THE 9 GODDESSES #15 - Checkmate

2.9K 80 37
                                    

*JESSICA’S POV*

“You’re already checkmate – don’t try to hide it
You’ve fallen into a trap
There’s no sadness or tears
You just need to leave
like this, bye bye, checkmate”

Kanta naming sabay-sabay nina Yeonnie at Stephanie sa studio microphone. Kinakanta namin ang kanta na isinulat ni Manager Dee na hindi namin akalain na magiging song writer at hihigit pa sa pagiging manager namin. Maganda naman yung kanta, may mensahe naman ito... but it is a mystery. Ang title ng kanta ay ‘Checkmate’ na talagang isinulat sa amin.

Magiging masaya sana ang recording kung wala lang sana akong nararamdaman na guilt at awkwardness. Guilty ako habang kinakanta ito dahil hindi naman talaga ako ang dapat na originally na kumakanta nito. Ang dapat talagang kakanta nito ay si Alexandra at hindi ako. Hindi nga ata bagay ang boses ko eh kaya naka-ilang ulit ako.

“Good good. Maganda ang blending niyong tatlo. We’re done recording. Ngayon proceed na tayo sa MV.” Sabi ni Manager na ikinagulat namin. Hindi kami na sabihan na ngayon ang shooting para sa MV ng Checkmate. “Sorry kung biglaan lang at ngayon ko lang nasabi. Nandun na ang mga equpiment, staffs, props at mga damit na kailangan niyo sa venue kaya there’s no need to worry.” Sabi ni Manager Dee. Lumbas na kami sa recording room at nagpulong-pulong sa labas. Naglabas ng isang papel si manager Dee at inilapag sa lamesa. “Here is the flow of the story. It will be a thriller and horror music video. May mga scenes na hinahabol kayo ng half human at half horse pero hindi siya tikbalang. Parang tikbalang pero hindi. Yung horse ay yung nasa chess— yung knight. Then may mga scene na sumasayaw at kumakanta kayo sa chess board.” Sabi ni manager Dee.

“Hindi kaya sa sobrang thrill at nakakatakot ay ma-ban ang music video? May mga ganung insident—“ Tanong ni Stephanie pero pinutulan siya ni Manager Dee.

“No, no! It will be fine. Kung may music video nga na ultimo kung maka-bed scene hindi na-ban, ito pa kaya?” Sagot ni manager Dee. May point siya. Yung Thriller naman ni Michael Jackson na ultimo hindi ako nakatulog ng tatlong araw ay hindi naman na-ban ito pa kayang music video namin na walang zombies. Alam kong dapat ako ma-excite dahil magshoshoot na kami ng music video pero instead ay natatakot ako or kinakabahan. I don’t know kung dahil ba first time ako magsho-shooting ng music video na horror or baka may something deeper na hindi ko maipaliwanag.

“Pero manager, kailan naman natin ilalabas ang Twinkle? I mean todo effort kasi kami dun. Ginawan pa namin ng steps. Don’t tell me na mapupunta lang iyon sa wala.” Sabi ni Yeonnie. Ang akala namin kasi ang debut song ng sub-unit group na ito ay yung Twinkle pero iniba ni Manager Dee at ginawang Checkmate ang aming debut song.

“Hmmm...” Isip ni Manager Dee. “I-record nalang natin pag tapos na tayo mag-shooting para sa checkmate.” Sabi ni manager Dee at tumayo. Lalabas na sana siya ng recording studio ngunit may huling sambit siya. “Kung marerecord niyo pa ang Twinkle.” Sabi niya dahilan para ako ay mapatayo.

“STOP RIGHT THERE!” Pigil ko sa kanya habang nakaturo ang aking daliri sa kanya. Tumigil naman siya. “What do you mean na ‘kung marerecord niyo pa ang Twinkle’?” Suspicious na tanong ko sa kanya na ikinagulat ni Yeonnie at Stephanie. “Don’t tell me na ikaw ang Goddesses of dea—“ sabi ko pero pinutulan niya ako.

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon