo papunta kay Hannah. Hinablot niya ang CD at binasa. Total multi-language si Yoona, tiyak ay mababasa niya ito. Habang nagbabasa ay nanlalaki ang mata niya. Dahan-dahan niya kaming tinignan at sinabing, “Killing Alexandra.”

Biglang tumaas ang balahibo ko sa narinig. Piling ko ang susunod na mangyayari ay mahihimatay ako sa takot. Mukhang iniisa-isa kaming 9 GODDESSES. Una ay si Fiona, sumunod ay si Alexandra. Sino naman kaya ang susunod. Sa gitna ng takot at pag-iisip ay biglang sumara ang TV.

“AAAAAAAHHHHH!!” Sigaw naming tatlo dahil sa sobrang takot. Sa gitna naman ng pagsisigaw ay biglang hinablot ni Hannah ang CD.

“Puta! Tignan niyo kung gaano tayo natatakot! Hater lang ang nagpadala nito. Alexandra can’t be dead. Matalinong bata yun kaya alam niya ang gagawin niya. Please, wag na tayo makiride sa mga insecure na haters na yan. Wala naman tayong mapapala. It’s either hate or disbandment lang.” Sabi ni Hannah. Maglalakad na sana siya papunta sa basurahan ng bigla siyang pigilan ni Yoona. Hinawakan niyo ang balikat nito.

“Panuorin nalang natin para makasiguro tayo.” Sabi ni Yoona at hinablot ang CD mula sa kamay ni Hannah. Pumunta si Yoona sa dining table kung saan naroroon ang kanyang laptop. Doon niya plinay ang CD since natatakot na sila sa TV at baka kung ano rin ang mangyari. Baka biglang masunog ang bahay at masunog kami. Ayoko pa naman ng ganun. Ayoko ng apoy. Ayoko sa sunog.

Hindi nag-tagal ay nag-play na ang video.

Tumambad sa akin ang isang kwarto na tanging may taong naka-jacket at may nakasulat na “Goddess of death” sa likuran. Sa dingding ay may mga poster ni Alexandra na binaboy at mga kuting nakabitay. Sa gitna ay makikita mo ang isang kahon. Pero bakit parang gumagalaw ang kahon? Tinaas naman ni Yoona ang volume. Narinig namin ang isang boses. Boses na nagmamakawa ng tulong. Boses na parang pamilyar. Boses na parang narinig ko na. Boses na galing sa kahon.

Kinuha niya ang balde mula sa kanan niya at ibinuhos sa kahon. Hindi ko alam kunng ano ang likido pero dilaw ito na transparent. Kumuha ng papel ang taong nakajacket at may sinulat. Ang papel ay dinikit niya sa kahon. Tinigil ni Yoona ang video at ini-zoom in sa may papel dahilan para mabas naman ang nakasulat kahit malabo ito.

“Here lies the girl on fire?” basa ni Yoona. Matapos nun ay ini-zoom out niya ito at ipinagpatuloy ang palabas. Nilabas niya ang isang lighter mula sa bulsa niya at sinindihan ang kahon. Alab na alab ang kahon sa apoy. Tila kung tubig ito ay malulunod man nasa loob. Gusto kong takpan ang mga mata ko, sumuka at wag na ituloy ang panunuod pero bakit parang sinasabi ng utak ko ay panuorin ko ito.

Maririnig mo ang isang boses. Boses na sumasaklolo at puno ng awa. Kung nandyan lang ako siguro baka iniligtas ko ang nasa loob ng kahon at pinatay nalang ang naka-jacket. “Eww!” Sabay naming reaksyong tatlo ng lumabas ang isang mata mula sa isang butas sa kahon. Kadiri, karumaldumal, kadiri.

Matapos ang ilang minuto at tumigil na rin ang apoy. Hindi naman ito kumalat sa silid kung nasaan siya at yung biktima. Pumunta ang killer sa na-abong kahon at tao sa loob. May pinulot siya mula sa kahon. Isa itong singsing. Lumapit ito sa camera at itinutok ang singsing. Nang tinignan ko ng maigi ang singsing, agad akong naluha. Hindi, hindi maaari.

“Bakit ka umiiyak, Sunny?” Tanong sa akin ni Hannah. Tinigil naman ni Yoona ang video.

“A-ang singsing,” Sabi ko. “Ay pag-aari ni Alexandra.” Sabi ko.

“So ipagsabihin siya ang taong nasa loob ng kahon?” Tanong ni Yoona dahilan para tumango ako. Hindi naman napigilan ni Hannah ang luha niya at naki-iyak din sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Tumayo naman si Yoona at sinamahan kami. Kita sa mukha ni Yoona na nagpipigil siyang umiyak.

Sa gitna ng drama ay kusang nag-play ang video. Nag-black screen ito at tumugtog ang isang malungkot at the same time ay nakakatakot na kanta. It’s a piano masterpiece. Ilang segundo ang nagdaan at may mga letra na nag-fade in, isa’t isa hangga’t sa nabuo ito. Binasa ko ang buong mensahe at nanlaki ang mga mata ko.

“The SUNNY one is next.”

*KILLER’S POV*

Pitong babae nalang ang natitira. Hangga’t sa maging anim, apat at isa nalang. Ako ang matitira. Ako ang dapat nararapat. Nasa akin lang dapat ang spotlight. Ayaw ko ng may kahati. Ang akin ay ang akin. Kung ano ang gusto ko ay dapat masunod, magkusa man ako o ikaw ang magkusang lumayo.

Lalo ngayon na mag-cocomeback kami. Tiyak ay lalo kami sisikat habang sila naman ay pabawas ng pabawas hangga’t nasa akin na ang huling halakhak. At ito nalang ang masasabi ko sa kanila:

“You better run, run, run, run, run cause there's gonna be some hell to pay.” 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Do you like it guys? Update? Bukas, the next day or weekend. So yun lang. Hope you enjoyed. ^___^

Vote, Comment, Share and Support.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon