THE 9 GODDESSES #10 - "Bakit ba kami nagkakaganito?"

2.8K 95 4
                                    

*YOONA’S POV*

Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na kalampag mula sa labas. Ganun kalakas ang instincts ko, pag may something unusual nagigising ako. Tumayo ako at sinuot ang fluffy slippers ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Stephanie at Cinna na lumalabas din sa kanilang mga kanyang-kanyang kwarto.

“Narinig niyo ba yun?” Tanong ni Cinna.

“Tsk, what do you think? Who would wake up 3AM in the morning?” Pagtataray ni Stephanie.

“Malay mo nauuhaw or naiihi. Marami rin naman kasing rason.” Sagot ko kay Stephanie.

“Whatever.” Sabi ni Stephanie. Sabay-sabay kaming bumaba at tinignan kung saan iyon nanggagaling. Nang makarating sa baba at binuksan namin ang pintuan. Nang mabukas ang pintuan ay tumambad sa amin ang isang katawan ng isang babae na nakaratay at pinag-kukuyugan ng siyam na uwak. Pinulot ko ang bato na nakalatag sa sahig at binato sa mga uwak. Umalis naman ang mga uwak pero kumaliwa ang ulo ng bangkay. Rinig na rinig mo ang malutong na tunog nang buto nung kumaliwa ang kanyang ulo. At nung tuluyang umalis ang mga uwak ay nagulat kaming tatlo.

“Stephanie, gisingin mo si Yeonnie at si Jessica.” Utos ko kay Stephanie na agad niya namang ginawa.

*YEONNIE’S POV*

Mahimbing akong natutulog nang may biglang malalakas na katok at tumatawag ng aking pangalan. Nagising ako at umunat. Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin si Stephanie na natataranta at gulong-gulo.

“Yeonnie! Yeonnie! Tignan mo yung nasa baba!” Sabi niya sa akin. Bumukas ang kabilang pinto at lumabas si Jessica na gulong-gulo at iritado. Tumingin naman doon si Stephanie at sinabing, “Jessica, bumaba kayo! Si Sunny patay na! Nag-suicide! Bilis!” Sabi ni Stephanie at agad naman siyang bumaba. Which means kami nalang ni Jessica ang nasa taas. Bababa naman sana ako kaso biglang hinawakan ng mahigpit ni Jessica ang braso ko. Piling ko ay bumabaon ang kanyang mahahabang kuko sa aking balat. “Ano ba, Jessica?! Nasasaktan ako.” Sabi ko.

“Tignan mo yang epekto ng pagiging pabaya mo! Nag-suicide na ang isa, sino pa ang hinihintay mong magpakamatay? Gusto mo ba lahat kami mamatay para magbigay daan kami dyan sa solo mo?” Sabi sa akin ni Jessica. Dahil sa kanyang sinabi ay pumiglas ako sa kanyang pagkahawak.

“Jessica, naririnig mo ba yang pinagsasabi mo?! Tingin mo ba ginusto ko ang lahat?! Kung solo ko lang ang gusto ko dapat matagal ko na kayong pinatay? Kung solo ang gusto ko ay sana tumanggi ako sa offer na maging isang miyembro ng grupong ito? Tingin mo ba madali ang maging leader? Ako ang tagasalo ng lahat ng mga iscandalong kinakasangkutan niyo! Sa media, sinong tatanungin? AKO DI’BA?” Sabi ko. Pareho naming pinigiling maging emosyonal. “Hindi buhay ko lang ang hawak ko, hawak ko ang buhay ng siyam! Isang maling galaw, malaking mali ng grupo! Hindi niyo alam kung anong nerbiyoso tuwing hihiga ako sa kama ko! Tuwing pipikit ako napapaisip ako kung anong mangyayari bukas? Kung magiging okay ba o hindi? Kung ikakabagsak o ikakaangat? Kailangan ko magsakripisyo ng napakaraming oppurtunities, oras at enerhiya para sa ngalan ng grupong ito!” Sigaw ko sa kanya. Pinunasan ko ang aking luha sa kanang mata. “Kung ayaw niyo na, sabihin niyo sa akin. Bukas na bukas sasabihin ko kay CEO na magdidisband na tayo. Afterall, pabagsak na tayo.” Sabi ko. Hindi ko na napigilang maging emosyonal. Pati na rin si Jessica ay napaiyak. Niyakap ako ni Jessica. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ka-drama.

“Umm, guys.” Tawag sa amin mula sa aming likod. Tinignan namin iyon ni Jessica at nadatnan namin si Stephanie. “I hate to break the drama pero I need you two, downstairs. Sorry.” Sabi ni Stephanie at nag-peace handsign. Tumawa kami ni Jessica at pinunasan ang aming mga luha at uhog.

Bumaba kami ni Jessica nang magka-akbay at humihikbi. Ngunit...

*THIRD PERSON’S POV*

Nadulas si Yeonnie habang pababa ng hagdaan. Bagama’t naka-akbay sila ni Jessica ngunit dahil sa gulat ay naalis ni Jessica ang kanyang kamay sa likod ni Yeonnie. Tuluyang nabagsak si Yeonnie at tumama ang kanyang ulo sa isang hakbang. Ikinagulat naman ito nina Jessica at Yeonnie. “Shit!” Mura ni Jessica. Binuhat ni Jessica si Yeonnie, piggyback style. Bumaba siya nang mabagal para iwas sablay dahil napakabigat ni Yeonnie sa kabila ng pagiging payat niya.

*JESSICA’S POV*

Nang makababa ay nakita ko si Cinna na may kausap sa phone habang si Yoona naman ay umiiyak sa upuan. Binababa ko sa sofa si Yeonnie. “Cinna, call the police! Stephanie, call the hospital! Yoona, ikaw muna bahala kay Yeonnie! I’ll call manager Dee.” Sabi ko. Ginawa naman nila agad ang aking utos. Tinawagan ko si Manager Dee ngunit ring lang ito ng ring. Ibababa ko na sana kaso biglang may sumagot. Bago pa man makapag-bati si Manager Dee ay inunahan ko na siya. “MANAGER DEE! KAILANGAN KA NAMIN DITO NGAYON! SUNNY COMMITED SUICIDE WHILE SI YEONNIE AY CRITICAL!” Bungad ko. Hindi ko siya narinig na sumagot pa. Deep silence lang ang aking narinig mula sa kabilang linya. Tingin ko ay napatahimik si Manager Dee o baka naiwan niya na ang phone niya at dumiretso na rito total malapit lang naman siya. Masikap pa rin akong naghintay ng sagot ngunit ibinaba na pala ito ni Manager Dee.

Ngunit lumipas ang ilang segundo at may gumambala sa amin. Hindi tunog ng mga sirena ng mga pulis o ambulansya. Hindi boses ni Manager Dee na nagtatanong kung ano ang nangyari. Kundi isang tunog ng baril. Hindi isa o dalawa kundi maraming tunog ng baril na nagpuputukan. Dahil sa mga putok ng baril ay napadapa sila sa sahig. Idinapa ko muna si Yeonnie sa sahig bago ko idapa ang aking sarili.

Nadatnan namin kung paano nabasag ang mga bintana. Paano nagkabutas bilog ang aming mga gamit. Paano nabasag ang pitchel ng tubig na kinuha ni Yoona para kay Yeonnie. Lahat ay kitang-kita. Para bang nanood ka ng 3D action movie. Tinignan ko ang aking mga ka-grupo. Sina Yoona at si Stephanie ay umiiyak habang si Cinna naman ay nagbubulong ng mga salita, nagdadasal ata. Tinamaan naman ng bala ang aming ilaw kaya dumilim ang aming paligid.

Akala naman ay tapos na ang lahat. Akala namin ay tapos na talaga ang 9 GODDESSES ngunit nakaramdam kami ng ginhawa nang tumigil ang putukan ng baril at nang marinig ang tunog ng mga sirena ng pulis.

Bakit ba kami nagkakaganito? 

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Sorry kung maikli at sabaw-sabaw! Babawi nalang sa susunod. Ahahahahaha! 

Vote, Comment, Share and Support

THE 9 GODDESSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon